Kabanata 18
Mga Kaluluwang Naghihirap
Nagtipon-tipon ang mga deboto at isang lalaki sa silong ng kumbento. Nang makita ni Hermana Rufa na padating ang kura, agad-agad nitong inabot ang kamay ng pari upang magmano subalit agad binawi ng pari ang kamay na ikinapahiya naman ng Hermana. Pinag-uusapan nila ang umalis na kura, nang biglang naisingit ni Manang Juana na siya’y nakapagkamit ng tatlong indulihensiya. Naging hudyat na ito nang simula ng payabangan ng mga deboto. Ayon kay Hermana Rufa, nagkamit diumano siya ng 457 indulhensiya plenaryo at 760,598 taon ng indulhensiya. Agad naman siyang pinasikatan ng Hermano na mayroon daw na nakahihigit na indulhensiya sa Hermana. Agad naman nitong tinanggap ang pagkakatalo at sinabing hindi ito nakapagtataka dahil siya ang maestro at ang pinuno ng lalawigan. At malugod naman itong tinanggap ng lalaki’t sinabing kahit siya’y natutulog ay nagkakamit pa rin siya ng indulhensiya, kung kaya’t kaya nitong itapon kung saan-saan ang indulhensiya niya. Tinutulan naman ito ni Hermana Rufa’t sinabi na ang indulhensiya’y hindi dapat itinatapon kung saan-saan, at mapupunta aniya ang Hermano sa purgatoryo. At ito naman ay itinaggi nang husto ng Hermano. Ayon kay H. Rufa, dapat daw siyang gayahin dahil malinis niyang inililista ang kanyang indulhensiya upang hindi siya makapangdaya at hindi rin siya madaya. Subalit ayon naman kay H. Sipa, wala nang hihigit pa sa ginagawa niya – na kapag nakabasag ang katulong niya ng baso, tasa o ano pa’y pinupulot niya ang lahat ng bubog, hanggang sa kaliit-liitan at doon niya ibabase ang kaniyang pagdarasal at pati ang kabayaran na dasal ng kanyang mga katulong. Pinutol naman ni M.Juana ang usapin tungkol sa indulhensiya nang tanungin niya kung paano dasalin ang tres padrenuestros, tres avemarias at tres gloriapatris – kung ito daw ba’y dinarasal ng sunod-sunod na tig-iisa o isa-isa muna ng tatlong beses. Ani ni H. Rufa, dapat hindi ihalo ang mga lalaki sa babae sa pagdarasal nito, na siya namang tinutulan ni H. Sipa. Nang tumitindi na ang iringan ng dalawa, pumagitna na ang maestro (Hermano).
Sinabi na ng Hermanos kung bakit kinakailangan nilang magpulong at ‘yon ay sa dahilang ipatatawag daw sila ng kura upang alamin kung sino ang nais nilang magsermon – si Padre Damaso o si Padre Martin o ang koadyutor. Nasa gitna sila ng pagdidiskusyon nang biglang dumating si Sisa at umakyat sa kumbento na may dala-dalang bakol na may lamang mga gulay. Nagtuloy siya sa kusina at nakausap niya ang kusinero at ang katulong. Anila, ang anak daw ni Sisa’y tumakas kagabi dala-dala ang ninakaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento