Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Buod. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Buod. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Pebrero 9, 2013

Banaag at Sikat

Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos

Buod

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."


Canal de la Reina

Canal de la Reina
ni: Liwayway A. Arceo

Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pananagutan at responsibilidad sa mga bagay na ipinagkaloob at ipinaubaya sa atin. Ang pananakop ng mga iba’t ibang banyagang bansa sa Pilipinas at kung paano ito nasupil ng ating mga bayani ay naitala na sa bawat sulok ng ating kasaysayan subalit hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin ito natutuldukan.  Sa paksang ito umiikot ang kwento ng nobelang Canal de la Reina ng nobelistang si Liwayway A. Arceo. Ginagalugad nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang tao sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan. Inihambing ang ating kasaysayan sa nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng Canal de la Reina.

Dahil sa mahabang panahon na pagpapabaya, naging mahirap na para kay Caridad na mabawi ang lupang pinagsibulan ng kanyang kabataan mula sa isang tila buwitre na si Nyora Tentay na may kakayahang gawing katotohanan ang kasinungalingan, makatwiran ang baluktot, kabutihan ang panggagamit at salapi ang buhay.

Sa pagbabalik ni Caridad, isang nakapanlulumong tanawin ang tumambad sa kanya. Ang kanyang mga dalisay na ala-ala noong kabataan ay siya na ngayong nakalubog sa putik at nababalot ng masangsang na amoy. Ang karumihan at kasangsangan nito ay bumabalot hanggang sa ating lipunan- lipunan na minsang naging hitik sa bulaklak at malayang inilantad ng mga mamamayan nito ang kanilang karapatan, mahirap man o mayaman. Ani nga ni Caridad nang may larawang muling nabuhay sa kanyang gunita, “Ang ganda ng kawayan d’yan, parang preskung-presko at malayang-malaya ang hangin ngunit pihong labandera na ang nakatira ngayon d’yan.” Ganito na nga ba kalaki ang pagbabago ng ating bansa? Unti-unti na ngang nangangamatay ang mga magagandang tanawin dahil sa sibilisasyon, globalisasyon at kawalang disiplina ng bawat mamamayan nito at di rin magtatagal ang kasangsangan ay babalutin pati ang ating kaluluwa at pag-iisip. Unti-unti nating hinhukay ang sariling libingan ng ating bayan kung tulad ni Ingga ay patuloy tayong magpapaalipin at magpapatakot ‘di lamang sa mga dayuhan kundi pati na rin sa mapagmalabis na kapwa nating mga Pilipino na mayroong kapangyarihang paikutin ang buhay ng mga nakabababa.

Napalitaw ni Arceo ang kulay at dilim ng buhay sa likod ng mga payak na pangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tauhan sa nobela. Ang mapag-arugang damdamin ng isang ina ay nagbigay diin sa karakter ni Caridad at Gracia sa magkaibang paraan. Ang una ay ang pagiging maunawaing maybahay ni Salvador at maaalalahaning ina nina Leni at Junior. Ang pangalawa nama’y ay ang pagiging matatag sa kabila ng kawalan ng katuwang sa pag-aaruga ng kanyang nag-iisang anak na si Geronimo. Kapwa naging biktima ng kasakiman ni Nyora Tentay ngunit parehong nakipagtunggali at hindi yumukod sa kalakaran ng lipunan. Si Caridad ay buong –tapang na nanindigan na bawiin ang lupang kinamkam ni Nyora Tentay subalit nagpakita pa rin ng kabutihan sa matanda nang ito ay nasiraan ng ulo. Habang si Gracia nama’y ibinalik ang naranasang kapaitan sa mag- inang sina Nyora Tentay at Victor ngunit ang pag-ibig pa din para sa huli ang namayani sa kanyang puso. Sila ang dalawang mukha ng mga Pilipino, hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng Canal de la Reina sila’y patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mga basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa kanilang pag-agos sa buhay.

Ginamit ni Arceo ang tubig at pagbaha bilang siyang simbolo ng pagdalisay ng kaluluwa at ng natutuyong pamayanan nang sa gayo’y maaninag na ang panibagong simula at pag-asa. Kung tayong lahat ay magiging gaya ni Junior na napupuno ng pag-asa at pag-ibig para sa bayan, tiyak na maibabalik natin ang dating ganda at halimuyak ng ating “Canal de la Reina”. Sama-sama nating pagtibayin ang pundasyon at haligi ng bantayog ng pag-asa ng hinaharap, gaya nga ng sabi ni Jun: “Itatayo natin dito ang isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Malaya sa isang manunupil, tulad ni Nyora Tentay na larawan ng panunupil ng isang nasa kapangyarihan. Malaya ang isipan sa paghahayag ng tunay na damdamin.” Kailangang mabigyan natin ng kahulugan ang lupang ito, hindi lang lupang sinilangan natin o ng ating mg ninuno, kundi isang simbolo ng pagkagising at pagbabago tungo sa kaunlaran.

Huwebes, Enero 17, 2013

Lupain ng Taglamig

Lupain ng Taglamig

Buod

Ito ay isinulat upang ipakita ang pag-iibigan sa dalawang magkaibang tao. Ang akda ay tungkol sa pagmamahal, pagnanasa, kagandahan, pagkalungkot at kawalan. Ang ''Lupain ng Taglamig'' ay masasabang kwento tungkol sa babae at lalaki, mayaman at mahirap, bayan at lalawigan, tradisyon at pagbabago, kanluran at silangan, at ang panandaliang paglitaw ng bagay-bagay. Ang akda ay may pinaghalong sangkap ng kultura at kalikasan.

Ang paksa ng kwento ay kalungkutan, pagkasidhi ng imposibleng pag-iibigan, kalunos-lunos na kaparangan sa kagandahan at pag-iibigan, ang tradisyonal na tema ng ''mono no aware'', ang kamalayan ng kagandahan at kapanglawan sa pansamantalang imahe ng kalikasan, buhay at kaugnayan ng bawat tao. Ang kwento ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkaibang tao--isang lalaking masasabing kabilang sa mga nasa gitnang uri at isang geisha na may mababang sosyal na katayuan.

Ang lalaking protagonista ay si Shimamura. Siya ay baguhan ngunit mapera. Ang pinakapinag-aabalahan niya ay ang pagsulat ng mga monograp tungkol sa ballet. May asawa na siya ngunit may natipuhan siyang isang geisha na naging kaibigan niya. Ito ay si Komako. Palagi niya itong dinadalaw sa resort na pinagtatrabahuan nito. Si Komako naman, ay halatang may gusto rin kay Shimamura. Hindi niya ito hinahayaang mawala sa kanyang paningin at palagi siyang nananatili sa kwartong inuukopahan ni Shimamura. Samantala, interesado rin si Shimamura kay Yoko. Si Yoko ay isang babaeng nasa ilalim ng pangangalaga ng isang nagtuturo sa musika. Sa gitna ng kwento ay tila may agawan sina Yoko at Komako para kay Shimamura.

Ang pamagat ng kwento ay ibinase sa tagpuan ng kwento, sa isang lalawigan sa Japan na nakakaranas ng matinding taglamig tuwing Disyembre. Ang tagpuan ng kwento ay sa maniyebe na kabundukan sa Kanluran ng Japan.

Si Shimamura ay bumalik sa lupain ng taglamig, dahil sa kagandahan ng kapaligiran at tradisyonal na pamumuhay ng mga tao rito. Isa rin sa mga dahilan kung bakit siya bumalik ay si Komako, isang bata at baguhang geisha na nakilala niya noong nakaraang byahe niya rito. Siya ay isang mayamang mamamayan na nais kumawala sa buhay niya sa Tokyo at sa kanyang asawa. Noong tagsibol ay pumunta siya sa kabundukan upang makapag-isa at doon siya nagkaroon ng interes sa mga geisha. Kasunod nito ay nagkaroon sila ng relasyon, isang pag-iibigang tila ayaw matupad. Ngunit sa huli, tila wala siyang kakayahan upang umibig. Si Komako naman, ay naninirahan sa gitna ng pag-ibig at buhay, madaling naaapektuhan sa kanyang mga emosyon at mga pagsubok sa buhay na maaaring ikahantong niya sa pagkasawi at pagkabigo. Siya ang sentro ng kwento, dahil siya, mula sa isang baguhan at walang kaalam-alam na bata ay naging isang madamdaming babae at tanggap na niya na talagang may pagbabago sa bawat yugto ng buhay.




(Hinango mula sa http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_nobelang_Lupain_ng_taglamig)

Huwebes, Enero 10, 2013

Hello, Dolly

Hello, Dolly
 ni Sol Juvida


Buod:

Si Dolores Magpantay ay bagong salta  pa lamang sa Amerika. Pinagmamalaki niya na sa kanilang magkakapatid, siya at ang Ate Luz niya palang ang nakakapunta rito. Araw -araw simula nang dumating siya sa Pleasanton, California ay wala siyang ginawa kung hindi magbasa ng classified ads para makahanap ng mapapasukan na trabaho. Noong nasa Pilipinas kasi siya, nagtratrabaho siya bilang isang  guro ng Ingles sa isang elementarya sa Unisan, Quezon , ngunit hindi siya makapasok bilang guro sa Amerika. Pati ang pagtratrabaho sa mga bakery, stationary store, hardware store o kahit bilang isang bagger girl sa grocery ay hindi siya matanggap dahil “overqualified” daw siya.  Siya rin ay nahihirapang makahanap ng trabaho dahil hindi pareho ang pagbigkas ng Ingles sa Amerika. Isang araw, tumawag siya sa Kelly,  ang temporary employment agency at sinuwerte siya at natanggap siya bilang  isang typist sa Koll Center Enterprise sa Valley Hansen. Ngunit, makalipas ang isang buwan  sa pagtratrabaho dito, siya  ay nag-umpisang makadama ng pagkasawa sa pag-ikot ng buhay niya sa California. Inaabangan niya na lamang ang bawat Biyernes na dumating para matanggap niya ang kaniyang sweldo.  Ito ang kanyang ginagamit para makapag-shopping kasama ng kanyang Ate Luz.  Naaalala niya nag kaniyang pamilya at mga kakilala sa Pilipinas. Napansin niya rin na marami talagang pagkakaiba sa buhay sa Amerika at sa Pilipinas, mula sa pagbigkas ng mga salita hanggang sa paraan ng pagdiwang ng Pasko. Hinahanap-hanap niya ang mga kinalakhan at kinasanayang tradisyon at kaugalian sa Pilipinas. Hindi pala kagaya ng akala niya ang buhay niya sa Amerika.


Talasalitaan:

1.  Salta = Kalilipat lamang
2.  Nagliliyab = Nagliliwanag
3.  Kinasusuyaang = Kinasasawaan
4.  Naglalagalag = Naglalakbay
5.  Nababagot = Naiinip

Tauhan:

Dolores Magpantay - Dolly
                               - Inilalarawan ang sarili bilang 25 taong gulang, 5’3, dalaga, edukada,
                                 may itsura at matalino
Sonny  - 14 taong gulang na pamankin ni Dolly
Ate Luz - Pinakamatandang kapatid ni Dolly na nakatira sa Amerika, 15 taon nang
               naninirahan sa Amerika

Tanging Pamana

Tanging Pamana
ni Hilario Coronel


Buod:

Ang maikling kwento ay tungkol sa isang batang lalaki na mayroong mahigpit na tatay. Tuwing gumagawa siya o ang mga kapatid niya ng hindi tama, pinapalo sila nito gamit ang  lumang  sinturon at lanubo ng bayabas. Lagi rin silang pinapangaralan na mag-aral sila ng mabuti at huwag munang mag-asawa nang maaga. Sa simula ay hindi maintindihan ng bata kung bakit ganoon kahigpit ang kaniyang tatay.  Marahil dahil hindi niya rin hilig ang pag-aaral. Nagtatampo siya tuwing siya’y pinapagalitan at sumasama ang kaniyang loob. At tuwing sila’y pinapalo, hindi nagugustuhan ng kanilang tatay kapag sila’y umiiyak dahil ito raw ay nagpapakita ng kahinaan ng pusong-babae at para daw maging responsible sila sa mga resulta ng kanilang mga pagkakamali. Lumipas ang panahon at nang nag-aaral na siya sa hayskul, napansin niya na hindi na gaanong kahigpit katulad ng dati ang kaniyang tatay. Kung makagawa man siya ng maliit na pagkakamali na dating ikinakagalit ng tatay niya ay hindi na siya pinapalo at pinapangaralan.  At hindi na rin naghihigpit sa kanya ang tatay niya. Marahil, ito ay dahil may tiwala na ang kanyang ama sa kanya at tinuturuan siyang magkaroon ng pananagutan.  Nang magtapos siya ng hayskul sinabihan siya ng tatay niya na magsikap siya na makahanap ng magandang trabaho sa Maynila. Sinabihan rin ni ya na tapusin niya ang kaniyang pag-aaral sapagkat wala ng ibang maipapamana sa kanya ang kanyang mga magulang. Sana man lang daw ay maiba siya sa kaniyang mga kapatid. Pagdating niya sa Maynila ay pinalad siya na makahanap  ng magandang trabaho at makapag-aral tuwing gabi. Siya ang kauna-unahan sa kaniyang nayon na makapag-aral sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila. Di nagtagal ay nakatapos rin siya ng kolehiyo at nagkaroon ng karunungan sa pamamahayag at nagkaroon ng trabaho sa isang lingguhang pahayagan . Isang araw, nakatanggap siya ng balita na malubha na daw ang kalagayan ng kaniyang ama. Agad siyang umuwi at naabutang nakaratay ang kaniyang tatay. Bago ito namatay ay sinabihan siya ng kaniyang tatay na kahit ano mang ipagkaloob ng Diyos ay hindi na siya nag-aalala, sapagkat may maiiwan siyang pamana. Binilinan niya ito na pag-aralin ang kaniyang bunsong kapatid at pumili ng mapapangasawang maipagmamalaki niya. Doon lamang  ganap na naunawaan ng anak ang kahulugan ng lahat ng pangaral at pagpapalo sa kaniya ng kaniyang tatay. Naintindihan niya na lahat ng ito ay para magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Ang tanging pamana ng kaniyang ama sa kaniya ay edukasyon.

Talasalitaan:

1.  Kaaliwaswasan = Kalokohan
2.  Nagunita = Naalala
3.  Nangimbulo = Naiingit
4.  Nanaog = Bumaba
5.  Makipagbabag = Makipag-away
6.  Bihira = Madalang/ Minsan
7.  Nangatog = Nangatal/Nanginig
8.  Sinabon = Pinangaralan/ Pinagsabihan
9.  Nahagilap = Nakuha/ Nalaman
10.  Nakaratay = Nakahiga/ Nakahimlay
11.  Kumukutya = Humahamak/ Lumalait
12.  Yumap = Umalis/ Lumakad

Tauhan:

Naraytor
Tatang = Magsasaka
Inang = Mananahi
Anak

Miyerkules, Marso 9, 2011

Anak ng Lupa

Anak ng Lupa
ni Domingo G. Landicho


Sa nayon, ang buong parang ay isang walang-bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim na pagkain at sinumang makapagbibigay ay hindi magkakait pagkat ang hihingi ngayon ay magbibigay sa ibang panahon. Samantalang sa lungsod, ang bawat biyaya ng buhay ay may katumbas na salapi kaya’t ang tao’y halos sumasamba sa kalansing ng salapi.

Ang nobelang Anak ng Lupa ni Domingo G. Landicho, ay isang paglalarawan ng kinagisnang buhay at pananaw ng nayon at mga naninirahan doon sa harap ng patuloy na pagbabagong nagaganap sa ating bansa. Sinulat ang nobela bilang bahagi ng dalawang bolyum na disertasyon na may pamagat na Anak ng Lupa: Antropohikal na Pag-aaral sa Buhay at Pananaw Nayon sa Pilipinas. Kakaiba ang nasabing disertasyon sapagkat ngayon lamang nagkaroon ng tisis na nag-anyong nobela.

Nasasalamin sa akda ang pagbabanghay-buhay ng paglago ng kaisipang-nayon na naglalagos patungo sa ideolohiya ng lungsod. Binubuhay sa nobela ang mga karakter na sina Toryo, Oden, Oyo, Bining at Ligaya, pawang mga kabataang namulat sa buhay-magsasaka, anak ng lupa ika nga. Kasabay ng mga pagbabagong kinaharap ng bawat karakter, pinalitaw ng may-akda, bukod sa kani-kanilang katatagan at pagpapanday-pananaw, ang mga sinasaklaw na pagbabago ng kanayunang kanilang kinamulatan at ng lungsod na di nila gaanong nakikilala.

Inihayag at ipinakita sa nobela kung gaano kasukat ang buhay ng mga anak ng lupa, simula kapanganakan hanggang sa mamatay ang mga ito. Ipinakitang lahat ng naninirahan sa Makulong ay tumatalima sa batas ng nayon kahit na hindi ito nasusulat. Ipinakita kung gaano kasagrado ang mga tradisyon at kaugaliang kinamulatan. Higit na pinahahalagahan ng mga taganayon ang paniniwalang ang bawat isa sa kanila’y nag-aangkin ng iisang ugat at pinagmulan kung kaya bawat isa’y namumuhay para sa kanyang kapwa.

Sa napakahabang panahon, kinasanayan na ng bawat taganayon ang mga kaugalian at ritwal. Kinapanganakan na nila ang mga ito, kung kaya inaasahan na rin nilang kamamatayan na rin nila ang mga kinamulatang gawain. Nakakatuwang isipin na napakasimple lamang ng buhay ng bawat taganayon. Sukat na sukat at nahuhulaan nila ang kahihinatnan ng bawat ginagawa. Ngunit, sabi nga, walang permanenteng bagay sa daigdig. Lahat ay humaharap sa pagbabago. Maaaring ang pagbabago’y maganap nang unti-unti pero maaari rin namang mangyari sa isang iglap lamang. Dinanas ito ng nayon ng Makulong at mga taong naninirahan doon. Naganap rin ito sa mga pangunahing karakter na nagpadaloy ng nobela.

Pero hindi naging maluwat ang pagtanggap ng mga taga-Makulong sa pagbabago. Dinamdam nila na mula sa pagsasaka ng palay, pinaltan ng bagong may-ari ng lupa ang iskema. Mula sa palay, ginawang tubo ang tanim dahil sa pagtatayo ng sentral na asukarera sa probinsya ng Batangas. Dahil sa pangyayaring ito, mabubura na rin ang kanilang nakaugaliang bahaginhan ng tanim sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka. Kung dati’y ang magsasaka ang hari sa kanyang sinasakang lupa, ngayo’y magiging upahang manggagawa na lamang sila.
Dati rati’y ang mga kapalaran ng magsasaka ay nakasalalay sa kanyang kakayahang makapag-ani ng pinakamaraming posibleng bulto ng palay. Nang magpalit na ng kalakaran, pareho na lamang ang kinikita ng isang matanda at ng isang batang magsasaka sa arawang basehan. Gayundin, bawat isa ay nagtatrabaho na lamang para sa kanyang sarili. Nawala na ang diwa ng pakikipagkapwa’t bayanihan. Kapag ang isang magsasaka’y nagkasakit, wala nang magagawa ang mga kahanggan para sa kanya.

Si Toryo, isang matalinong taganayon ang nagpasimula ng bagong pangarap at pagbabagong-pananaw ng mga taga-Makulong. Napawi na ang paniniwalang hanggang sa pagiging magsasaka na lamang sila. Namulat ang bawat taga-Makulong na ang edukasyon ay mabisang sandata sa pagtahak sa landas tungo sa pag-unlad. Kinailangan ni Toryong manirahan sa Maynila, sa mismong bituka ng lungsod.

Kaiba ang Maynila sa kanyang kinamulatang nayon. Pawang mga bato ang bahay kung kaya ang mga kaugaliang-Makulong gaya ng paninilong (ng mga binatilyo sa kadalagahan) at panunubok (sa mga bagong kasal) ay hindi na naging posible para sa kanya. Sa halip na pagsanghaya ng bulaklak ang gumigising sa kanya tuwing umaga, samyo ng burak at estero ang palagian niyang naaamoy.

Siya ay naging isang working student. Naghanapbuhay siya sa isang pabrika kung saan siya namulat sa kaapihan dinaranas ng mga kung ituring ay lahing alipin. Nagbuo siya kasama ng mga iba pang manggagawang nakararanas ng kaapihan ng unyon laban sa nagmamay-ari ng pabrika na siya ring nagpapaaral sa kanya. Sa kalsada, kasama siya ng mga demostrador na mga sumigaw ng ibagsak ang piyudalismo, ibagsak ang burukratang kapitalismo, ibagsak ang imperyalismo. Nagpatangay si Toryo ng agos ng santinakpan, sumabay siya sa hakdaw ng hanay ng mga raliyista na kawil-bisig sa pagbibiga ng proteksyon sa kanilang hanay. Bagaman pinagpapatuloy niya ang kanyang pormal na edukasyon sa unibersidad, aminado ang karakter na sa unyon, marami siyang natututunan sa mga kolektibong pagkilos na di niya nakukuha mula sa apat na sulok ng silid-aralan.

Lingid sa kanyang kaalaman, maging ang kanyang mga iniwan sa nayon ay nakararanas rin ng pang-aapi sa parehong mga kamay. Ito ay dahil sa ang nagpapaaral sa kanya na may-ari ng pabrika ang siya ring bagong nagmamay-ari ng lupang sumasakop sa kanayunan.

Dekada '70

Dekada '70


Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.

Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag- anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag- anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.



Klasismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Biyernes, Marso 4, 2011

Ibong Mandaragit

Ibong Mandaragit  (1969)
Amando V. Hernandez


Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.

Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.

Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.

Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.

Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.

Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.

Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.

Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

Luha ng Buwaya

Luha ng Buwaya
(Amando V. Hernandez)


Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.

Nang ipaghanda sa bahay – asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres, isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.

Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong.

Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka.

Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.

Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawang Grande.

Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.

Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.

Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.

Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw.

Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong.

Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyon at naging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.

Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata.

Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.

Biyernes, Oktubre 29, 2010

Walang Panginoon

Walang Panginoon
ni Deogracis Rosario


Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pami lya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito, maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa Marxismong kritisismo.

Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don Teong sa pamilyang hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo. Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang uri o alienation mula sa lipunan. Panghuli, ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay ng mataas na uri.

Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng pangkalahatang tema ng kuwento-ang pagpatay sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman. Ang pagbanggit ng ’walang panginoon ’ sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang lipunang walang mataas at walang mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga tao o bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-aping sistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay Don Teong sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe na ang patuloy na pang-aabuso ng isang tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya’t ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang panginoon.

Sabado, Oktubre 9, 2010

Tahanan ng isang Sugarol

Tahanan ng isang Sugarol
Salin ni Rustica Carpio


 
Tungkol ito sa isang ama (Li Hua) na ang ginagawa ay pagsusugal lang. Ang kanyang asawa na si Lian Chiao at meron silang dalawang anak si (Ah Yueh) at (shao Lan).

Ang pangalan naman nang sugalan ay Hsiang Chi Coffee Shop,maganda ang storyang ito. Kahit na buntis si Lian Chiao ay siya parin ang gumagawa ng mga gawain ng bahay sa umaga hanggat sa gabi, Ang asawa nyang si Li Hua ay umuuwi lang kumain at sya pa ang nagpapaligo nito. Pag nagkamali sya sa kilos Bugbog sarado agad.Namaga pa nga ang pisngi nya sa pag suntok sa kanya ng asawa nya na si Li Hua.

Nag handa sya ng Ta Feng Ho para sa pag panganak nya. At nong gabi na sumakit ang tiyan ni Lian Chiao.hindi nya na matiis ang sakit ng kanyang tiyan para na syang manganganak, gigisingin nya sana si Ah Yueh pero naisip nya na pagod ito sa pag ta trabaho, kaya dapat wag nalang nyang gisingin, inisip nya na puntahan ang kanyang asawa sa sugalon, lumabas sya at pinuntahan ang kanyang asawa sa sugalan kahit madilim at tahimik ang daan, kinabahan sya dahil sa sobrang dilim. pag lapit nya nang maabot sa sugalan.

At nang sya ay marating kumatok sya sa pinto at may nagbukas yong may ari ng pasugalan at pag bukas bigla syang nahimatay at tinawag nya ang kanyang asawa na manganganak na sya pero sabi ng asawa nya "Teka lang tataposin ko muna to panalo na ako dito" Pero nong tinawag pa rin ni Lian Chiao ang kanyang asawa bigla itong nagalit tinitigan sya nito na parang nagagalit. Yong may ari nalang ang tumulong sa kanya para makarating sa hospital.

Martes, Setyembre 14, 2010

Uhaw ang Tigang na lupa

Uhaw ang Tigang na lupa
ni Liwayway Arceo

Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw. Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat. Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik. Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya. Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”. Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal. Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

Kuwento ni Mabuti

Kuwento ni Mabuti
ni Genoveva D. Edrosa

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang estudyante at isang guro na may mabigat na problema sa pamilya ngunit may magandang pananaw sa buhay. Ang kwento ay nagsimula sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Sa isang sulok nito ay naroon ang isang estudyanteng umiiyak dahil sa isang hindi kalalimang bagay ‘di gaya ng sa kanyang guro. Nang makita ng guro ang estudyanteng nasabi, sinabi rin nitong siya ay iiyak dahil sa isang mabigat na suliranin sa kanyang buhay. Sila ay naging malapit. Ang suliranin palang ito ay tungkol sa kanyang pamilya: ang kanyang anak at asawa. Ngunit, sa kabila ng suliraning ito, siya ay nanatiling positibo. Sa kanyang pagiging guro, madalas niyang sabihin ang salitang mabuti sa bawat kataga kaya ang kwentong ito’y naging “kwento ni Mabuti”.

El Filibusterismo

Maikling Kabubuang Buod ng El Filibusterismo

Ang Fili ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Sabado, Setyembre 11, 2010

Walang Sugat

Walang Sugat
Ni Severino Reyes


Buod

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na kung tawagin ay hele hele bago quiere.

Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.

Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay.

Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.

Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.

Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.

Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban.

Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero.

Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.

Florante at Laura

Florante at Laura
ni Francisco Baltazar aka Francisco Balagtas:

Buod

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante. Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang kasintahan ni Aladin.

Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si Florante. Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan.
Ikinuwento ni Florante na pinadala siya sa Atenas nuong siya’y 11 taong gulang upang mag-aral. Duon niya nakilala ang kanyang kababayang si Adolfo, na siyang anak ni Conde Sileno. Si Adolfo ay hinahangaan ng kanyang mga guro, pati na rin ng sampu niyang kamag-aral, sapagkat si Adolfo ay mabait at napakatalino. Subalit pagkaraan ng anim na taon, nahigitan ni Florante si Adolfo at duon lumabas ang tunay na kulay nito. Sa isang dula-dulaan, tinangka ni Adolfo na totohanang tagain si Florante. Mabuti na lang at niligtas si Florante ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan, pinauwi si Adolfo sa Albanya.

Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon, nang makatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama. Ang balita ay pumanaw na raw ang ina ni Florante. Pagkaraan ng dalawa pang buwan, nakatanggap muli ng liham si Florante — pinapauwi na siya sa Albanya.

Nung pauwi na si Florante, humingi ng saklolo sa kanya ang hari ng Krotona, sapagkat ang kaharian nila ay sinasalakay ng hukbong Persiya, sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo, at si Florante ay ginawang kumander ng hukbong Krotona. Sa palasyo, nakilala ni Florante si Laura, ang napakagandang anak ni Haring Linceo. Bago siya sumali sa digmaan, ipinahayag ni Florante kay Laura ang kanyang saloobin. Nagapi ni Florante si Heneral Osmalik sa loob ng limang oras. Nanatili naman si Florante sa Krotona ng limang buwan pa.

Dahil sa nais na niyang makapiling si Laura muli, bumalik si Florante sa Albanya. Nagtaka siyan nang madatnan niyang nagwawagayway ang bandilang Moro sa kanyang kaharian. Laking gulat na lang niya nang makita niyang pupugutan na ng ulo ang isang babae. Kinalaban ni Florante ang hukbong Persya (sa pamumuno ni Aladin), at pinalaya niya ang kanyang bayan, pati na rin sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Adolfo (na nakapiit nuon sa kulungan).

Sinalakay naman ni Miramolin ang Albanya, ngunit nabigo sila kay Florante. Pagkatapos ng labanan, 17 na hari ang sumuko kay Florante. Siguro napagod si Florante, kaya nagbakasyon muna siya sa Etolia. Isang araw, nakatanggap muli siya ng sulat mula sa hari — pinapabalik siya muli sa Albanya.

Pagbalik ni Florante sa kanyang kaharian, hinuli siya ng hukbong Albanya (30,000 ang bilang ng mga sundalo). Malamang kinakabahan sila gawa ng military record ni Florante, kung kaya’t medyo “overkill” ang paghuli sa kanya.

Ipiniit si Florante sa kulungan (utos ni Adolfo, na siyang pasimuno ng kudeta, at siya ring pumatay kay Haring Linceo at Duke Briseo habang malayo si Florante).

Pagkaraan ng 18 na araw, pinagapos si Florante sa puno duon sa gubat upang kainin siya ng mga mababangis na hayop. Masuwerte siya at kahit dalawang araw nang nakalilipas, hindi pa siya kinakain ng mga hayop. At higit na mapalad siya nang dumating si Aladin, sapagkat nagugutom pala ang leon kapag dalawang araw na silang hindi kumakain.

Habang nagkwekwentuhan si Florante at Aladin, nakarinig sila ng dalawang babaeng nag-uusap.

Unang Babae: “Nung narinig ko na pupugutan ang aking kasintahan, pumayag ako na magpakasal sa Sultan basta’t hindi na matutuloy ang parusang kamatayan. Buti na lang ang pinalaya ang mahal ko. Nung gabing iyon, nagsuot sundalo ako at tumakas ako. Ilang taon na rin akong pagala-gala bago kita natagpuan dito sa gubat.”

Ikinuwento naman ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang wala si Florante: Inagaw ni Adolfo ang trono, pinugutan ng ulo ang hari at ang mga ka-alyado nito. Sinabi rin ni Laura na sinubukan niyang padalhan ng liham si Florante para malaman niya ang mga kaganapan sa Albanya.

Sinabi rin niya na naghayag ng pag-ibig si Adolfo, at humingi si Laura ng 5 buwan upang pag-isipan ito. Dahil sa hindi makuha ni Adolfo ang puso ni Laura, pinagtangkaan na lang niyang gahasain ito… sa gubat. Makalipas ang dalawang araw lamang mula nung ipinagapos si Florante sa puno. Mga 20 araw lamang matapos na mahuli si Florante.

Hindi niya binigyan si Laura ng 5 buwan. Ni panugit na isang buwan.

Mabuti na lang at naglakad si Flerida sa gubat. Nakita niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo haggang ito’y namatay.

Nagkita-kita ang apat na magkasintahan.

Natagpuan silang apat ni Menandro at ng hukbong naghahanap kay Adolfo. Laking tuwa na lamang nina Menandro nang matagpuan nilang buhay pa sina Florante at Laura.
Hindi nagtagal, nagpakasal si Florante at Laura, at sila’y naging hari at reyna ng Albanya. Nagpabinyag naman sina Aladin at Flerida, nagpakasal din, at bumalik sa Persya upang mamuno sa kanilang kaharian.

Suyuan sa Tubigan

Suyuan sa Tubigan
ni Macario Pineda

Setting: Sa araruhing tubigan nina Ka Teryo at Ka Albina.

Mga Tauhan:

PILANG: Dalagang pamangkin ni KA ALBINA. Pinsan ni NATI. Mahiyain at maganda.
PASTOR: Binata. Isa sa mga magsusuyod sa tubigan ni Ka Teryo. May gusto kay PILANG.
ORE: Binata. Anak ni Ka Inso. Isa sa mga magsusuyod. May gusto kay Pilang.
KA ALBINA: Tiya ni PILANG at ina ni NATI.
MILYO: Binata. Malapit na kaibigan ni ORE. Matulungin.
PAKITO: Binata. Malapit na kaibigan ni PASTOR. Matuwain.
FILO: Binata. Kaibigan ni PASTOR.
TONING: Binata. Kaibigan ni ORE.
ASYONG: Binata. Kaibigan ni ORE.
TINONG: Binata. Kaibigan ni PASTOR.
KA IPYONG: kamag-anak ni Ka Teryo at KA ALBINA.
FERMIN: anak ni KA ALBINA at Ka Teryo. Kapatid ni NATI. Pinsan ni PILANG. May-asawa
KA PUNSO: Isa sa mga pinakamatanda. Ginagalang ng mga kasama. May-asawa.

Suyuan sa Tubigan

Ang kuwentong ito ay isang matapat na paglalarawan ng isang yugto sa buhay-bukid. Dalawa ang maaaring ipagpapakahulugan sa pamagat: ang pagtutulungan ng mga magsasaka sa pag-aararo at ang pagpapaligsahan ng dalawang binata sa iisang dalagang kapwa nila iniibig.

Buod

Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.

Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli,
samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.