Lunes, Agosto 30, 2010

Ang Alfabetong Filipino

Ang Alfabetong Filipino

Ang makabagong Alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik. Ito ay hinango sa alfabetong Ingles na may 26 na titik at dinagdagan ng titik Ñ at NG. Ang NG ay itunuturing na isang titik lamang.


Kasaysayan ng Alfabetong Filipino

Alibata ang tawag sa kauna-unahang alfabetong Filipino. Ito ay pamana ng mga nandayuhang Malayo-Polinesyo at binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 katinig.

Mula sa Alibata, nabuo ang abakadang Filipino. Ito ay binubuo ng 20 titik: 5 patinig at 15 patinig. Noong 1971, nagdagdag ng 11 titik sa dating alpabetong Filipino. Ang mga alpabetong nadagdag ay, C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z. Samakatuwid ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 31 titik.

Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 titik, 20 ang galing sa orihinal na abakada at isinama ang pitong titik ng English: C, F, J, Q, V, X, Z at Ñ mula sa Kastila. Ayon sa ulat na ginawa ni Dr. Ernesto Constantino ng Pamantasan ng Pilipinas, ang pagdaragdag ng nasabing walong titik na bagong alpabeto ay magpapadali sa panghihiram ng mga salitang kailangang hiramin para mapayaman, mapaunlad at maging epektibo at modernisado ang Wikang Pambansa


Aa[ey]
Bb[bi]
Cc[si]
Dd[di]
Ee[ii]
Ff[ef]
Gg[dyi]
Hh[eyts]
Ii[ay]
Jj[dsey]
Kk[key]
Ll[el]
Mm[em]
Nn[en]
Ññ[enye]
NGng[en dyi]
Oo[o]
Pp[pi]
Qq[kyu]
Rr[ar]
Ss[es]
Tt[ti]
Uu[yu]
Vv[vi]


Ww[dobolyu]
Xx[eks]
Yy[way]
Zz[zi]




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento