Bugtong
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). Ang mga bugtong sa Panitikan ng mga pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala. Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot sa pamamagitan ng mga bagay na nakalaad mismo sa bugtong. Isa itong palaisipan na susubukan ang iyong galing sa pagdiskubre ng pag kaka ugnay ugnay ng mga salita na nilalamang ng isang bugtong
Ang bugtong ay tulad lamang ng pungos na pangungusap, na madalas ay walang paksa o simuno. Mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit lagi namang nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na bagay na makikita sa kapaligiran. Nawawala ang ganda at bisa ng bugtong kapag marami itong posibleng sagot. Ang bugtong ay mayroon lamang iisang tamang sagot.
Ang bugtong ay mayroon din sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng 2 hanggang 4 na taludtod.
1. Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa kapaligiran
2. Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian sa bagay na binanggit sa naunang linya.
May dalawang uri ang bugtong
1. Mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata. Isang karunungang-bayan sa naglalayong palaguhin ang kakayahang pangkaisipan ng mga Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula.
Apat na katangian ng tunay na bugtong
1. Tugma
2. Sukat
3. Kariktan
4. Talinghaga. (Pinakamahalagang katangian)
Ang kasaysayan ng bugtong
Ito ay nagsimula pa bago dumating ang mga kastila kung ang pag-uusapan ay ang kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay ginamit upang libangin ang mga tao sa mga oras na wala silang ginagawa. Dahil dito nakassanayan na itong gawin ng mga taong pagkakatipon sa patay o sa gabi. Hanggang sa kasalukuyan mayroon pa ring mga tao na nagsasagawa nito. Iyon nga lamang hindi na kasindami ng mga tao noon.
Halimbawa ng mga bugtong na may pangngalang pantangi
1. Ang pangngalang pantangi ay tanging ngalan ng tao,hayop,bagay,lugar.
2. Ang pangngalang pambalana ay karaniwang ngalan ng tao,bagay,hayop,lugar at pangyayari. Ito ay isinusulat sa maliit na titik.
Paano nagsimula ang bugtong
Sa totoo lamang, nagsimula ang Bugtong sa panahon ating mga ninuno noong sila ay bumuo ng mga karunungang bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula, at hindi nila direktang ibinibigay ang pinahuhulaan
Napakaganda at kumpletong kahulugan ng bugtong.
TumugonBurahinsalamat
TumugonBurahinTy
TumugonBurahinTHANK YOU VERY MUCH FOR THE COMPLETE INFORMATION YOU GAVE ME FOR MY ASSIGNMENT 😊
TumugonBurahinMaraming salamat! Makakatulong ito ng lubusan sa aking takdang aralin.
TumugonBurahinSalamat po.
TumugonBurahinAko'y nagagalak sa inyong tinuran. Hahaha Pilipnong-pilipino ai... Peace po 😁✌✌
TumugonBurahinAko'y nagagalak sa inyong tinuran. Hahaha Pilipnong-pilipino ai... Peace po 😁✌✌
TumugonBurahinsalamat :)
TumugonBurahinThanks po sa info. na complete meron po ba kayong complete info? tungkol sa palaisipan?
TumugonBurahinTulong po.. anong ang kahulugan ng idyuma na “Magbilang ng sisiw”?
TumugonBurahinMaraming Salamat po sa mga detalye at impormasyon. Gagamitin ko po sana ito sa paggawa ng aking Lesson Plan at video demo. Maraming salamat po. <3
TumugonBurahinMaraming Salamat po.
TumugonBurahin