Ibong
Adarna Script for Play
by
jhulie_nyx
Tauhan:
Fernando, Valeriana, Pedro, Diego, Juan, Matanda, Manggagamot, Ermitanyo, Ibong
Adarna, Juana, Higante, Leonora, Serpyente, Agila, Maria, Salermo, Negrito,
Negrita,
Scene
01:
Reyna:
Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?
Mangagamot:
Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit nasa kritikal na
kondisyon na ang sakit ng hari.
Reyna:
Bakit? Ano ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?
Mangagamot:
Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya
kalungkutan at pag-aalala.
Reyna:
Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?
Mangagamot:
Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ang awit ng isang mahiwagang ibon, ang
Ibong Adarna. Ang Adarna ay makikita sa punong Piedras Platas sa kabundukan ng
Tabor.
Don
Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid,
nagkukusa ko pong hinihingi ang inyong bendisyon upang ako'y payagang
maglakbay, hanapin at dalhin sa Ibong Adarna sa inyong tabi.
Scene
02:
Reyna:
Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring balita sa aking
panganay na si Pedro. Ako at ang inyong amang hari ay lubusang nag-aalala sa
kung anumang pwede niyang sinapit.
Diego:
Inang Reyna, huwag kang mag-alala. Bilang pangalawang panganay ay susundan ko't
hahanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayundin ang Ibong Adarnang kailangan
ninyo.
Scene
03:
Juan:
Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin
nakakabalik ang aking mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin, ako po'y
pahintulutan ninyong sumunod at hanapin ang Ibong Adarna na siyang maglulunas
sa sakit ng amang hari.
Hari:
O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin at tiyak
kong ikakamatay.
Juan:
Ngunit, amang hari, kahit po ako'y pigilan, kahit anong mangyayi ako'y aalis pa
rin upang hanapin ang Ibong Adarna kahit pa palihim.
Hari:
Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.
Juan:
Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.
Scene
04:
Matanda:
Maawa po kayo sa akin, Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang
mahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na. Ilang araw na akong hindi nakakain.
Pangako ko sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong maibibigay.
Juan:
Ako nga po ay mayroong natitirang isang tinapay na baon sa aking paglalakbay.
Ito po at tanggapin ninyo at ako'y busog pa naman.
Matanda:
Salamat. Salamat. Maraming salamat, Ginoo. Sana'y ikaw ay ipagpala. Kung hindi
man ninyo mamasamain ay maaari ko bang tanungin kung ano ang inyong pakay sa
inyong paglalakbay at baka kayo ay aking matulungan.
Juan:
Ako po ay naglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna. Ang sabi ng
manggagamot ng aming kahariang Berbanya, tanging ang awitin ng ibong Adarna ang
makakalunas sa sakit na taglay ng aking amang hari.
Matanda:
Mahabaging Diyos! Kung gayon ay malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan.
Kaya, ngayon ang bilin ko ay itanim sa inyong puso. Tandaan mo, mag-ingat ka
upang ika'y hindi maging bato. Sa pook na natatanaw mo ay maroon kang punong
madadatnan na tiyak na kawili-wiling tingnan ngunit huwag ka doong tumigil. Sa
ibaba noon ay bahay ng isang ermitanyo na mayaman sa kaalaman tungkol sa
Adarna. Itong limos mong tinapay ay dalhin mo na dahil mas kakailanganin mo
iyan sa iyong malayong paroroonan kaysa sa akin.
Juan:
Hindi ko po matatanggap ang tinapay. Naibigay ko na po iyan at ang bawiin pa ay
hindi ko magagawa.
Matanda:
Salamat, Ginoo.
Scene
05:
Ermitanyo:
Ano ba't mayroong naligaw sa aking lugar? Ano ang sadya mo, Ginoo?
Juan:
Ang pangalan ko po ay Juan, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw at hirap sa
aking paglalakbay upang makamit ang matamis na awitin ng Adarna na siyang lunas
sa sakit ng aking ama. Ikinababahala ng aking kalooban nab aka ikamatay ng
aking ama ang sakit nito kapag hindi agarang malunasan. Kaya ngayon po ay
humihingi sa inyo ng pangaral tungkol sa ibong aking sadya.
Ermitanyo:
Kung gayon, Ginoong Juan, ika'y makinig sa aking sasabihin. Ang Ibong Adarna ay
may kahiwagaang taglay kaya't hindi pa ito nadadakip ninuman. Naninirahan ito
sa isang punong-kahoy na makinang na kung tawagin ay Piedras Platas. Tuwing
hatinggabi dumadating at namamahinga ang Adarna mula sa kanyang paglipad sa
iba't ibang lugar. Bago ito tuluyang maidlip at pitong awit na maganda ang
kanyang aawitin. Kapag narinig mo itong awitin ay tiyak na ikaw ay aantukin.
Upang malabanan ang antok, heto at dalhin mo ang labaha't pitong dayap. Sa
bawat awit nito, ang iyong palad ay hiwaan at agad mong pigaan ng dayap.
Pagkatapos ng pitong awitin, ang Adarna ay magbabawas kaya ito ay iyong ilagan
upang ika'y hind imaging bato tulad ng ibang mga sumubok bihagin ang ibong
Adarna. Kaya ngayon, ikaw ay pumanhik na't lumalalim na ang gabi.
Juan:
Salamat sa inyong bigay na labaha't pitong dayap gayundin sa inyong babala.
Tiyak na sa pagbabalik, Ibong Adarna ay akin nang nahuli.
Scene
06
(no
script; just actions and expressions; singing of Ibong Adarna) Page 33-34
Scene
07:
Juan:
Nabihag ko nga ang Ibong Adarna! Pero papano ang aking mga kapatid?
Ermitanyo:
Heto ang banga. Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato upang bumalik
bilang tao ang mga ito.
Scene
08:
Diego:
Salamat, bunsong kapatid na Juan! Sa iyo ay utang ko ang aking buhay!
Pedro:
Nasaan na ang Adarna, Juan? Nagtagumapay ka ba sa paghuli sa kanya kaya't hindi
kami ngayon bato? Tayo na't humayo papuntang Berbanya upang mabigyan lunas ang
amang hari.
Ermitanyo:
Ginoong Juan, kunin mo itong hawla at ang adarna at kayo'y magmadali at baka
kung napano na inyong amang hari.
Juan:
Salamat sa inyong naging tulong. Kung inyong mararapatin ay bendisyon ninyo ay
hihingin sa aking pag-alis.
Ermitanyo:
Ngunit ako'y hamak na ermitanyo lamang.
Juan:
Utang namin sa inyo ang aming buhay.
Ermitanyo:
Kung iyan ang iyong kagustuhan. Ikaw ay aking benibendisyunan na maging
mapayapa at malayo sa panganib ang inyong paglalakbay pabalik sa Berbanya.
Scene
09
Pedro:
Aking kapatid na Don Diego, kailangan nating makuha ang Adarna mula kay Juan.
Diego:
Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay. Kung hindi dahil kay Juan ay baka
naging bato na tayo habambuhay.
Pedro:
Gugustuhin mo bang mapahiya sa harap ng amang hari kapag nalaman niyang si Juan
ang nag-iisang nakahuli ng ibong Adarna at tayong nakakatanda ay nabigo?
Mag-isip ka Diego, kahihiyan ito na kakalat sa buong kaharian.
Diego:
Ayokong mapahiya.
Pedro:
Kaya ngayon dapat nating patayin si Don Juan upang hindi na siya makatuntong pa
sa Berbanya!
Diego:
O, Mahabaging Diyos! Hindi ko magagawang patayin ang sarili kong kapatid. Dugo
at laman, tayo'y magkaparehas. Tayo ay magkakapatid.
Pedro:
Kung ayaw mo ay ako ang gagawa. Huwag mo akong pipigilan at baka pati ikaw ay
isama ko sa kanya. At pagdating sa Berbanya, ika'y manahimik sa nakita!
(*insert
fight scene here)
Scene
10:
Pedro:
Kami'y nakabalik na at dala namin ang Ibong Adarna.
Reyna:
Maligayang pagbabalik!
Hari:
Nasaan ang aking bunsong si Juan? Nasaan si Juan?!
Reyna:
Aking mahal, ika'y huminahon. Makakasama sa iyo ang sobrang pag-aalala. Ito nga
ba ang Ibong Adarna iyong sinadya? Kung ito nga ay aba! Kay pangit pala. Sabi
ng manggagamot, ito ay mayroong pitong balahibong likha ng engkanto.
Pedro:
Inang Reyna, ito nga po ang Ibong Adarna.
Hari:
Bakit parang nagdurusa ang Ibong Adarna? Kung tutuusin ay mukha pa itong
maysakit kaysa sa akin. Kung ang ibong ito ay ganyan din lamang ay tiyak at
lalo kong kamatayan.
Scene
11:
Don
Juan: Inang birhen, ako po'y nananalangin. Ngayon pong ramdam ko na ang malapit
kong kamatayan, ang hangad ko lamang ay ang kaginhawaan ng pakiramdam ng aking
ama. Sana'y siya ay mabuhay pa ng mahaba at maligaya. Siguro po ay naging
mabuti naman ako, hindi man sa pagsusumbat ngunit ang kabutihan ng kalagayan ng
aking mga magulang ay ang aking tanging hiling. At sana po'y patawarin ng Diyos
ang aking mga kapatid na siyang nagtaksil. Ah, kay ganda ng langit. Bituin ay
maririkit. O, Inang mapagmahal, kung ako ngayo'y iyong makikita, tangis at
paghihinagpis ang tiyak mong madarama dahil ang aking katawan at bugbog na at
puno ng sugat at pasa. May pag-asa pa kaya akong ika'y makita? Sino ang
mag-aakala na ganito ang kahihinatnan ng iyong bunsong anak na anak mo rin ang
may gawa? Aking amang magiliw sa anak, kumusta na ang iyong kalagayan? Dalangin
ko kay Bathala na ika'y gumaling na at sana'y madatnan kitang masayang-masaya
na. Nariyan na ang Ibong Adarna. Kahit hindi man ako ang may dala ay sana ika'y
nasa ayos na.
Matanda:
O, Mahabaging Diyos! Ano ang nangyari sa inyo, Ginoo? Ang inyong kalagayan ay
mukhang kalunos-lunos. Halika't ika'y aking gagamutin. O, Prinsipe. Konting
tiis na lamang at ginhawa ay iyong mararamdaman.
Juan:
Isang himala! Ang pakiramdam ko ay ayos na. Maraming salamat po. Sinagip niyo
ang aking buhay na nasa pangil na ng kamatayan! Ano po ang maaari kong gawin
upang mabayaran ang kabutihang inyong nagawa.
Matanda:
Ang layon ng kawanggawa ay hindi nangangailangan ng kabayaran. Ika'y aking
tinulungan sapagkat tiyak ako'y iginayak dito ng Diyos upang ika'y matagpuan.
Hala, humayo ka na at ang Berbanya sa'yo ay naghihintay na.
Juan:
Salamat. Kayo po sana ay ipagpala.
Scene
12:
Juan:
Amang Hari at Inang Reyna! Ako'y nagbabalik na.
Hari:
O, aking bunso. Ako'y lubos na nag-alala sa iyong kalagayan.
Reyna:
Aking Mahal na Hari, tingnan mo ang Ibong Adarna at nag-iba na ng anyo.
Ibong
Adarna: (song at Page 45-46 and page 48 of the book; at ang pitong pagpapalit
balahibo)
Scene
13:
Hari:
Ang pakiramdam ko ay magaan na. Isa nga talagang himala.
Reyna:
Ito ay isang magandang balita, aking mahal.
(Ibong
Adarna ay lumapit kay Don Juan at yinakap ito na para bang mag-ama)
Hari:
Pedro, Diego! Totoo ba ang sinasabi ng Ibong Adarna?! Sumagot kayo!
Diego:
Opo, mahal na hari.
Hari:
Ipatapon ang dalawang ito at bawian ng lahat ng karapatan. Hindi mapapantayan
ng kapatawaran ang ginawa ninyong pagtataksil sa inyong kapatid, sarili niyong
dugo't laman! Dapat kayo'y hindi na pamarisan! Umalis na kayo at ayaw ko na
kayong makita pa.
Juan:
O, aking amang ginigiliw, ang kanilang ginawa ay tapos na at ngayon ako'y buhay
pa. Wala rin ngang pagbabago sa samahan naming tatlo. Normal lamang na
pag-aaway iyong ng magakakapatid. Sila ay aking minamahal karugtong ng aking
buhay. Sila rin po ay mga anak ninyo, sana po'y sila'y kaawaan.
Hari:
Tama ka, aking bunso. Sila nga ay aking mga anak kaya't kakalimutan ko ang
hatol na ito, kapalit ng pangakong hindi na uulitin pa ang kanilang ginawa.
Ngunit, magkasala silang muli ay hindi ko na papatawarin at kamatayan ang
magiging kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?!
Pedro
at Diego: Opo, amang hari.
Scene
14:
Pedro:
Hindi ko ito matatanggap! Maghihiganti ako sa kahiyaang ibinigay ni Juan sa
atin! Ngayong aliw na aliw ang amang hari sa Adarna, ito ang mabisang gamitin
upang hatulan si Juan.
Diego:
Don Pedro, ngunit hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari kapag nalaman ito
ng amang hari?
Pedro:
Bakit ako matatakot? Ang isang magiting na Don ay hindi dapat matakot kaya ikaw
ay sumunod na lamang sa aking iuutos. Gisingin mo si Juan at siya ang
ipagbantay mo sa Ibong Adarna. Pagdating dito ay iwan mo siyang mag-isa ay
huwag mo siyang halinhinan. Kapag ito'y nakatulog na, ang Adarna ay ating
pakakawalan.
Scene
15
Diego:
Juan! Ikaw na ang magbabantay sa Adarna. Hintayin mo na lamang si Pedro na
halinhinan ka pagkatapos.
Scene
16
Juan:
(inaantok sa pagbabantay at tuluyan na itong nakatulog)
(Habang
sina Pedro at Diego ay pinakawalan na ang Adarna!)
Scene
17
Juan:
Nasaan na ang Ibong Adarna? Hindi kaya ako'y nilinlang ulit ng aking mga
kapatid? Hindi ba sila natatakot sa maaaring gawin ng amang hari kapag nalaman
ang kasamaang nagawa nila sa akin? Ngunit ako ay may pagkukulang rin, kaya
ngayon, ang dapat kong gawin ay magtago na lamang upang mapagtakpan ang
nagawang kasalanan ng aking mga kapatid.
Scene
18
Hari:
Pedro, Diego, Juan! Nasaan ang Adarna?! Bakit wala ito sa kanyang hawla?!
Diego:
Ama, ewan, ang bantay po kagabi ay si Don Juan.
Hari:
Nasaan si Juan? Hanapin niyo si Juan ngayundin!
Pedro:
Ama, bakit kailangan pa naming hanapin ang taong taksil at sumuway ng iyong
utos na bantayan ang Adarna?
Hari:
Tumahimik ka, Pedro! Ang utos ko ay hanapin niyo si Juan at ibalik sa Berbanya!
Umalis na kayo sa aking harapan!
Scene
19
Pedro:
Huwag kang ganyan, Diego. Ang iyong takot at hiya ay dapat ilihim kay Juan.
Lakasan mo ang iyong loob. May naisip ako upang tayong mga kapatid niya ay
makabawi man lang sa kanya.
Diego:
Ano iyon?
Pedro:
Huwag na tayong bumalik sa Berbanya. Tayo'y sumama na kay Juan at
makipagsapalaran sa ibang kaharian.
Diego:
Iyan nga ay isang magandang ideya.
Pedro:
O, siya at lapitan na natin si Juan.
Pedro:
Juan! (niyakap ang kapatid) (group hug with Diego) Kami ay nagkasundong lisanin
ang Berbanya at maglakbay sa malayo. Ibig sana naming imbitahan kang sumama sa
aming paglalakbay?
Juan:
(still hesitating) O, sige. Ako'y pumapayag.
Scene
20
Diego:
Tingnan niyo isang balong marmol ay may mga gintong nakaukit!
(nilapitan
nilang tatlo ang balon)
Juan:
Ang balong ito ay mahiwaga. Subukan nating bumaba at tuklasin ang nasa loob
nito. Ngayon din ako ay inyon talian at ihugos nang dahan-dahan. H'wag ninyo
itong bibitiwan hangga't hindi ko sinasabi.
Diego:
Ako'y mas matanda sa iyo kaya ako muna ang mauunang bumaba. Tiyak na ang
natatagong lihim ng balon ay malalaman.
Pedro:
Aba! Wala ka ring karapatan sapagkat ako ang panganay kaya ako ang may
karapatang unang sumubok.
Juan:
Kung gayon, ikaw na ang mauna.
(tinalian
si Pedro at pumasok na ito sa balon)
Diego:
Narating mo ba ang hangganan? Ano ang iyong nakikita?
Pedro:
Maghintay muna kayo! Ako'y kinukulang pa ng hininga. Hindi ko natagalan ang
loob ng balon. Sindak at takot ang aking nadarama para akong sinasakal.
Diego:
Takot? Sabi mo ang isang Don ay dapat walang kinakatakutan.
Pedro:
Tumahimik ka Diego. Sige nga, ikaw nga ang sumubok at tingnan natin kung ika'w
di matakot.
(tinalian
si Diego at pumasok na ito sa balon)
Juan:
O, anong balita? May natuklasan ka ba?
Diego:
Ewan ko..Wala! Wala! Sa lalim na parang walang hangganan, ang takot ko ay
umiral. Sa tingin ko kung ako ay nagtagal pa doon, tiyak ang aking kamatayan.
Juan:
Kung iyan rin lamang ay ako na ang susubok. (tinalian ang sarili at pumasok sa
sa balon)
Scene
21
Juan:
O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito. Mayroong palasyong kumikinang sa
loob nito.
(Naglalakad-lakad
siya at nakita nito si Donya Juana)
Juan:
Magandang araw sa iyo, O marilag na prinsesa. Don Juan ang aking pangalan.
Juana:
Magandang araw rin sa iyo, ginoo. Ako'y manghang-mangha at ikaw ay narito. Ang
aking ngalan ay Donya Juana.
Juan:
Sadyang ang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika'y makita. (lumuhod at
hinalikan ang kamay ni Donya Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi ngumingiti,
ang mukha nito'y nababalot ng galit)
Juan:
Kung walang pagmamahal na ika'y nadarama, kitilin mo na lamang ang aking buhay.
Ano pa ang halaga nito kung ikaw ay hindi rin lang makakamtan? Tinahak ang
balong kasindak-sindak upang ika'y masilayan lamang. Ngunit, ngayo'y ikaw ay
nasilayan, sawi pa rin ang aking buhay.
Juana:
(hinipo ang mukha ni Juan) Tanggapin mo ang aking puso. Kapag ito'y naglaho,
patunay na ikaw ay nagtaksil sa pangako.
Juan:
O, aking prinsesa. Ako'y kailanman hindi magtataksil. Panahon ang siyang
magsasaysay.
Juana:
Ngunit, ngayon. Saan kita itatago laban sa Higanteng malupit na nagbabantay sa
akin? Kapag ika'y makita nito, tiyak na kamatayan ang ang iyong aabutin.
Juan:
Aking mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo. Hayaan mong labanan ko ang
Higante upang makamtan mo ang iyong kalayaang inaasam.
Scene
22
Higante:
Juana!! Amo'y ibang tao! May ibang taong naparito! Nasaan ang taong iyon?!
Juana:
Hindi ko alam.
Higante:
Kung sinuswerte ka nga naman, (tawa) hindi ko na kailangan pang mamundok upang
makahanap ng makakain, gayong may kusang lumapit.
Juan:
Higante! Tumahimik ka! Ako'y hindi mo makakain!
Higante:
Kung ikaw man ay kilabot sa iyong kaharian. Dito ay hindi kaya ikaw ay magiging
aking pagkain!
(insert
fight scene here)
Juan:
Aking mahal na prinsesa, ika'y malaya na.
Juana:
(niyakap si Juan) Salamat, Juan! Salamat!
Juan:
Kaya, halika na at umalis na tayo sa lugar na ito.
Juana:
Sandali, Juan. Hindi ko maiiwan ang aking kapatid na si Leonora. Nandoon siya
sa loob ng palasyo at bantay niya'y isang serpyente. Ang aking hiling ay sana
siya ay iyong iligtas din.
Juan:
Kung iyan ang iyong kagustuhan, prinsesa kong nililiyag.
Juana:
Ngunit, ako'y natatakot. Baka ikaw ay masawi at ako'y maiiwang mag-isa.
Juan:
Pangako. Magbabalik ako sa iyong tabi. (hug)
Scene
23
Leonora:
Pangahas! Sino ka? At bakit ka naparito?
Juan:
Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kapangahasan. Ang ngalan ko'y Juan.
Leonora:
Hindi mo ba alam na kamatayan lamang ang iyong makakamtan sa pagparito. Kaya
bago pa dumating ang serpyente, ika'y umalis na!
Juan:
Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito'y sa iyong harap lamang.
Leonora:
Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa aking harapan. Umalis ka na
at manghinayang sa makikitil mong buhay.
Juan:
Ano ba ang iyong ikinagagalit? Kung ako man ay marahil na nagkasala, ito lang
ay dahil sa pagsinta. Kaya't susundin ko kahit ano man inyong iuutos ngunit ang
umalis sa iyong paningin ay hindi ko magagawa. Dahil kapag ako'y lumayo sa iyo
ng titig, ang hininga ko ay tiyak na mapapatid. Sa gipit kong kalagayan, ikaw
na Prinsesang mahal ang magbigay ng hatol. Ikaw ba'y sasama sa aking paalis sa
lugar na ito o hahayaan ang aking kamatayan sa iyong harapan?
Leonora:
(nilapitan si Juan) Hindi rin ako nakatiis. Don Juan, hindi ko nais na ika'y
habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig.
Juan:
Naiintindihan ko, aking prinsesa.
(nagtitigan
sila with LOVE! Then hug!)
(biglang
dumating ang serpyente with 7 heads)
Serpyente:
Leonora, bakit ikaw ay may taong ikinaila sa akin?! Ikaw, tao! Ang buhay mo ay
aking kikitilin!
Juan:
(binunot ang espada) Hindi, ang buhay mo serpyente ay aking kikitilin!
Serpyente:
Magsisisi ka sa iyong pagparito.
(insert
fight scene here)
Leonora:
Don Juan, narito ang mabagsik na balsamo. Sa bawat ulong mapuputol, ibuhos mo
ito upang ito'y hindi na muling mabuhay pa.
(insert
fight scene here. One head left)
Serpyente:
Di ko kayo huhumpayan hanggang hindi mamamatay ang ulo ko, iisa man ako'y
magtatagumpay!
(insert
fight scene here)
Juan:
Aking prinsesa, tapos na ang iyong pagdurusa. Halika at tayo'y umalis na.
Scene
24
(lumabas
na sina Juan, Juana at Leonora sa balon)
Juan:
Aking mga kapatid na Pedro at Diego, sila ang magkapatid na sina Juana at
Leonora, mga prinsesa ng kaharian sa loob ng balon.
Diego:
Ito nga ay isang hiwaga.
Pedro:
Ikinagagalak namin kayong makilala, Donya Juana at Donya Leonora. (sabay halik
sa kamay)
Leonora:
Naku!
Juan:
Bakit? Ano 'yun?
Leonora:
O, Juan. Ang akin dyamanteng singsing na pamana pa ng aking ina ay naiwan sa
palasyo.
Juan:
Kung gayon ay dapat ko itong balikan. Maghintay kayo dito at kukunin ko ang
naiwan.
Leonora:
Salamat, giliw ko.
Juan:
(tinalian ang sarili)
(Ngunit
habang bumababa si Juan ay bigla na lamang pinutol ni Pedro ang lubid.)
Leonora:
JUAN!!!! Lapastangan! Kapatid mo iyon! Bakit mo pinutol ang lubid? Ibig mo ba
ang kanyang kamatayan?
Pedro:
Oo! Kung ito rin lamang ang paraan upang ika'y mapasaakin rin lamang.
Juana:
Kawalang-hiyaan! Hindi nababagay si Leonora sa iyo!
Pedro:
Kayong dalawang prinsesa ay aming dadalhin sa Berbanya at doon ay ipapakilala
bilang aming magiging asawa.
Leonora:
Lubayan mo ako. Gusto kong mapag-isa.
Scene
25
(mayroong
lumitaw na lobo)
Leonora:
(kinakausap ang lobo) Puntahan mo si Don Juan. Kung siya man ay nasaktan,
gamutin mo ang kanyang mga sugat. Sabihin mong hindi ko kagustuhang iwan siya dito
sa balon. Kami ay pinilit lamang ng kanyang mga taksil na kapatid.
Scene
26
Pedro:
Aming amang hari, kami'y nagbalik na.
Hari:
Nasaan na si Juan? Nasaan na ang inyong kapatid?
Pedro:
Ikinalulungkot namin pero hindi po namin matagpuan si Juan. Ilang bundok at
burol ang aming nilakbay ngunit wala kaming Juang nasumpungan at sa aming
kapaguran, ito ang aming natagpuan. Sila ay ang magkapatid na prinsesang sa kaharian
sa loob ng isang balon nakatira. Ang ngalan nila ay Donya Juana at Donya
Leonora. Napagdesisyunan naming iuwi ang mga prinsesa nang aming mapangasawa at
mapabilang sa Berbanya.
Hari:
O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos. Sino sa kanila ang ibig mong pakasalan,
aking anak na si Pedro?
Pedro:
Kung ako po'y tatanungin, si Leonora ang sa akin at ang kay Diego ay kay Donya
Juanang butihin.
Leonora:
(lumuhod at napaiyak) Ako po'y di sumusuway ngunit may isa lamang akong
kahilingin at ito ay iliban muna ang kasal. Mula po kasi noong ako'y maulila sa
aking ama't ina, pitong taon kung panata ng mamuhay na mag-isa.Sana po'y
mahintay ninyong matapos ko muna ang aking panata bago pakasalan ang prinsipe
ng berbanya.
Hari:
Kung iyan ang iyong kagustuhan, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya Juana, sa anak
kong pangalawa, ang kasal ninyo ay ihahanda na pati na ang gagawing pista.
Scene
27
(Wolf's
actions: page 76)
Juan:
Salamat. Maraming salamat, lobo.
Scene
28
(natutulog
si Juan)
Ibong
Adarna: (song on the book)
Juan:
Tila ako ay nasa langit na.
Ibong
Adarna: (song on the book page 80)
Scene
29
Juan:
Tanda, ako po'y inyong kaawaan. Kung meron man po kayong dalang pagkain diyan,
maaari niyo ba akong limusan?
Matanda:
Heto, ginoo. Kahit ito'y durog durog lamang na tinapay, tiyak na ika'y
mabubusog. Heto rin ang tubig at pulot-pukyutan upang ika'y masiyahan.
Juan:
Salamat sa pagkain. Hindi man ako ngayon makaganti pero tiyak na sa tayo'y
magkita muli, baka makatulong ako sa huli.Ngunit, pasensya na po sa kawalan ng
paggalang, may isa pa po akong kahilingan. Nais ko pong malaman kung saan ang
daan patungo sa de los Cristal. Ako po ay tatlong taon nang naglalakbay ngunit
ito ay hindi ko pa rin matagpuan.
Matanda:
Aba, ako'y wala ring alam tungkol riyan ngunit may alam akong taong
makakatulong sa iyo na magtuturo kung nasaan ang de los Cristal. Mula rito,
tandaan mong nasa ikapitong hanay na bundok ang hahanapin mong Ermitanyo. Heto,
kapirasong baro ay iyong ipakita sa kanya kapag kayo'y nagksalubong. Kaya
ngayon ay humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.
Juan:
Maraming salamat sa iyong tulong. Ikaw sana'y ipagpala.
Scene
30
(lumapit
ang prinsipe sa ermitanyo)
Ermitanyo:
Lumayo ka sa aking tabi. Sa katagalan ng aking pag-iisa, wala pang taong
naparito kaya siguro ay ikaw ay engkanto.
Juan:
Huwag po kayong mag-alala. Totoong tao po akong ipinadala ng matanda. Heto, ang
barong ito ang katibayan.
Ermitanyo:
Totoo nga! Ano ngayon ang iyong sadya?
Juan:
Marangal na ermitanyo, tinutunton ko pong pilit ang Reyno delos Cristales.
Ermitanyo:
Wala akong alam sa hanap mong kaharian. Maging ang sakop kong mga hayop ay di
rin nakakaalam. Baka ang kapatid ko ay may alam. Sa ikapitong bundok na iyan,
may matanda kang madaratnan. Itong baro ko ay iyong dalhin upang maging
katibayan. Heto, ang Olikornyo at iyong sakyan. Ika'y ihahatid niyan patungo sa
iyong dapat patunguhan.
Scene
31
Ermitanyo:
Sino ka at ano ang iyong pakay? Matagal na akong walang nakikitang tao rito.
Juan:
Ako po'y ipinadala g iyong kapatid upang masagot ang aking hiling na
katanungan. Heto, ang kanyang kapirasong baro para katibayan na ako'y nagsasabi
ng katotohanan.
Ermitanyo:
Ito nga ay sa aking kapatid. Ngayon, ano ang iyong katanungan?
Juan:
Sadya ko po ay malaman ang daan patungo sa Reyno delos Cristales.
Ermitanyo:
Walong daang taong paninirahan ko rito ngunit wala akong nalalamang ganyang
kaharian. Maghintay ka at magtatanong ako sa aking sakop na mga ibong nasa
bundok.
Ermitanyo:
Sa mahabang paglalakbay, sino ang nakakaalam sa Reyno ng delos Cristal?
(walang
sumasagot sa mga ibon at biglang dumating ang isang agila)
Ermitanyo:
Agila, bakit ika'y nahuli ng dating? Parang hindi mo pa nauunawan kung para
saan itong kampana.
Agila:
Panginoon naming mahal, sana po ako'y iyong mapatawad. Hindi ko hangad na
suwayin ang tunog ng kampana ngunit ako po ay nanggaling sa napakalayong lupain.
Paglipad ko man ay binilisan, ngunit ako ay huli na sa kahalatan nang dahil sa
sobrang kalayuan ng aking pinanggalingan.
Ermitanyo:
Kung gayon, ngayon din ay sabihin mo ang pangalan ng lupaing iyong
pinanggalingan.
Agila:
Isang lupaing marikit, ang Reyno de los Cristales.
Ermitanyo:
Ito'y isang hiwaga! Don Juan, narinig mo na ang balita ng Agila, kaya ngayon ay
ikaw ay humanda na. Agila, ikaw ay maghanda rin sapagkat ikaw ang magdadala kay
Juan patungo sa Cristalino.
Scene
32
Agila:
Tayo'y narito na, mahal na prinsipe. Dito na kita iiwanan. Ikaw ay mangubli sa
halamanan nang hindi ka mamalayan. Asahang sa ikaapat ng madlaing araw na oras,
dito ay darating na tiyak ang hanap mong prinsesa. Ngayon, ako ay magpapaalam
na. Ang loob mo ay tibayan at ang bilin ko'y tandaan nang matiyak ang iyong
tagumapay.
Juan:
Maraming salamat, Agila.
Scene
33
Juan:
Siya nga may tagalay na mala-engkantong kagandahan.
Maria:
(narinig ang ingay) Sino ang nariyan?
Juan:
(tahimik lamang)
Maria:
Alam kong may tao riyan. Kaya kung ayaw mong ipatawag ko pa ang aking ama ay
magpakita ka na lamang.
Juan:
(goes out from hiding) Ako sana'y patawarin sa pagtatagong nagawa. Ako'y
natulala lamang sa iyong taglay na kagandahan, o mahal na prinsesa. Kung ako
man ay may nagawang mas malalang kasalanan, kahit anong kaparusahan ay
tatanggapin sapagkat ako, sa iyo ay may pagsinta.
Maria:
Galit ko'y nag-aapoy dahil sa iyong pagpasok dito ng walang pahintulot.
Juan:
Galit mo man kung nag-aapoy, ganoon rin ang puso ko para sa iyo. (grabs the
princess hand and put it on his chest to feel his beating heart)
Maria:
Batid at nadarama ko ang iyong sensiridad kaya ang galit ko ay nawala at
natunaw na parang bula.
Juan:
(knelt down) O, aking prinsesa. Ako si Prinsipe Juan, anak ng Berbanya at hindi
ko mawari kung ako ba ay makakabalik sa kaharian ng aking mga magulang. Ang
inyong kaharian ay aking nilakbay ng ilang taon pa upang ikaw lamang ay
masilayan.
Maria:
Tumayo ka, Don Juan. Tanggapin mo ang aking kanang kamay. Ito ay tanada ng pagsinta
kong panghabambuhay. Sa ating pagmamahalan, maglihim ay kataksilan.
Juan:
(kisses the princess right hand and stands)
Maria:
Aking mahal na prinsipe, marami na ang naghangad ng aking kamay mula sa aking
ama ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nagtagumpay, ngunit dahil batid kong
naiiba ka sa kanilang lahat at tayo ay nagsumpaan na ng pag-iibigan, pinapangako
kong ikaw ay tutulungan para sa iyong ikakatagumpay.
Juan:
Salamat, aking mahal na Maria.
Scene
34
Salermo:
Isang panauhin! Ano ang sadya mo sa aking kaharian?
Juan:
Bati ko ay magandang hapon sa Hari kong panginoon. Ako si Prinsipe Juan ng
Berbanya. Ang inyong kaharian ay nilakbay mula sa kalayuan upang masilayaan at
mahingi mula sa inyo ang anak niyong aking iniibig.
Salermo:
Kung iyan ang ating pag-uusapan, halika ka at pumanhik sa loob ng palasyo.
Juan:
Huwag na po kayong mag-abala, mahal na hari. Ako po ngayon ay handa na sa kahit
anumang ibibigay niyong kautusan.
Salermo:
Pwes, ngayon din ay kumuha ka ng trigo at itanim sa lupa. Kailangang bukas na
bukas rin ay may gawa nang tinapay mula sa iyong itinanim na trigo.
Scene
35
Salermo:
Hindi ito maaari. Pitong kahilingan ko ay walang hirap niyang nagawa. Anong
klaseng prinsipe ito? Mula sa isang gabing paggawa ng tinapay patungo sa pagpapaamo
ng aking kabayo, nakakamangha man pero hindi ko kayang ibigay sa kanya ang isa
sa aking mga anak lalung-lalo na si Maria. Ngunit, sa araw ng pagpili, hindi
rin niya malalaman kung sino sa tatlo ang aking Maria.
Scene
36
Salermo:
Nang dahil sa iyong tapat na pagsunod sa aking mga kahilingan, ikaw, Prinsipe
Juan, ay aking pinapayagang pumili sa aking tatlong anak upang gawing asawa.
Ngunit ang kanilang kamay lamang ang iyong makikita mula sa mga pinto. Kapag
nakapili ka na, kahit sino man ang iyong napili, ay papayagan kong kayo ay
ikasal na.
Juan:
(naglalakad-lakad sa mga pinto) Mahal na hari, narito ang aking prinsesang
iniibig.
Maria:
(lumabas) O, aking mahal!
Salermo:
(speechless, in shock) Hindi pwede!! (so much anger here!)
Maria:
Ngunit Ama, ika'y nangako!
Salermo:
Hindi! Hindi ako makakapayag. Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang
anak kong si Maria!
Juan:
Ngunit siya ang aking iniibig.
Maria:
Mahal ko, ako'y ilayo mo ngayon din sa lugar na ito.
Juan:
(tumakbo habang hawak si Maria)
Salermo:
(hinawakan si Maria) O, aking bunsong prinsesa, huwag mong iwan ang iyong ama.
Pabayaan mo na ang prinsipeng estrangherong iyan, dumidito ka sa tabi ng iyong
ama.
Maria:
(iwinaksi ang kamay ng ama at itinulak ito) Hindi, ama! Magulang man kita
ngunit mahal ko si Juan. Ako sana'y patawarin.
(And
they're gone)
Salermo:
(Umiiyak) Maria!!! Isinusumpa kita! Ang iyong minamahal na si Don Juan ay tiyak
na malilimutan ka kapag dumating na siya sa Berbanya! Siya'y ikakasal unang
babaing kanyang makikita sa kaharian ng Berbanya at ikaw ay habambuhay na
mag-iisa!! (faints/dies)
Scene
37
Juan:
Aking prinsesa, ikaw muna ay aking iiwan, pangako ako'y babalik agad. Haharapin
ko lamang ang galit ng aking ama ng mag-isa.
Maria:
Pangako mo ay babalik ka agad. Akin iyang panghahawakan. (hugs)
Scene
38
(Juan
naglalakad papasok sa kaharian)
Leonora:
(hugs) O, aking Juan! Hindi nga ako namamalik-mata. Ikaw nga itong aking
nakikita.
(and
the rest of the monarch appeared)
Hari:
Juan, ika'y nagbalik na.
Juan:
Mahal na hari, sana ako'y patawarin sa nagawa kong hindi dapat.
Leonora:
Kamahalaan, dinggin mo ang aking sasabihin. Hiningi ko po sa inyo ang pitong
taong pagbabanal upang maiwasang ikasal kay don Pedrong taksil. Ang totoong
nagligtas sa akin ay si Don Juan. Siya lamang ay pinagtaksilan ng dalawa nitong
kapatid upang kami'y maisama sa Berbanya bilang kanilang mapapangasawa.
Hari:
(tiningnan si Pedro at Diego with anger; nagyuko lang ang ulo ang dalawa)
Leonora, sinuman kina Don Pedro at Don Juan, ikaw na ang bahala kung kanino ka
magpapakasal. At ang pag-iisang dibdib ninyo ay gagawin sa linggong ito.
Hari:
Ngayon, naghihintay na ang parusa para sa inyong dalawa.
Juan:
Ngunit, ama. Tunay nga ang sinasabi ni Leonora pero sana ang parusa ay ipataw na
lamang pagkatapos na ng kasal.
Hari:
Tama nga naman ang iyong mungkahi.
Scene
39
(wedding
music cue~)
Hari:
Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.
(grand
entrance ni Maria)
Maria:
Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na
ng dating.
Reyna:
Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay
itinigil para ikaw ay matanaw. Tradisyon na ng kaharian na parangalan muna ang
bisita bago ang sarili.
Maria:
Ganoon po ba? Kung ganun ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-Palasyo.
Isang palabas na bagay sa kasalang magaganap.
Hari:
Emperatris, ipakita ang palabas. Ako'y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong
bigay na regalo.
Scene
40
Negrito
at Negrita
(play
starts here: page 123-126)
Scene
41
Maria:
Hindi mo ba talaga matandaan ang iyong tunay na minamahal, Don Juan? Kung gayon
ay mas mabuti na lamang na mamatay tayong lahat dito! Ang praskong ito ay
naglalaman ng nalalabi kong kapangyarihan na siyang gugunaw sa buong Berbanya!
(Babasagin na ang prasko nang bigla siyang niyakap ni Juan)
Juan:
Maria! Ikaw nga ang prinsesang aking hirang na naiwan sa nayon. Ikaw nga at
hindi iba ang aking sinisinta. Kasalanan ko ang lahat. Ang iyong lungkot at
kalumbayan ay aking kasalanan. Hindi ko naiwasan ang sumpa ng iyong ama. Ako
ang tunay na maysala. Kung ikaw ay may galit pa sa akin, sana'y patawarin.
Juan:
Ama, (hinawakan ang kamay ni Maria) Sa kanya ako magpapakasal, hindi kay
Leonora.
Leonora:
Hindi ako makakapayag! Ako ang nauna, ako ang mas may karapatan! At sa pangalan
ng Bathala, ang nauna ang may pala.
Maria:
Inayawan ko ang lahat para kay Juan. Naging taksil ako ng aming kaharian at sa
ama ay naging suwail para lamang sa pagmamahal ko kay Juan. Isinakripisyo ko
ang lahat para sa kanya dahil totoo kaming nagmamahalan. Ano ba ang punto kung
may nauna man kung hindi naman ito ang naglalabis na nagmamahal at minamahal?
Hari:
Ngunit, utos ito ng simbahan at batas ng Kalangitan, ang una'y may karapatan sa
pag-ibig ni Don Juan.
Maria:
Ganito ba talaga ang batas ng mga tao? Sa mali ay anong amo, sa tumpak ay
lumalayo?
Reyna:
O, Diyos sa Kalangitan, kami'y iyong liwanagan.
Maria:
Sa puri kaya ng tao, ano kaya ang katimbang nito?
Juana:
Tumahimik ka na. Ngayon ay wala ka ng daan, si Leonora ang katipang tinatanggap
ng simbahan at siya ang ikakasal sa prinsipe, hindi ikaw!
Maria:
(hinarap si Juana at sinampal)
(inawat
naman siya agad ni Juan)
Juan:
Huminahon ka, aking mahal. Ama, Ina at sa lahat na nandirito, si Donya Maria
ang tunay na nasa puso ko. Kung nahandugan ko man si Leonora ng pagsinta,
inaamin kong mas matimbang ang aking pagmamahal kay Maria. At kapag pinakasalan
ko si Leonora, ako'y mapupuno lamang ng lumbay. Hindi lang dahil sa nawala sa
akin ang totoo kong minamahal ngunit dahil din sa magkakalayo kami ng loob ni
Don Pedro. Siya ang tunay na nagmamahal kay Leonora, hindi ako.
Leonora:
Ngunit Juan,
Juan:
Hindi mo lang nakikita ngayon ang pag-ibig na ibinibigay ng aking kapatid
sapagkat hindi mo pa binubuksan ang iyong puso't isipan sa iba. Mayroong mas
may karapat-dapat sa iyo, Leonora at hindi ako iyon. Lubhang ma-inggitin man si
Pedro pero pagdating sa babaeng kanyang minamahal siya'y naiiba.
Juan:
(humarap sa ama) Kaya ama, sana'y iyong maintindihan ang aking pasya. Sana'y
basbasan mo kami ni Maria na maikasal na.
Hari:
Naiintindihan ko ang nais mong iparating, aking anak. Hindi nga lahat ng nauuna
sa pag-ibig ay an gating tunay na iniibig. Kaya ibinibigay ko ang basbas ko sa
inyo ni Maria. Ngunit, sino ang magmamana ng aking trono?
Juan:
Sino pa ba, ama? Kundi ang iyong panganay na anak.
Maria:
H'wag po kayong mag-alala, mayroon pong naghihintay na kaharian kay Juan at
iyon ang Reyno de los Cristales.
Hari:
Kahit man nagkasala ang aking panganay, siya pa rin ang may karapatan at
karapat-dapat sa trono. Kaya ngayon aking tagapagmana ay ipinapangalanang si
Don Pedro! O, hala. Sige, ipagpatuloy ang pista.
(music
cue~)
Juan:
Maligayang bati sa magiging hari ng berbanya! (shakes hands with Pedro)
Pedro:
Ikaw din, Juan. Sana ako ay iyong patawarin sa lahat ng aking nagawa.
Juan:
Normal lang sa magkakapatid ang nag-aaway. (walks away)
Leonora:
Maligayang bati, susunod na hari.
Pedro:
Salamat, Leonora.
Leonora:
Bukas pa ba ang trono bilang maging iyong Reyna?
Pedro:
Ha? (shock!!)
Leonora
(natawa) Kung ayaw mo akong pakasalan ay ayos lang.
Pedro:
Talaga! Pumapayag ka nang tayo'y magpakasal na?
Leonora:
Napag-isip isip ko ang sinabi ni Juan. Tama nga ang kanyang sinabi. Gusto kong
subukang magmahal ng iba.
Pedro:
Hindi ka magsisisi sa iyong naging desisyon. (hug)
Scene
42
Mga
tao: BIBA! Biba! Hari nati'y matagumpay! Reyna natin ay matagumpay!
(coronation
of Don Juan at Donya Maria)
Julie Anne Bordones Bolivar. Ibong Adarna Script.
Retrieved from
https://www.wattpad.com/249257616-ibong-adarna-script-for-play-ibong-adarna-script
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento