Ang Mga Duwende
Isang
Kuwentong-Bayan mula sa Bikol
Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito:
“Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso
silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa
nila ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso,
plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin,
kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang
maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga
duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila
ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila ang mga kaibigan nila ng mga
masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula sa mga masasamang nilalang.
Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala ng duwende. Itinuturing
nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan dahil sinasabing
alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling
ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama o
nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay parurusahan
sila at hindi na muling babalikan.
“Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin
habang ang nanay ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa
aming isara ang pinto at mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi
rin kami ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga
bintana at pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang maliit na
nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang
dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang
bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan,
ngunit malaki ang mga kamay niya--malaki para sa kaniyang braso.” Nang marinig
ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi,
narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na
takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok
sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng
bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya.
bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at saya.
Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong
bayan ng Legaspi sa duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga
bintana bago sila matulog sa gabi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento