Biyernes, Setyembre 10, 2010

Halimbawa ng tanaga

Halimbawa ng tanaga

Anay
Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.

Kamote
Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.

Aso
Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.

Makopa
Kampanilya ni Kaka,
Kulay rosas ang mukha.
Piping tunog ang ngawa,
Makatas 'pag nginuya.

Pusa
Matanda na ang nuno,
Hindi pa naliligo.
Sa tubig nagtatago,
Tinik ang sinusuyo.

Sandok
Tangkay itong kakaiba,
Ang dahon ay nag-iisa.
Walang ugat, walang sanga,
Kasa-kasama ni Ina.

Makahiya
Nahihiya ang dalaga,
Mukha'y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.

Hapunan
Iniluto sa tahuri
Ang isdang napakalaki
Inihain isang gabi
Kasabay ng kanin pati.

Bulaklak sa Kasal
Makulay ang ramilyete,
Tangan-tangan ng babae.
Sa kasal ay importante,
Daig pa ang diyamante.

Kasuy
Amoy nito ay mabango,
Kung mamasda'y malilito,
Ang nakalabas ay buto,
Na para bang nagtatampo

Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.

Kaibigan
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

Palay
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

Pag-ibig
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

Sanggol
Pag ang sanggol ay ngumiti
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.

Pananampalataya
Ang taong bukas-pala
Ay madaling umunlad
Kamay ay nakalahad
Sa biyaya N'yang gawad.

Kalikasan
Sa tikatik na ambon
Umaawit ang dahon,
Sumisilong ang ibon,
Sumasayaw ang alon.

Bayan
'Pag palasyo'y pinasok
Ng buwayang niluklok
Sistema'y mabubulok
Baya'y maghihimutok.

Nagbibigay aral
Mag-ipon sa'yong gusi
Nang ika'y may mahasi.
Pagdating ng tagbisi*
ay 'di ka magsisisi.

Kurakot
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

Mataas Pa
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

Sipag
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

Slow
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

Tunay Na Yaman
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

Pipi
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

Filipino
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

Ikaw Lang
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

Paslit
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

Tanaga
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.

Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.

Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!

Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!

Buwan

Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?

Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.

Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.

Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.

Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.

Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.

Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!

Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.

Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.

Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.


83 komento:

  1. nice answer
    tnx for the help :-)

    TumugonBurahin
  2. salamat nakatulong talaga......
    :-)

    TumugonBurahin
  3. nice!! ILIKEIT

    TumugonBurahin
  4. thanks for that good research or answer.................. :D

    TumugonBurahin
  5. thanks 4 ur answer because of u my teacher doesnt angry to me.hehehe thank a lot

    TumugonBurahin
  6. watever !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  7. thank u nktulong ito sking pag -aaral the best i love it <3

    TumugonBurahin
  8. just chare and you are a great person!!!!!

    TumugonBurahin
  9. salamat sa info

    TumugonBurahin
  10. paghambingin ang HAIKU at TANAGA

    TumugonBurahin
  11. Haiku- Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (5-7-5).

    Tanaga- Ito ay binubuo ng apat na taludtod (verses) at sa bawat taludtod ay may sukat(syllables) na pipituhin. Sa loob ng naturang anyo, kailangan ay ganap na maipahayag ng makata ang nais sabihin sa pamamagitan ng matalinghagang pangungusap.

    TumugonBurahin
  12. salamat nakatplong yan xa akin

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. paanp makakatulong ang haiku at tanaga upang masilayn ang ating kultura at kalagayang panlipunan

      Burahin
    2. paano makakatulong ang haiku at tanaga upang masilayan ang ating kultura at kalagayang panlipunan

      Burahin
    3. please if you know the answer please reply now because i need it now for my assignment

      Burahin
  13. pwede kayong mag post ng halimbawa ng tanaga na patungkol ang tula sa inspirasyon?

    TumugonBurahin
  14. Ang mga tanaga pala ay parang mga bugtong rin pala???

    TumugonBurahin
  15. nice answer
    nakatulong talaga sa gagawin ko:)

    TumugonBurahin
  16. topic kase namen yang TANAGA at HAIKU eh Thanks a Lot

    TumugonBurahin
  17. tnks to the answers

    TumugonBurahin
  18. nakakatulong talaga kayo thanks a lot~daryl mae

    TumugonBurahin
  19. halimbawa ng tanaga tungkol sa pag ibig sa bayan at pagmamahal sa magulang..
    haiku - pagkabata at kasintahan.
    help me please

    TumugonBurahin
  20. pwede poh kyo mag lagay ng tanaga na hal. tungkol sa pagibig

    TumugonBurahin
  21. Nice may sagot na rn ako !! Hahhaah !! Nakakatulong ito !!

    TumugonBurahin
  22. andame di ko alam kung ano pipiliin ko ..

    TumugonBurahin
  23. thank you.<3 naka help ka sa homework ko XD





    - choco na gatas.<3
    - roeL castro ^^

    TumugonBurahin
  24. slamat s sagot.,pro wla ang ibon

    TumugonBurahin
  25. hi.po.. wla po kasi akung nkita patunkol sa edukasyon..

    TumugonBurahin
  26. salmat po dahil dedline na bukas

    TumugonBurahin
  27. tnx po at tpos na rin ako mag hanap ng tanaga at haiko tnx a lot

    TumugonBurahin
  28. hai salamat may project na rin sa wakas

    TumugonBurahin
  29. MADAMI KANG MATUTUTUNAN

    TumugonBurahin
  30. HI TRY UNG MAGBASA NITO

    TumugonBurahin
  31. its very interesting, cool and informative

    TumugonBurahin
  32. Kailan nagsimula ang paggawa ng mga pilipino ng tanaga? Thanks

    TumugonBurahin
  33. Nakatulong talaga saakin, maraming salamat

    TumugonBurahin
  34. thanks nakatulong po tlaga to !!

    TumugonBurahin
  35. maraming salamat dahil nka tulong talaga to saakin!..

    TumugonBurahin
  36. tnx sa info nakatulong sa proyekto ko. :>

    TumugonBurahin
  37. mayroon bang ibang halimbawqa ng tanaga na may apat na saknong????

    TumugonBurahin
  38. thanks much!!!
    I've got my assignment
    I'm done:)
    :''> CUPANG NHS student (ANtipolo)
    MAY MAGANDA:)






    TumugonBurahin
  39. dapat mayroong tanaga tungkol sa bulakak at pag-aaral .. sana magkaroon :)

    TumugonBurahin
  40. thanx sa mga tanaga....!!!

    TumugonBurahin
  41. ..tnx poh s info.nakatulong poh ng malaki.

    TumugonBurahin
  42. nice!! thats help me a lot

    TumugonBurahin
  43. THANKS PO it help me a lot... :)

    TumugonBurahin
  44. ae naku bored much

    TumugonBurahin
  45. ang taas ha.super o sha fb alert muna ako

    TumugonBurahin
  46. ano po yung Kaisipan ng Tanaga?

    TumugonBurahin
  47. Thank You so much for this 😊😊😊

    TumugonBurahin
  48. magbigay ng iba pang halimbawa ng tanaga at ang translation nito

    TumugonBurahin
  49. magbigay ng iba pang halimbawa ng tanaga at ang translation nito

    TumugonBurahin
  50. ang hirap naman kasing mag hanap eii..??

    TumugonBurahin
  51. Maraming salmat po kung wala po ito wala po aka ako ng assingment maraming salamat po

    TumugonBurahin
  52. i find this is cool :) thank for the info :)

    TumugonBurahin
  53. Grabe thankyou very much!!!
    Sobra tong makatulong!!!!

    TumugonBurahin
  54. tnx po makakatulong po ito sa aking takdang aralin

    TumugonBurahin
  55. tnx nakatulong ka talaga sa aking takdang aralin.....heheh

    TumugonBurahin
  56. HINDI PO NAKA BASE SA PAKSA -.-

    TumugonBurahin
  57. this is so amazing and so fantastic and it can help many learners from their project




















    TumugonBurahin
  58. Hahaha bakit ba parang mga bugtong iyon?

    TumugonBurahin
  59. Sinu-sino po ang sumulat ng mga ito? Nang mabigyan man lamang ng maliit na karangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pangalan sa kanilang obra.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung sino gumawa ng blog syempre sa kanya ang kredito alangan naman na hanapin mo pa eh dito mo nga nakita

      Burahin
  60. thank you for all writting this tanaga words

    TumugonBurahin
  61. Maraming salamat sa mga examples na binigay mo!😁

    TumugonBurahin
  62. example naman ng tanaga para sa guro

    TumugonBurahin
  63. pwede po bah gumawa ka ng tulang paakrostik gamit ang T,A,N,A,G,A

    TumugonBurahin