Siya'y nagwika ng parabula sa mga taong naniniwala na sila ay nasa katwiran at gumagawa ng tama kaya kanilang kinamumuhian ang iba na inaakala nilang makasalanan.
"Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang magdasal;
ang isa ay Pariseo at ang isa ay kolektor ng buwis.
Ang Pariseo ay tumayo at nagdasal ng ganito:
Panginoon, nagpapasalamant ako at hindi ako katulad ng ibang tao na mga makasalanan,
mapagkurakot, mga mapang-apid sa hindi nila asawa o kaya katulang ng kolektor ng buwis na narito. Ako ay nag-aayuno dalawang beses, isang Linggo at nagbibigay bahagi sa bawa't aking kinita."
Ang kolektor ng buwis na nakatayo sa hindi kalayuan ay hindi man lang nagtaas ng kaniyang mata sa langit nguni't kaniyang tinapik ang kaniyang dibdib at nagwikang
Panginoon, kaawaan mo ako, isang makasalanan.
Ang sinasabi ko sa inyo, itong taong humingi ng awa ay tumanggap ng awa kaysa sa doon sa taong itinaas ang sarili niya sa mata ng Diyos. Ang mapagmalaki ay ginagawang aba at ang nagpapakababa ay siyang pinupuri.
(Luke 18:9-14)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento