Linggo, Enero 13, 2013

Pagsasalaysay

SINING NG PAGSASALAYSAY
Pagsasalaysay - Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.

Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.        
                                Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga rin
                                ito ay napapanahon at may dalang pakinabang o kabutihan sa mga
                                babasa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:

1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
    damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at
    may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.

2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.

3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at
    hilig ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay
    sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan
    nito. kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng
    salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.

5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya
    pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga
    mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong praan pagsasalaysay ng
                                       isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng
                                       mismong nagsasalaysay o  magasasalaysay.
 2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
                                                          pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at
                                                          telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng
                                                          narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan.
                                                          mahalagnag tiyakin muna ang  katotohanan bago
                                                          isulat.
 3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at iba pa.
 4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng
                               isang salaysay.
 5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring 
                                             maging batayan ng pagbuo ng salaysay.


Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay

1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon
2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. Kaakit-akit na simula. Kasiya-siyang wakas

Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento

1. Simula
2. Tunggalian
    a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento
    b. Tauhan laban sa sarili
    c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.
4. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa
                       bahaging kasukdulan. dahan - dahang bumababa ang pananabik ng  
                       mambabasa.
5. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin ipinapahayag ang
                  mahalagang kaisipan o mensahe sa kwento.

MGA URI NG SALAYSAY

1. Kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw, pananalita at
    kaisipan ng isang tauhan.
2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na pinangyarihan sa kwento.
3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang makabuluhang
    pangyayari at kalagayang ginagalawan ng mga tauhan.

MGA ANYO NG SALAYSAY

1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa
    pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng
    pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang 
    kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok
    at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang
    itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao
    mula simula hanggang kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook
    o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
    pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

9 (na) komento: