Ang Aso At Ang Ipis
Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang
hardin sa likuran.
Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahat ni Mang
Kardo.
Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso.
Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito.
Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon at
ang kanyang kapithbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.
Araw ng lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng
bahay. Kaarawan kasi ng kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda.
Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo
lamang kaninang umaga ng naghanda rin siya ng pinikpikan na sinamahan ng etag
upang mas lalo pang maging masarap ang kanilang ulam.
At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin
siya ng dalawang patong na cake para sa kanynag apo.
Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay
dahil susunduin niya ang kanyang apo sa kabilang bundok.
Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya ang aso muna ang
bahala sa kanilang bahay.
“Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na
babantayan ko ang bahay pati narin ang mga niluto mong mga pagkain.” yan ang
sabi ng aso.
Naisip niya, siguradong bibigyan naman siya ng kanyang amo
sa inihanda nitong pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.
Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa
pagbabanatay ng bahay. Pinaakyat niya ito sa bubungan ng bahay para makita niya
ang mga taong may masasamang balak at upang masabihan siya agad.
Umakyat nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa,
bigla siyang nagutom.
Hindi napigilan ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya
na rin ang kanyang mga anak at mga kapamilya na alam niyang gutom din.
Kinain nila ang higit sa kalahati ng cake at humigop ng
sabaw ng pinikpikan na may etag.
Nang umuwi si Mang Kardo kasama ang apo nito ay nagulat sila
ng makita nila ang cake at ang ilang putahe na nagkakalat-kalat.
Galit na galit si Mang Kardo. Tinawag niya ang aso at
ikinulong ito sa pag-aakalang ito ang gumawa ng kalokohang iyon.
Alam ng aso na ang kaibigang ipis ang gumawa ng bagay na ito,
pero hindi niya ito sinabi sa kanyang amo.
Nakita ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa
kanyang kaibigan.
Nag-isip siya ng paraan para iligtas ang kaibigan ngunit
wala siyang magawa kaya isang plano ang nabuo sa kanyang isip.
“Kawawa ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa
kasalanang ginawa ko”. Naisaisip ni ipis.
Isang umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat
ang ipis sa lamesa at sinadyang ipakita sa matanda ang paglantak sa almusal
nito. Nakita ng aso ang ginagawa ng ipis at tinahulan niya ito.
“Huwag ipis, kung makita ka ng amo ko ay ikulong ka katulad
ko.” tahol pa nito, “hayaan mong malaman niya na ako ang gumagawa nito para
makalaya ka.”sagot ni ipis.
Nakita nga ni Mang kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng
aklong hawak ay namatay ang ipis.
Naisip niya na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo,
dahil dito ay pinakawalan niya at muling minahal ang aso.
Masaya ang aso na malaya na siya, ngunit na hahabag naman
siya sa kaibigang ipis.
“Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.” dalangin ng Aso.
Ang Aso ay hindi lamang tunay na kaibigan ng tao kundi isa
ring tagabantay ng ating buhay. Ang Ipis ay sinasabing peste sa ating buhay
pero ayon sa research ay malaki ang naitutulong nito upang mabilis na matunaw
ang plastic.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento