Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Suring Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Suring Aklat. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Mayo 21, 2013

Daluyong


ni Lazaro Francisco


I. Ang May Akda
Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.

II. Mga Tauhan

LINO - dating bangkero ng isang asyenda, na nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng sambanos na lupa sa tulong ni Padre Amando Echevarnia
PADRE AMANDO - nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Tumulong kay Lino at sa anak nito.
MS. LORETO SANCHEZ - pamangkin ni Padre Amando at punung-guro sa eskwelahan sa Pinyahan. Kumupkop kay Ernesto
ERNESTO - anak ni Lino sa pagkabinata
BIDONG - katiwala ni Lino sa kanyang bukid at kasintahan ni Huli
HULI - anak ni ALing Barang at Mang Abeng at kasintahan ni Bidong
ALBINO - katiwala ni Don Tito sa kanyang bakahan at matalik na kaibigan ni Lino
DON TITO - isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system
DR. BENIGNO (BENEG) SITYAR - anak ni Don Tito na tumatakbo sa pagkagobernador
DIDANG - babaing taga-maynila na napadpad sa Maruhat at kasintahan ni Lino
ALING HUWANA - balong babae na kumupkop kay Didang
ALING BARANG - ina ni Huli
ALING BASILIA - ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni Padre Amando
ATTY. MARCELO LIGON - abugado ni Padre Amando
SALINA, MINA, AT BEBA - mga kaibigan ni Ms. Sanchez

III. Buod

Nang umagang iyon ng Mayo 21, 1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay may pagtingin sa kanya.
            
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.
            
Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto at isa na rito si Don Tito.
           
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.
            
Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.
            
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
            
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.
            
Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.
            
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
            
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
            
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga ito.
           
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita.
            
Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil ditto, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino.

IV. Pagsusuri

Istruktura

Sunud-sunod ang paglalahad ng pangyayari sa nobelang daluyong. Madaling mahuli ng mga mambabasa ang magiging wakes ng kuwento. Nagiging mabilis ang daloy ng mga pangyayari sapagkat hindi masyadong masalimuot ang paglalahad. Ang bawat tauhan ay nakapagpaliwanag ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga binanggit na pahayag sa nobela. Nailarawan din ang mahahalagang tagpo o eksena sa tamang lokasyon o tagpuan.

V. Teorya

Realismo
pinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at pahlalarawan ng mga bagay, tao at lipunan. Halimbawa ay ang paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.

Klasismo
sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa damdamin ng kanyang pinasyang iwasan si Ms. Sachez dahil sa naisip niyang alangan siya dito.

Simbolismo
  • Gumamit ang may akda ng mga simbolismo tulad ng daluyong o malaking alon para magbigay katanungan sa mambabasa kung paano magkakaugnay ang isang daluyong na ginamit bilang pamagat ng nobela sa kwento ng nobela
  • Pinapakita ng isang daluyong ang isang patuloy na pag agos ng alon sa buhay ng isang tao. Hindi kailanman humihinto o tumitigil ang pag alon nito, minsa’y mapanganib minsa’y hindi, minsa’y mahina at minsa’y napakalakas

 VI. Tayutay

Pagtutulad/Simili
  • “Ang kanyang mga ngiti ay tulad ng isang makinang na bituin sa isang malalim na gabi” – Lino -
  • “Animo’y bulkang pumutok sa galit si Lino ng kanyang nalaman ang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan na si Bidong ng siya’y tumakas sa asyenda ni Don Tito” - Padre Amando -

Pagwawangis/Metapor
  • ”Pulot sa tamis ang pananalita ng aking irog” – Didang -
  • “Ang mga payo ni Padre Amando ay siyang tulay sa aking maliwanag na isipan” Lino-

Personipikesyon
  • “Ang buwan ang magiging saksi sa ating pagsusumpaan at pag-iibigan” – Bidong -

 Pagmamalabis
  • “Pumuti na lahat ng buhok ko sa pamomnobrema sa batang iyan!” - Aling Barang -

 VII. Idyoma

Namanhid ang buong katawan ni Lino sa nalamang niya sa kanyang matalik na kaibigan
Dadaan ka sa butas ng karayom kung patuloy mo siyang mamahalin
Hugas kamay si Don Tito sa pagpatay kay Bidong
Wala kang kaluluwa Don Tito!
Tuloy-tuloy na ang pagbaha ng dugo
Hindi malikot ang kamay ko! Ginamit ko ang ninakawa ko para sa mga mahihirap

VIII. Mga Bisa

Bisa Sa Isip
Maraming bagay ang naging bago sa aking isipan o mga nalalaman ko na ngunit hindi ko pa maintindihan. Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao. Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

Bisa Sa Damdamin
Ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay halu-halong damdamin mula sa umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa mga tauhang nagsiganap sa nobelang ito. Paghanga kay Padre Amando sa kanyang pinakitang kabaitang loob na pagtulong sa mga magsasaka, pagkainis kay Lino sa kanyang pagpili ng kanyang isipan kaysa sa kanyang nadaramang pagmamahal kay Ms. Sachez, pagkagalit kay  Don Tito dahil sa pagkagahaman nito at kasamaang loob nito at malungkot sa nangyaring pagmamahal ni Ms. Sachez kay Lino.

Bisa Sa Kaasalan
Tunay ngang ang nobelang ito ay may magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan.

IX. Kongklusyon

Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao

Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito

Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

X. Reaksyon
      
Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang mga kuwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang tagpo nang sa gayo’y ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.

Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.

Mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng panghihikayat sa aking mga kaibigan, kaklase, magulang, kapamilya, at sa mga kaibigan ng king mga kapamilya at magulang na basahin ang nobelang ito. Kaya nais kong ipamahagi ito sa lahat ng sa gayo’y maintindihan nila ang nais ipahatid nito sa lipunan, Sa mga may kapangyarihan at sa mga taong naaapi. Ipapahiram ko rin itong aklat na ito sa mga taong nais magbasa nito.

Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan. Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. “Walang lihim na hindi nabubunyag.” “Habang may Buhay ay may Pag-asa”.





Mga Sanggunian:


jrpasamanero03. Mayo 21, 2011. Daluyong. Retrieved from





Sabado, Pebrero 9, 2013

Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo

Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo
ni Ricardo Lee


Mga Tauhan:

Emmanuel Lazo o Manny - Ang nanguna sa Protesta.
Mang Delyo- Tatay ni Manny .
Kuya Edel- Ang nakakatandang kapatid ni Manny  sa pangalawang asawa.
Amor- Kaklase ni Manny .
Danilo o Danjun- Ang nagligtas kay Manny  kahit hindi nya kaano-ano ito.

Tagpuan:

Nueve Vizcaya- Dito nakatira ang mga kasama ni Manny  at pati na rin siya.
Monumento- Dito nila nahabol ang rally
Agrifina Circle- Dito sila nagpahinga upang mag-ipon ng lakas para bukas.
Kanto ng Taft at Ayala- Dito nagsimula ang malagim na pangyayari.
PHG (Philippine General Hospital)- Dito dinala si Manny  ngunit patay na, at dito limang araw nakipaglaban upang mabuhay bago namatay
UP Chapel- dito unang ibinurol si Manny  at dito siya nadatnan ng ng kanyang ama.
Malate Church- Dito inilipat ang bangkay ni Manny .
Baliwag Church- Dito nagtagpo ang dalawang bangkay ng mga estudyante na namatay sa rally.

Tunggalian:

Sa rally ang pinaka mahirap na tunggalian laban sa mga nakaupo sa Pamahalaan.

Buod:

Ang disisyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds.hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisyete ay nakaburol na siya sa malate church, nang mamaga ang noo dahil ang balang pumasok sa ulo ay di na nakalabas, putok ang labing nasubsob sa kalsada, duguan ang knapsack. kagaya siya ng karaniwang bangkay na pina-pangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya'y dobleng pinapangit ang pangyayaring ang pumatay sa kanya'y maaaring di na matagpuan kailanman. Siya ang pinakahuling biktima sa mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally. Ang rally na sinalihan ni Emmanuel Lazo o Manny , ay ang pinakamahabang martsa ng magsasaka't kapanalig noong oktubre 17-20. Galing sa pamilya ng mga magsasaka si Manny , ngayo'y namatay siya para sa mga magsasaka.
Si Manny  ay tahimik na tao, elematarya pa lamang ay kinakantyawan nang bakla dahil hindi ito lumalaban. Di nagtagal ay unti-unting nakaamoy ng pagbabago si Mang Delyo sa anak. Noong mga bata pa ay nag-uuling ang mga magkakapatid. sa high school ay lalong nahasa sa pakikitungo sa kapwa si mMaanny, mahilig siyang makipagdebate at gustong gustong matuto. Pero nung grumadweyt sa high school ay kinapos sila sa pera. Isinanla ni Mang Delyo ang kaisa-isa nilang lupa upang ipantustos sa pag-aaral ni Manny  dahil gusto niya talagang makatapos. Tumigil naman sa pag-aaral ang kapatid niyang si Elmer upang pumunta ng Saudi, dahil dito isinanla ni Mang Delyo ang kanilang pastulan. Matagal nang sumasama ni Manny  o rambo (ang tawag kay Manny  nina Amor at ng mga ka-dorm niya dahil maitim siya ang mahilig sa body building) sa rally at sa wakas ay natupad na. May 29 silang bumiyahe, puro galing Nueva Ecija, ang ilang miyembro. Ang dala ni Manny sa knapsack niya ay para sa good for one night lamang dahil di niya inaasahan na magtatagal sila sa Maynila. Gusto ni Manny  makapag uwi ng shield ng riot police bilang souvenir. Kinagabihan matapos ang maghapong martsa'y sa agrefina circle sila nagpahinga upang mag ipon ng lakas para sa martsa kinabukasan. Hindi makatulog si Manny at biniro niya si Amor. Kinaumagahan ay giniginaw si Manny  maski di naman maginaw. nagpapraktis ng kakantahin nila sa rally. Ang kanilang kinakanta ay ang alerta katipunan ang paboritong kanta ni Manny . Tungkol ito sa pagpapakasakit para sa bayan maski buhay handang ialay.

Nasa kanto ng taft at ayala ang mga nagra-rally nang pasukin sila ng mobile cars. Napunit ang mga streamers tumalsik ang mga bato at sumangin ang mga bala, at ang isang pulis na nakasumbrero ng magsasaka at nagpapaputok. Si Manny  ay sumigaw ng Nueva Ecija, mga Nueva Ecija, h’wag kayong maghihiwalay ngunit siya pala ang mapapahiwalay. Ayon sa mga pinagtagni-tagning kwento’y napatakbo si Manny  sa unahan nang nagkagulo. Isang baal ang tumagos sa ulo niya at siya’y bumagsak. Isang estudyante ang patakbong dumalo upang ilayo si Manny  sa crossfire, si Danjun; hindi sila magkakilala at hindi na magkakakilala pa. tinamaan din ng bala si Danjun. Inihamba ng mga estudyante ang katawan nila sa kalsada upang maisakay sina Manny  at Danjun at tumigil ang sasakyan ng DZRH. Ito ang naghatid sa dalawa sa ospital. Bandang ala una’y nabalitaan nila na may dalawang unidentified sa PGH. Nagpapunta sila ng kasamahan. Nang matiyak nilang si Manny  nga ang namatay gininaw sila at nagyakapan. Samantala limang araw namang nakipaglaban si Danjun upang mabuhay bago mamatay.

Walang kamalay-malay si Elmer sa mga pangyayari. Paalis siya kinabukasan papuntang Saudi. Hindi ito alam ni Manny  dahil gusto ni Elmer na sorpresahin siya. Pasado alas onse nabaril si Manny . Bandang alas dose doon sa eksaktong lugar ay napadaan si Elmer, umuwi siya sa bahay wala pa ring nalalaman. Kinaumagahan habang nag-eempake siya ay narinig niya sa radio si Doy Laurel, binabatikos ang administrasyon, binggit na may estudyante na namang napatay, Emmanuel Lazo. Natatakot man umaasa siya na kapangalan lang ng kapatid niya ang nasa balita. Nagpunta siya ng crame, doon ay nakibasa siya ng diyaryo at natiyak niya na ang kapatid niya ang napaslang. Nang narating na niya ang burol ay pinabuksan niya ang kabaong at kapatid nga niya ang napaslang. Nabalitaan naman ni Mang Delyo ang lahat sa pamamagitan ni Tata Kandong. Nangako si Tata Kandong ng tulong kaya nakahiram siya kay Vangie na may dalang pera. Alas tres ng madaling araw ng makarating siya sa Maynila. Nagpatulong siya upang tawagan si Mrs. Silipan at nakausap niya ito. Tinulungan si Mang Delyo ni Mrs. Silipan upang mahanap ang labi ng kanyang anak. Nagulat si Mang Delyo dahil napakaraming tao sa burol ng kanyang anak .lumapit si Mang Delyo sa bangkay ng anak sa at ibabaw ng kabaong ay may nakasulat

Sa bawat pagsubok ng araw ay may pagpanaw
Isang pag-aalsang di mo natatanaw
Sa muling pagsikat nito’y kumikilos ka
Taglay mo ang isang bagong pag-asa.
MABUHAY, KA MANNY !

Lalong bumaha ang tao nang ilipat ang bangkay ni Manny  sa malate church.May mga dumating na mga estudyante. Bumyahe pa mula Central Luzon. Nilapitan siya ng mga tao at kinamayan matapos ang minsang-parangal. Nang pumunta si Mang Delyo sa harapan ay nagtayuan ang lahat bilang pagpupugay at binigyan siya ng plake na kauna-unahang nagtanggap niya. Sa pangyayaring ito nagising si Mang Delyo at bigla niyang naunwaan ang lahat. Bukas ay uuwi na sila sa Cagayan Valley kinaumagahan ay dumaan sila sa western police district bilang funeral march at dumating sila sa baliwag kina hapunan. Sa isang seremonya ay magsasalubong ang dalawang bangkay, dalawang kabataan sa isang napakaikling panahon ay pinagsama ng kapalaran at simulain, nagkatulungan kahit hindi magkakilala. Pagkatapos na pinagsama ay naghiwaly uli ang dalawang bangkay upang tuluyan nang umuwi si Manny sa Nueva Ecija.



Si Mang Estong

Si Mang Estong


Paksa o Tema:

 

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib

Ito ay mas kilala sa salawikaing “Don’t judge a book by its cover”. Agad na hinusgahan ng mag-asawa ang relasyon na namamagitan kina Jenny at Mang Estong ngunit sa huli ay kanilang nalaman na tatay pala ni Jenny si Mang Estong kung kaya’t ganoon na lamang ang kanyang pagdaramdam sa pagkamatay ni Mang Estong.

 Mga Tauhan:


Jennifer o Jenny - ang editor ng Pinoy’s Courier, miyembro ng KAPILING, at anak ni Mang Estong.
Narrator at asawa ng narrator - Ang mag-asawa ay matatalik na kaibigan ni Jenny na labis ang pag-aalala sa kanya.
Mang Estong - isang miyembro ng KAPILING at ang tatay ni Jenny.

Buod:

 

Si Mang Estong, magpipitumpung taong gulang na manunulat, ay isang miyembro ng KAPILING o Kamanunulat na Pilipino sa Inglatera na mula pagkabata ay mahusay na siyang magsulat at magbigkas pero ngayon, ayon kay Jennifer, editor ng Pinoy’s Courier at isa ring miyembro ng KAPILING, malat na ang tinig ni Mang Estong dahil sa sobrang pag-inom ng alak at may lumalaganap ring balita na pilyo siya sa tsiks at ang mga nabibiktima niya ay pawing mga bata. Nag-aalala ang narrator at ang asawa niya kay Jenny dahil napansin nilang nagkakamabutihan na si Jenny at Mang Estong lalo na noong kukamain sila sa isang restoran at nakatagong nagmamasid ang mag-asawa. Makalipas ang isang buwan, dumating na ang araw ng pagpupulong ng KAPILING at balak na sana ng narrator na kausapin si Mang Estong ukol sa relasyon nila ni Jenny ngunit hindi sila dumating na tunay namang ikinatakot ng narrator. Ibinalita ito ng narrator sa kanyang asawa at nagpasiya silang puntahan si Mang Estong sa kanyang tahanan ngunit sabi ng kapitbahay niya ay isinugod raw ang matanda sa ospital at laking gulat ng mag-asawa nang makita nilang naroon sa ospital si Jenny sa labas ng ICU (Intensive Care Unit), umiiyak nang malamang may kanser sa atay si Mang Estong at may taning na ang kanyang buhay. Laki sa Lola si Jenny at hiwalay ang kanyang mga magulang. Ang nanay niya’y nakahanap ng iba ngunit namatay sa isang motor accident at ang tatay naman niya’y naglayas at nagpakalayu-layo. Namatay sa ospital si Mang Estong na labis namang idinamdam ni Jenny at muling nagtaka ang kaibigan  nila sa pagmamalasakit ni Jenny. Sa huli ay inamin na rin ni Jenny na si Mang Estong ay ang kanyang tatay na iniwan siya sa kanyang Lola.


Banaag at Sikat

 Banaag at Sikat
 ni Lope K. Santos


Pagkilala sa may akda:

Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.

Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. [4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
.

Layunin ng may  akda:

Ilahad na di lamang maaring mabuhay ang tao sa pamamagitan ng pagyaman.

Tema O Paksa ng akda:

Kahanga-hanga dahil di nila inintindi ang mana ni Meni upang mabuhay ng maginhawa.

Mga Tauhan:

Don Ramon – Ama ni Talia at Meni Felimon
Loleng- magulang ni Isiang,madlanglayon na kaibigan ni talia,
Felipe- manlilingbang,
Delfin-manunulat
Tentay -asawa ni felipe.

Tagpuan:
Antipolo / Laguna

Nilalaman ng balangkas / pangyayari:

masyadong konserbatibo ang wakas.

Kaisipan / ideang taglay ng may akda:

Nagbibigay insperasyon sa mga mambabasa.

Buod:

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."




May Lihim Ang Bahay-Bahayan

May Lihim Ang Bahay-Bahayan

Buod:

Si Peter Katindig o Pedro, isang arkitekto at inhinyero, ang nagplano at gumuhit ng ginagawang mansiyon pero hindi niya kilala kung sino ang may-ari nito at tanging ang kinatawan ng may-ari ang namamahala ng pagtayo ng gusaling ito. Nagpanggap si Peter bilang isang trabahador kung saan nakilala siya bilang Pedro at sa tuwing may oras siya para magpahinga ay dumadaan sa kanyang isip ang kasintahang si Melinda, isang nars na nagtrabaho sa London bilang isang private nurse sa isang British family ngunit nawalan sila ng komunikasyon makalipas lamang ang ilang buwan nang pagtatrabaho ng kanyang nobya doon. Mula pagkabata ay naglalaro na sila ng bahay-bahayan at pinangarap nilang magkaroon ng mansiyon. Matapos ang pagtayo ng mansiyon ay dumating na ang may-ari sakay ng bagung-bagong Mercedes Benz . Laking gulat ni Pedro nang makita niyang bumaba ng kotse si Melinda kasama ang may edad nang British at si Melinda ay pinakilala sa lahat. Siya naman ay nagpasalamat sa bawat taong nagpagod para magawa ang pangarap niyang mansiyon at ibinunyag niya na kanyang kahati sa mansiyong ito si Peter Katindig na nagpanggap bilang isang trabahador. Nagtaka ang lahat kung sino ang kanyang tinutukoy at bigla nitong nilapitan si Pedro at sinama sa gitna at nagpatuloy sa pagsasalita kung saan inamin rin niyang matagal na niyang alam na si Pedro ang arkitekto at inhinyero na responsable sa pagpapatayo ng mansiyon kaya niya tinigil ang komunikasyon kay Pedro at sinorpresa siya sa gabing iyon. Kinabig at hinagkan ni Pedro si Melinda at nagpalakpakan ang lahat.

Mga tauhan:

Peter Katindig o Pedro - isang arkitekto at inhinyerong kasintahan ni Melinda na nagpanggap bilang isang manggagawa sa upang tutukan ang mansiyong kanyang iginuhit at pinlano.
Melinda Bituin - Kasintahan ni Peter na isang private nurse ng bilyonaryong British sa London.
Tito Bert - Nangingibang bansa na nagbalik bayan na nakakita kay Melinda.
Foreman - Kinatawan ni Melinda.

Katapatan at Pangarap

Mula pa noon ay pinangarap na nilang makapagpatayo ng mansiyon at natupad ito kahit hindi man namalayan ni Pedro na ang kanyang ginagawa ay ang matagal na nilang pinapangarap. Makikita ang katapatan ni Melinda kay Pedro kahit pa sa London siya nagtrabaho at itinigil ang komunikasyon sa kanyang nobyo.

OFW
Karamihan sa mga Pinoy ay nangingibang-bansa dahil, totoo naman, na mas may oportunidad at mas malaki ang sweldo sa labas ng bansa. Ito na rin ang tumulong kay Melinda upang makapagpatayo ng mansiyon kugn saan niya makakasama ang kanyang nobyong si Pedro.

Mga Paksa at Tema:

Ipinakita sa kwentong ito ang pagiging tapat ng isang kasintahan sa kaniyang kasintahan.
Nasa kwento rin ang konsepto ng social discrimination dahil sa paninigaw at pagmamaliit sa kakayahan ng mga manggagawang nasa mababantang antas ng lipunan.
Inilarawan dito ang tunay na pag-iibigan.

Ang paksa ng kwentong ito ay ang pangarap na nagsimula sa maliit at naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga at paghihirap


Lampin Para Kay Baby

Lampin Para Kay Baby

Buod:

Noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan, naging magkaklase sila Danny at Nena. Mahiyain si Danny noong una, ngunit naging magkaibigan na rin sila ni Nena pagkatapos siya tulungan ni Danny isang hapon. Mula noon, nahulog na ang puso ni Danny para kay Nena ngunit nilayuan siya ni Nena dahil sa panunukso ng kanilang mga kaklase. Dumating ang graduation ball, may sari-sariling dates ang dalawa, at nawalan na ng lakas ng loob si Danny na umamin kay Nena. Lumipas ang mga taon at hinahanap-hanap pa rin ni Danny si Nena, nang isang hapon ay nakasalubong ni Danny si Nena sa Carriedo, bumibili ng lampin para sa sanggol. Nakapanghihina man ng loob ang inakala ni Danny, ginusto pa rin niyang makita muli si Nena at nangyari ito sa tulong ni Nicanor, ang dati niyang kaklase at kapitbahay ni Nena. Nagkita si Danny at Nena sa isang parti, at umamin na sa wakas si Danny kay Nena. Makalipas ang tatlong araw, nakatanggap si Danny ng liham mula kay Nena kung saan nagpapaliwanag siya na wala siyang sanggol o asawa, at tinatanong kung bakit noon lang umamin si Danny.

Mga Tauhan:

Danny de Jesus - Disiotso at isang delayed na estudyante nang makilala niya at mahulog ang puso niya para kay Nena noong ikaapat na taon nila sa mataas na paraalan. Torpe at mahiyain noong bata, ngunit nagkaroon na rin ng lakas ng loob ng lumaki na siya.
Nena Maranan - Tagapangulo at crush ni Danny noong ikaapat na taon nila sa mataas na paaralan. Mabait na babae, ngunit mahiyain kapag tinutukso.
Nicanor/Nick - kapitbahay halos ni Nena, at kaklase nila Danny noong hayskul. Mabuting kaibigan at natulungan ang dalawa na magkita muli.
Miss Fresco at ang mga kaklase - Nanunukso kayla Danny at Nena noong hayskul.
Yoly - Ka-partner ni Danny noong graduation ball nila. Pinsan niya.
Erning - Date ni Nena noong grad ball. Pinsan niya.

Mga Tema:

tadhana at pag-ibig - Pagkatapos ng hayskul, akala ni Danny ‘di na niya muli makikita si Nena, ngunit binigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng tadhana nang magkita sila muli sa Carriedo. Matagal na ang nakalipas, ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ni Danny, at inaantay lamang pala siya ni Nena.

maling akala - Kung nawalan na talaga ng lahat ng pag-asa si Danny dahil sa maling akala niyang may anak/asawa na si Nena, baka hindi na nila nalaman ang nararamdaman ng isa’t isa. Ngunit dahil rin sa maling akala na ito, nabigyan ng rason si Danny para makausap si Nena at napaamin din siya.

unang pag-ibig - si Nena ang unang pag-ibig ni Danny, at makikita sa kwento kung gaano kalakas ang tama nito kay Danny. Si Nena ang pumansin sa kanya kahit na sobrang tahimik ni Danny sa klase, at makalipas ang ilang taon, ang pagkatao ni Nena pa rin ang hinahanap-hanap ni Danny.



Pinaglahuan (kabanata III)

Pinaglahuan (kabanata III)
ni Faustino Aguilar                               

Layunin:

Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Naturalismo

Tema ng Pag-ibig Bilang Pagpapakita sa Kalagayan ng Bayan:

Ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga tampok bilang mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgesya Kumprador at mga Panginoong may Lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgesya.
Si Luis naman ay siyang representante ng uring manggagawa o sa uring anakpawis. Samantala si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. Sa pamamagitan ng tema ng pag-ibig ay naiangat ni Faustino Aguilar ang istorya upang mulatin ang kamalayan ng mga mambabasa. Ano nga ba ang pag-ibig na ito kundi ang pag-ibig sa bayan at ang paghahangad ng bawat masang Pilipino na naduhagi ng imperyalismo, na siyang rurok ng kapitalismo, na matamo ang tunay na kalayaan sa lipunan at wagas na pagkakapantay-pantay.
At yaong anak na isisilang ni Danding ay siyang rebolusyon na bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalayaan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal sa himagsikan.

Mga Tauhan:

Luis- Ang Kasintahan ni Danding, isang dukha lamang.
Danding- Kasintahan ni Luis, naipagkasundo ng magulang na ipakasal sa isang mayamang lalaki.                      
Rojalde- Ang lalaking ipinag-kasundo kay Danding, anak ni Nicanor Reyes.
Don Nicanor- Ama ni Rojalde, napakayaman nito.

Deskripsyon ng Tagpuan:
           
Gabi at umuulan. Gabing kung saan ay dapat sumpain ng mga may sakit sa rayuma dahil sa kalamigan ng hanging umiihip. Gabi kung saan dapat ay nananalangin ang matatakutin dahil sa malalakas na tunog at nakakagulat na kidlat.
           
Buod:

Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Gusto ni Don Nicanor na makasal ang kaniyang anak na dalaga kay Rojalde. Si Don Nicanor ay sugapa sa sugal, at naglustay ng malaking pera para matustusan ang kaniyang bisyo. Nang malubog siya sa utang, naisip niyang ang tanging makapagliligtas sa kaniya ay si Rojalde na handa namang tumulong upang mabayaran ni Don Nicanor ang mga utang. Ang kapalit na kabayaran na nais ni Rojalde ay mapakasal kay Danding, na bukod sa maganda ay nagtataglay ng mga katangiang ipaglalaban ng patayan ng sinumang lalaki.

Ngunit hindi naging madali ang lahat. Mahal ni Danding ang kasintahang si Luis. Kaya naman nang malaman ito ni Rojalde ay umisip siya ng paraan para matanggal sa trabaho si Luis, maisakdal sa hukuman, at tuluyang maibilanggo. Nagngitngit si Luis at naghimagsik, gaya ng sugatang hayop.

Nakasal si Danding kay Rojalde, at may pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay nagsilang agad ng malusog na sanggol. Ang sanggol ay hindi kahawig ni Rojalde kundi ni Luis.

Nagwakas ang nobela nang magtanim at masabugan ng bomba si Luis sa loob ng bilangguan. Nagdiwang din siya nang tupukin ng dambuhalang sunog ang lungsod, at naiwan si Rojalde sa balkonahe habang nasusunog paligid at ang tinitirhang bahay.

Pinakamagandang Bahagi:

Nang magsilang si Danding ng isang napakalusog na bata at kahawig pa ni Luis.

Gintong Aral:

Walang makapipigil sa Tunay na Pag-ibig.

Ano ang aral sa nobelang pinaglahuan ni faustino aguilar:

Hndi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingibabaw pa rin ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.

Tundo Man May Langit Din

Tundo Man May Langit Din
ni Andres Cristobal Cruz

I. Panimula

            Ang Tundo Man May Langit Din ay isang nobelang isinulat ni Andres Cristobal Cruz tungkol sa personal na paglalakbay ni Victor Del Mundo mula sa kahirapan na dulot ng kanyang tinitirahan na Tundo patungo sa isang mundo ng nga edukadong tao na nagnanais na makapagdala ng pagbabago sa lipunang kanyang ginagalawan.
            Ito ay maaaring tawaging isang love story o kwentong pag-ibig, ngunit ang nobelang ito ay may mas malawak pang sakop. Tinatalakay rin ng aklat na ito ang nga suliraning panlipunan, pang-edukasyon, nasyonalistiko, panggoberyno, at pansarili. Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwentong sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng lipunang Pilipino.

II. Pagsusuri

A. Pamagat

            Ang pamagat na Ang Tundo Man May Langit Din ay halaw sa paniniwala ng pangunahing tauhan na si Victor na ang magulo at subsob sa hirap na lugar ng Tundo ay mayroon ding katumbas na kabutihan, na may magagandang bagay na makikita sa Looban at hindi lang puros dumi, gulo, kahirapan, at kawalang-pag-asa. Ang paniniwalang ito nag nagbibigay kay Victor ng lakas na loob upang mgapatuloy na igapang ang sarili upang magkaroon ng mas magandang pamumuhay. At hindi lamang nagtatapos sa kanyang sarili ang pag-unlad kundi pati na rin ang pagtulong niyang umunlad ang kanyang pamilya at mga kasamahan sa looban ng Tundo. Gaano man kabigat ang buhay ay mayroon pa ring mga bagay na nagpapagaan at nagpapaganda rito.

B. May Akda

            Si Andres Cristobal Cruz ay isang kilalang makata at manunulat. Isinilang siya sa Dagupan, Pangasina, ngunit lumaki siya sa Tundo, Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging manunulat para sa pahayagan ng nasabing paaralan. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya’y nagsulat para sa mga babasahing Manila Chronicle, Sunday Times, Saturday Mirror, Weekly Women’s Magazine, Counterpoint, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang mga nobelang Ang Tundo Man May Langit Din at Uliliang Pangarap. Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award, Gawad Balagtas ng Unyong ng mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural Heritage Award, at TOYM Award. Siya ay pumanaw noong ikapito ng Enero 2007 sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.

C. Mga Tauhan

Victor Del Mundo – isang laking-Tundo na working student (nagtrabaho sa isang palimbagan) na nagsumikap makatapos ng kolehiyo. Siya’y naging guro sa Torres High School. Si Victor ay isang idealist na naniniwalang ang magulo at mahirap na Tundo ay may langit din o katumbas na kaginhawaan.
Alma Fuentes – isang babaeng galing sa mayamang pamilya. Si Alma ay sanay sa marangyang uri ng pamumuhay, gaya ng mga bonggang party, mga debut, at charity events. Ngunit hindi na kuntento si Alma sa ganoong klase ng buhay, lalo pa’t nang nalaman niya ang pagkakabuntis ng kanyang ama sa isa nilang labandera. Kaya siya’y umalis sa pribadong kolehiyo na pinatatakbo ng mga madre na kanyang pinapasukan at lumipat sa kolehiyo kung saan nag-aaral si Victor. Siya rin ang nagtrabaho sa opisina ng kanyang tiyuhin kahit hindi naman niya kailangang magtrabaho. Nang makapagtapos ay pinili niyang magturo sa Torres High School sa Tundo, kahit na tutol dito ang kanyang mga magulang. Pinilit hanapin ni Alma ang labanderang ginawan ng masama ng kanyang ama upang tulungan ito.
Flor Flores – isang magandang babae na noo’y nakatira rin sa Tundo at dating kasintahan ni Victor. Nakilala niya si Tonyo at ito’y nagsilbing paraan niya ng pag-alis mula sa Tundo. Ikinasal sila ngunit nalaman niyang hindi pala tunay ang kanilang kasal dahil may naunang asawa si Tonyo. Sila’y nagkaanak ng lalaki. Gamit ang puhunang galing kay Tonyo ay nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saa’y katulong niya si Dolores.
Lukas “Lukas Bakas” Del Mundo – ang nakatatandang kapatid ni Victor. Si Lukas ay isang lalaking mabarkada na walang permanenteng  trabaho, ngunit minsan ay mayroon siyang pinapasadang pampasaherong jeep
Tatong Bamban – isa sa mga kaibigan ni Lukas na naging kaibigan na rin ni Victor.
Paeng Gasti -
Pilo -
Dolores – dating labandera ng mga Fuentes at ngayo’y katulong ni Flor. Nabuntis siya ni Mister Fuentes at binayaran upang umalis sa kanyang pinapasukan at manahimik. Galing sa isang malaking pamilya sa probinsya.
Sion Del Mundo – nanay nina Lukas at Victor, isang biyuda matapos mapaslang ang kanyang asawa sa trabaho. Tahimik; bakas na bakas sa kanyang mukha ang hirap ng buhay sa Tundo. Tanggap na ni Aling Sion ang kanilang kalagayan, ngunit masayang-masaya ito sa pagtatapos ni Victor.
Minnie – pinsan ni Alma. Ama niya ang may-ari ng opisinang dati’y pinapasukan ni Alma
Nick – pinsan ni Alma at kapatid ni Minnie
Monching – masugid na manliligaw ni Alma at kaibigan ni Nick. Isa ring kagaya niyang laki sa yaman.
Pocholo – nakatatandang kapatid na lalaki ni Alma. Sanay ito sa marangyang uri ng pamumuhay.
Mister Fuentes – ama ni Alma, nakabuntis kay Dolores na dati nilang labandera
Tonyo Flores – asawa ni Flor na mayroon palang naunang asawa, si Chabeng. Mahal na mahal niya si Flor ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang responsibilidad sa naunag asawa at mga anak
Chabeng Flores – tunay na asawa ni Tonyo. Maysakit, may alta presyon, at masama rito ang magkaanak pa. Tanggap na niya ang relasyon nina Tonyo at Flor at hindi niya papagitnaan nang dalawa sapagkat nakita niyang tunay na nagmamahalan ang isa’t isa.
Konsehal Paking – isang konsehal sa lugar nina Victor. Handa siyang tumulong sa mga taga-Looban dahil malaki ang maiitutulong ng kanyang mga kawang-gawa sa kayang imahe bilang isang pulitiko
Pasing – isang weytres sa restawrang Intsik malapit kina Victor. Love interest ni Lukas.
Opreng – anak ni Mang Simon at nagsisilbing pinuno ng isang samahan ng mga kabataan na naitatag sa lugar nina Victor.
Mister Del Pilar – may-ari ng palimbagang pinapasukan ni Victor. Isa itong mabait na amo na dumalo pa sa pagtatapos ni Victor.

D. Tunggalian

Tao laban sa sarili – Sinusubukan ni Victor na baguhin ang kanyang nakagisnang kahirapan. Si Alma’y ganuon din, gusto niyang baguhin ang dating Alma na sanay sa luho.

Mayroon ring “inner conflict” ang ama ni Alma, at sa huli ay nakita niya ang kamalian na kanyang ginawa at ang maluwag niyang pagtanggap sa relasyon nina Alma at Victor ang kanyang naging “redeeming quality”.

Tao laban sa lipunan – Parehong sina Victor at Alma ang naghihimagsik sa kanilang sarisariling lipunan. Si Victor ay nilalabanan ang ignoransya at kahirapan. Si Alma nama’y ang maluhong uri ng pamumuhay at nakaaapi sa mahihirap.

E. Buod

            Nagsimula ang Ang Tundo Man May Langit Din sa pagtawag ni Flor kay Victor upang sila’y muling magkita. Nagtagpo ang dalawang dating magsingirog sa dati nilang madalas na punatahan na palamigan sa Quiapo. Doon nalaman ni Victor na dalawang buwan nang nagdadalangtao sa Flor sa kanyang asawa na si Tonyo. Nag-usap ang dalawa at dahil dito’y na huli sa Victor sa napag-usapan nilang tagpuan ng kanyang kaklase na si Alma. Nagkagalit nag dalawa, at matapos noon ay napagpasyahan ni Victor na dalawin si Flor sa kanyang tinitirahang apartment. Pag-uwi ay nakipag-inuman si Victor sa kanyang nakatatandang kapatid na si Luas at ang tatlo nitong kaibigan na sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, at Pilo. Matapos noon ay napaaway ang magkapatid na Del Mundo sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila’y nasa restawran. Kumalat ang pakikipagbakbakang ito sa buong Looban.

Kinabukasan sa paaralan ay may bisitang dumating., isang awtoridad sa kasaysayan ng Pilipinas na ang pangalan ay Agila. Hindi ito nakasundo ni Victor at kinuwestyon niya ang naturang libro ng nasabing manunulat. SI Alma naman ay na-realize na na may gusto siya kay Victor at bumili ito ng isang talaarawan o diary upang dito isulat ang kanyang mga saloobin. Napagpasyahan din nito na magkaroon ng isang pagtitipon para sa kanyang mga kaklase sa kanilang bahay, kasama na rito si Victor. Sa araw ng party ay pumunta muna muli si Victor sa apartment ni Flor, at sila’y muling nag-usap. Pagkatapos ay tumuloy na siya sa party ni Alma, kung saan ay inimbitahan din pala ng mga magulang ni Alma ang kanyang mga mayayamang kaibigan. Pag-uwi ay binigyan si Victor ng kanyang ina at kuya ng toga para maisuot sa kayang nalalapit na graduation.

F. Pagsusuri

            Ang nobelang ito ni Andres Cristobal Cruz ay nakatuon sa pag-iibigan nina Victor at Alma, dalawang taong pinaghihiwalay ng magkaibang mundo. Ang kwento nila’y tila isang telenobela: si Alma’y ang langit habang si Victor naman ay lupa. Isa ito sentong tema ng nobela. Ang karakter ni Victor ay isang represantasyon ng mahirap na nakaabot sa kolehiyo at nakapagtapos gamit ang sariling sikap. Nangangarap siyang mapaulas ang sarili at ang kanilang pamumuhay gamit ng edukasyong nakamtan. Ito ang magsisilbing “langit” ng Tundo na lubos na pinaniniwalaan ni Victor. Si Alma naman ay “ naghihimagsik” mula sa lipunang kanyang kinalakihan: ang alta sociedad na puros luho at kasakiman sa pera. Tinalikuran niya ang nakasanayang marangyang pamumuhay at nagtrabaho kahit hindi naman kinakailangan. Si Alma ay naghahangad din ng kanyang sariling langit, at iyon ay sa piling ni Victor.

            Si Dolores ang isa pang kumakatawan sa mahihirap sa kwento. Isa siyang halimbawa ng mahirap na ginawan ng mali at kawalang-hustisya ng mayaman. Isa rin siyang halimbawa ng mahirap na sa hirap ng buhay at pangangailangan ay nagpadala na sa tawag ng salapi. Tinanggap niya ang perang ibinigay sa kanya ni Mister Fuentes upang manahimik kahit na hindi ito ang tamang makatarungan pagtrato sa kanya.

            Ang karakter ni Flor ay kumakatawan sa mga mahihirap na naghahangad ng biglaang-yaman at kumakapit sa patalim upang maiahon ang sarili mula sa kahirapan at para sa madaliang pagyaman, at handing ipagpalit ang tunay na pagmamahal para sa pera

            Ang Tundo Man May Langit Din ay isang kwento ng iba’t ibang mukha ng lipunang Pilipino: mayaman at mahirap, walang pinag-aralan at edukado, asawa at kalaguyo, pulitiko at masa. Walang “bias” ang naging pagsulat ni Andres Cristobal Cruz sa mga magkasalungat na uri, bagkus naipakita niya ang bawat panig at ang sari-sarili nilang mundo at langit.