1. Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
2. Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga kwentong napasalin-salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may sariling kwentong bayan.
3. Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga salaysay nito ay tungkol sa bayani at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng isang pook, tribu, bayan o mga bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento