Huwebes, Setyembre 23, 2010

Kabanata 16

Kabanata 16
Sisa


Habang ang lahat ay natutulog ng matiwasay ang lahat matapos maipagdasal ang kanilang mga kaluluwa ng kanilang namayapang kamag-anak, may isang ina ang hindi magawang matulog kaiisip sa kanyang mga anak. Mayroon siyang asawa subalit mas madalas itong paggala-gala kung saan-saan kaysa matagpuan sa sariling bahay. Mahiligi din ito sa sabong kung kaya’t nagagawa nitong waldasin ang kanilang uunting salaping kinikita ng asawa sa pananahi, kung wala namang maibigay ang babai’y pinagmamalupitan ito. Dahil na marahil sa takot at sa lubos na pagmamahal sa asawa, hindi nito nagawa, ni minsan na ipagtanggol ang sarili at ang kanyang mga anak. Nang minsang umuwi sa bahay ang lalaki, inilahad ng asawa ang balak nitong ipasok ang mga anak sa simbahan upang maging sacristan, subalit hindi man lang sumang-ayon o ni tumutol ang lalaki, itinanong lamang nito kung ito’y mapagkakakitaan. Ngunit dahil na rin sa kagipitan at sa pagnanais na matuto ang mga anak, itinuloy nito ang balak.

Nang gabing iyon, mag-isang nakaupo si Sisa sa kanyang munting dampa habang pinanonood ang kanyang sinasaing para sa mga anak. Mababakas sa kanyang mukha na mayroon itong itinatagong kagandahan nang siya’y bata pa – napakagaganda ng kaniyang mga mata, mahahaba at malalim ang tingin; katamtaman ang ilong, maputla ang labi niya at mahaba ang buhok. Dahilan sa inaasam-asam na pag-uwi ng mga anak, nanghingi si Sisa ng tapang baboy-ramo at isang hita ng patong bundok sa kapitbahay nitong si Pilosopong Tasio at dinagdagan pa nito ng ilang pirasong tuyo. Subalit hindi naman inaasahang dumating ang kanyang kabiyak at saka inubos ang inihanda niyang pagkain para sa mga anak. Nang mabusog saka niya naalalang itanong ang mga anak, na siya namang ikinatuwa ng ina. At dahil dito, tatatlong piraso na lamang ng tuyo ang natira para sa mga anak, at dahil hindi kakasya sa tatlo ang natirang ulam, nagdesisyon na lamang ito na hindi na ito kakain.

Habang hinihintay ang mga anak, dumungaw ito sa bintana at may nakitang asong itim. Bagaman hindi mapamahiin itong si Sisa, sinaklot siya ng takot na hindi niya mawari kung ano ang pinagmumulan. Kung anu-anong mga pangitain ang gumugulo sa kanyang isipan. Tulad na lamang ng pangitain niya sa kanyang anak na si Crispin. Subalit ang lahat ng ito’y naglaho nang marinig niya ang nagmamadaling tinig ng anak na si Basilio.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento