Ipagdiwang Ang Mga Wika sa Pilipinas!
Bryan Tan
Bago ang lahat, ano ba ang wikang pambansa? Naisip na ba ninyo kung ano ito? Para sa akin, ang wikang pambansa ang wika ng iyong sinapupunan. Ito ay importante sa lahat ng mamamayang Pilipino dahil ito ang wikang ginagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pagsasalita. Maraming gamit ang wikang Filipino. Hindi lang natin alam na mayroon pala itong kahalagahan.
Kailan mo naisip ang kahalagahan ng mga wika dito sa Pilipinas? Tuwing Agosto lang ba? Ginagamit mo ba ang mga wikang ito ng umunlad ang Pilipinas o ginagamit mo ito sa masasamang bagay? Tinatangkilik mo ba ito o ibinabasura mo lang? Iyan ang mga tanong na madalas na bumabagabag sa akin. Pero importante ba talaga ang mga wika sa Pilipinas?
Kung ako ang iyong tatanungin, napakahalaga ng wika natin dito sa Pilipinas dahil ang isang bansa ay uunlad lamang sa sarili nitong wika. Hindi totoo ang sabi ng iba kong kaklase na ang wikang Ingles ang mas importante kaysa sa wikang ating ginagamit. Totoo na importante ang Ingles pero isipin mo na lang ang pagkarami-raming Pilipino na di-marunong mag-Ingles. Paano na kung mapadpad ka sa ibang lugar sa Pilipinas ngunit di ka marunong kahit man lang ang wikang Filipino? Ganyan kaimportante ang mga wika natin.
Ako ay natutuwa dahil kahit paano ay nakikita ko ang pagmamahal at respeto ng mga mamamayang Pilipino kahit na nagkakaroon ng pag-aaway at gulo paminsan-minsan. Gusto ko lang sanang magpayo sa mga mambabasa na matuto tayong lahat na ipagmalaki ang ating pambansang wika. Kahit nasaan ka man sa mundo, huwag nating ikahiya ang ating wika. Sa tigin ko, basta ikaw ay Pilipino, dapat making matuto ng sariling wika. Ang sabi nga ni Jose Rizal, “ Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang mabaho at malansang isda.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento