Ang Pilosopo
(Kuwentong Maranao)
Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
(Kuwentong Maranao)
Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
Nang
mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa
mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng
pagkain. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga
si Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya,
sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa
kanya.
Isang araw
nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang
makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan.
May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao
na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa
susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si
Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed
na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal
ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si
Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala
ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong
sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.
sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.
Nang mapagod
na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang
magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang pagdarasal,
ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging
tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang
ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
Nang paalis
na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na
bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang
pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa
pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng
kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang
matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay
sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang
kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang
lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang
liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa
mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa
mga alintuntunin,
wala siyang magandang kinabukasan.
wala siyang magandang kinabukasan.
Sipi mula sa
Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento