Hindi Nag-isip
Napakalikot ng asong si Maxi kaya nahulog sa isang balon.
Tumalon siya nang tumalon ngunit hindi niya makayang maabot ang ibabaw para
siya makaahon.
Sa may dadaang isang kambing. Napadungaw ito sa balon at
nang makita ang aso ay nagtanong, “Bakit ka nariyan? Ano ang ginagawa mo
diyan?”
“Aba, hindi mo ba nabalitaan? Ngayon daw ay ang tinatawag na
El Nino. Mauubos daw ang tubig at matutuyo ang mga lupa. Kaya nagsiguro na ako
dito sa balon. Marami-rami pa ang tubig dito at ako’y hindi mauuhaw sa mahabang
panahon.”
“Ganoon ba?” tanong uli ng kambing. “Maaari ba akong sumama
diyan sa iyo?”
“Aba, oo. Talon ka na agad at baka maunahan ka pa ng iba,”
yaya ni Maxi.
Dagling tumalon ang kambing, Ang aso nama’y biglang
tumuntong sa kanyang likod at mula doon ay nakayang luksuhin ang labi ng balon.
Nang nasa ibabaw na siya, dumungaw sa kambing na nasa ilalim
ng balon at nagsabi, “Sa susunod, kailangang isipin mo muna ang isang bagay
bago gawin. Hindi mo ginagamit ang isip mo kaya nariyan ka ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento