Kuwento ni Mabuti
ni Genoveva D. Edrosa
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na problema sa pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay nagsimula sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang hindi kalalimang bagay ‘di gaya ng sa kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng nasabi, sinabi rin nitong siya ay iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila ay naging malapit. Ang suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at asawa. Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging guro, madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong ito’y naging “kwento ni Mabuti”.
nakakainspired ang kagaya niya
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
Burahinchar sana all
Burahin