Sabado, Pebrero 9, 2013

Kabanata 11

Kabanata 11: Pagkamulat

Masakit pa rin ang ulo ni junior ngunit pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa tulog. Sinabi ng kanyang Ate Leni na uminom siya ng maraming tubig upang mahimasmasan siya. Pinilit niyang binubuhay sa kanyang isip ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at tinananong niya ang kanyang ina kung may napansin siyang aso sa bahay nila Nyora Tentay. Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong iyon. Itim ang kulay at parang lenteng malalaki ang mga mata. Si Nyora Tentay daw mismo ang nagpapaligo at nagpapakain dahil walang makalapit sa aso at baka din daw lasunin ng mga taong may galit sa kanya. Naging malinaw sa isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora Tentay. Isang lalaki ang umalalay sa kanya patungo sa taxi na naghatid sa kanya sa tahanan nila. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik doon. Sinabi rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya. Masasabing guwardiyado ang lugar na iyon.
Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang ekslusibong kolehiyong panlalaki na pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang naging kamag-aral na mayaman at mayroon ding nasa panggitnang antas ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng demostrasyon ang mga kabataan at estudyante sa harap ng kongreso upang ipakita sa pangulo ang damdamin ng bayan. Tumulong sila sa paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa sasakyan ng pangulo at gumawa rin sila ng isang malaking paper-mache na buwaya na kinabitan ng pangalang Marcos.  Maraming nasaktan. Walang patawad ang mga pulis.  Binawian ng buhay si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis. Inilipat si Junior nang eskwelahan. Marami ang nag-iba sa kanyang buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangarin mag-aral ng batas at nagbago rin ang kanyang mga kasama.
Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa teresa. Hindi natapos ni Vic ang kanyang kinakain dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya umalis na ang binata

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento