Halimbawa ng tanaga
Anay
Reynang
nakahilata,
Alipi'y
nangaypapa,
Lumawit man
ang dila,
Sundalo'y
tatalima.
Kamote
Itinanim na
binhi,
Lumaki at
ngumiti,
Nang
hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng
binti.
Isip-Kolonyal
Ang anyo mo
ay sipi,
Nalimot na
ang lahi.
Sa dayuha'y
natali,
Sarili'y
inaglahi.
Aso
Mataas sa
pag-upo,
Mababa 'pag
tumayo.
Kaibigan
kong ginto,
Karamay at
kalaro.
Makopa
Kampanilya
ni Kaka,
Kulay rosas
ang mukha.
Piping tunog
ang ngawa,
Makatas 'pag
nginuya.
Pusa
Matanda na
ang nuno,
Hindi pa
naliligo.
Sa tubig
nagtatago,
Tinik ang
sinusuyo.
Sandok
Tangkay
itong kakaiba,
Ang dahon ay
nag-iisa.
Walang ugat,
walang sanga,
Kasa-kasama
ni Ina.
Makahiya
Nahihiya ang
dalaga,
Mukha'y ayaw
ipakita.
Nagtatago sa
balana,
Sa hipo ay
umaalma.
Hapunan
Iniluto sa
tahuri
Ang isdang
napakalaki
Inihain
isang gabi
Kasabay ng
kanin pati.
Bulaklak sa Kasal
Makulay ang
ramilyete,
Tangan-tangan
ng babae.
Sa kasal ay
importante,
Daig pa ang
diyamante.
Kasuy
Amoy nito ay
mabango,
Kung
mamasda'y malilito,
Ang
nakalabas ay buto,
Na para bang
nagtatampo
Kawayan
Naaayon sa
kuwento,
Nilalang ay
galing dito,
Walang
pinto, puro kwarto,
Doble
sarado-kandado.
Kaibigan
Ang katoto
kapag tunay
hindi ngiti
ang pang-alay
kundi isang
katapatan
ng mataus na
pagdamay.
Kabibi
Kabibi, ano
ka ba?
May perlas,
maganda ka;
Kung idiit
sa taynga,
Nagbubunitunghininga!
Palay
Palay siyang
matino,
Nang
humangi’y yumuko;
Nguni’t
muling tumayo
Nagkabunga
ng ginto
Tag-init
Alipatong
lumapag
Sa lupa —
nagkabitak,
Sa kahoy
nalugayak,
Sa puso —
naglagablab!
Pag-ibig
Wala iyan sa
pabalat
at sa puso
nakatatak,
nadarama’t
nalalasap
ang pag-ibig
na matapat.
Sanggol
Pag ang
sanggol ay ngumiti
nawawala ang
pighati,
pag kalong
mo’y sumisidhi
ang pangarap
na punyagi.
Pananampalataya
Ang taong
bukas-pala
Ay madaling
umunlad
Kamay ay
nakalahad
Sa biyaya
N'yang gawad.
Kalikasan
Sa tikatik
na ambon
Umaawit ang
dahon,
Sumisilong
ang ibon,
Sumasayaw
ang alon.
Bayan
'Pag
palasyo'y pinasok
Ng buwayang
niluklok
Sistema'y
mabubulok
Baya'y
maghihimutok.
Nagbibigay aral
Mag-ipon
sa'yong gusi
Nang ika'y
may mahasi.
Pagdating ng
tagbisi*
ay 'di ka
magsisisi.
Kurakot
Inumit na
salapi
Walang makapagsabi
Kahit na
piping saksi
Naitago na
kasi.
Mataas Pa
Itong
dumapong langaw
Sa tuktok ng
kalabaw
Ay tiyak
masisilaw,
Sa sikat na
tinanaw.
Sipag
Magsikhay ng
mabuti
Sa araw man
o gabi
Hindi
mamumulubi
Magbubuhay
na hari.
Slow
Hindi ko rin
malaman,
Hindi
maunawaan
Mapurol kong
isipan,
Isalang sa
hasaan.
Tunay Na Yaman
Ako ay
Filipino
Kulay tanso
ng mundo
Ngunit tunay
kong ginto
Nasa aking
sentido.
Pipi
Puso ko’y
sumisigaw
May bulong
na mababaw,
Hindi naman
lumitaw
Tinig ko’t
alingawngaw!
Filipino
Tagalog ang
wika ko
Hindi sikat
sa mundo
Ngunit
lantay at wasto
At dakilang
totoo.
Ikaw Lang
Dasal ko sa
Bathala
Sana’y
makapiling ka
Sa luha ko
at dusa
Ikaw ang
aking sigla.
Paslit
Maraming mga
bagay,
Na sadyang
lumalatay,
Isip ko’y
walang malay,
Sa hiwaga ng
buhay?
Tanaga
Ang tanaga
na tula
Ay sining at
kultura
Tatak ng
ating bansa
Hanggang
wakas ng lupa.
Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.
Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!
Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!
Buwan
Mata ng
gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?
Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.
Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.
Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.
Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.
Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.
Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!
Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.
Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.
Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.