Biyernes, Agosto 27, 2010

Pangngalan

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
nars
Felisa
aso
Luneta
kompyuter
binyag
kasalan
kapayapaan

Dalawang Uri ng Pangngalan

1. Pambalana (Common) - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
doctor
paaralan
bulaklak
pusa

2. Pantangi (Proper) - Ito ay tumutukoy sa tiyak o tanging ngalang ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Dr. Santos
Don Alejandro Roces High School
Bantay
Araw ng Kalayaan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento