Biyernes, Setyembre 14, 2012

Noli me Tangere Script 1


Kabanata 1-16

SCENE 1:

Narrator: Balitang balita sa buong kamaynilaan ang isang malaking pagtitipon na magaganap sa mga huling araw ng Oktubre. Lahat ay aligaga at labis na naghahanda para sa pakikipagsosiyalan sa nasabing pagdiriwang.

GIRL 1- Oy, alam mo ba, kumare? Isang pagdiriwang daw ang magaganap sa bahay nina Kapitan Tiyago!

GIRL 2: Aba, kina Kapitan Tiyago nga ba, ine? Hmmm.. Naturalmente lamang na ito’y magiging magarbo!

Lalaki: Aba siyempre, ano! Paniguradong magdaratingan ang mga donya’t don sa tahanan ng mga Santiago De Los Santos!

GIRL 1: Ay, tama ka diyan!

GIRL 2: Kaya’t kailangan talaga nating magsipaghanda!

Lalaki: Pasosiyalan na naman ito!

GIRL 2: Hayy. O, Bueno! Mauna na, ko ha? Magkitakita nalang tayo doon!

LALAKI: Bueno, siya sige, mabuti pa nga!

GIRL1: Oh, sige paalam na sa inyo! Kita kita nalang!=))

-exit lahat-

SCENE 2:

TIYA ISABEL: Buenos Tardes, mga seniora, senior! Maligayang pagdating sa tahanan ng mga Santiago De Los Santos!

BAWAT PAPASOK:

-groupo ng kababaihan (unang papasok)

-mga lalaki

-mga nasa bilog na lamesa.

Mga babae: Magandang gabi, Tiya Isabel!

Tiya Isabel: Magandang gai din, mga dilag! Magtipon muna kayo diyan, habang nagaantay ng mga bisita, ah!

Mga Babae: Salamat po.

1- grabe! Naakaganda ng bahay nila, anoh?

2- Sobra! Parang isang palasyo!

3- TAWANAN!.. =))

Mga Lalaki:

1- Napakaganda naman dito, anoh? Napakadaming palamuti! =)

Pari Damaso ay papasok, uupo, nakakunot ang noo

Pari Salvii: Oh, nasan si Kapitan Tiyago?

Tiya Isabel: Siya’y hindi pa dumarating, eh. Teka, paumanhin ngunit magpupunta muna ko sa kusina (pagod na dahil sa katandaan)

-haay, andaming tao!-( pabulong na reklamo)

Narrator: At sa isang bilog na lamesahang kinauupuan nina Pari Damaso, umaalingasaw ang masaklap na paglalarawan ng prayle ukol sa ugali ng mga Indiyo.

Pari Damaso: Kahit kailan ay wala talagang kuwenta ang mga Indiyong,iyan! Mahigit dalawampung taon akong nanilbihan sa bayan ng San Diego. Ang buhay ko bilang pari’y nasubaybayan na nila ngunit ng ako’y madestino sa ibang lugar, kakaunti lamang ang naghatid saakin!mga walang modo, walang pasasalamat!

Paisano: Totoo ba yan, Pari Damaso?

Pari Damaso: OO, at isa pa, kung di naman dahil sa nagmamagaling na tenyente heneral natin ay hindi ako madedestino sa iba. Siya lang angbukod tanging naniniwala na ang taong iyon ay hindi makasalanan! Aba’y hindi nag- iisip.! Maski sa pagpapalibing sa masamang tao, hindi ako kinunsulta!”

Paisano: OO nga!

Pari Sibyla: “Pari Damaso, mag hulos- dili ka! Tayo’y na sa ilalim ng bubong ng isang Indiyo at hindi ka naman siguro naghahamon ng ayaw, hindi ba? May kaniya- kaniyang opinyon ang mga tao.”

Tenyente Guevarra: “OO nga ho, at sa pagkakaalam ko sa mga tunay na nangyari, wala ho kayo, Pari Damaso dito sa San Diego noon kaya inilibing na ang bangkay ng napakamarangal na taong iyon”

Padre Damaso: “Ngunit di parin kayo nagbigay- alam. Lam niyo namang may atraso sa amin ang lalking iyon. Hindi niyo man lang naisip and pangalan ng kura paroko!”

Tenyente Guevarra: “Dahil sa mabait naman siyang tao. Hindi siya makasalanan kagaya ng pinaparatang ninyo!” I (nagkakainitan)

Pari Sibyla: “Mga kapatd, ikinalulungkotko ang pagkasabi sa maselang bagay na ito Ngunit pari damaso, tanggapin niyo nang napabuti kayo sa pagkalipat ninyo.

Pari Damaso: “Napabuti? Baka naging daan para mawala ang pananalig ng mga Indiyo sa Diyos!”

- Pagpasok ni Don Tiburcio de Espadana at Donya Victorina

Don Tiburcio: Anong nangayayari dito?

Pari Sibyla: Paunmanhin sa munting di pagkakaintindihang ito, tayo na’t magantay nalang ng matiwasay kay Kapitan Tiyago.

——————————katahimikan————————————————————

Narrator: At sa kalagitnaan ng paguusap nila, dumating na nga si Kapitan Tiyago, hawak ang kamay ng isang binatang nakaluksa.

Kapitan Tiyago: (mano po pari- mamano kina p. damaso at sibyla)

Mga kaibigan maraming salamat sa pagdalo sa aking munting pagtitipon. Ipinatawag ko kayo sapagkat mayroong isang napakahalagang tao na nais kong ipakilala sa inyo.

Siya ang anak ng isang kaibigan natin lahat na yumao na, ang anak ni Don Rafael Ibarra, si Crisostomo Ibarra., mula sa Europa

-mga babai at lalaki ay mamamangha-

Crisostomo: Magandang Gabi sa inyong lahat, ikinagagalak ko po ang maparito.

Tenyente Guevarra: At ikaw pala ang anak ng magiting na si Don Rafael Ibarra.

Crisostomo: Ako nga po, Senior.

Tenyente: Ang iyong ama ay isang napakabuting tao, sana’y mapunta sayo ang kasiyahan na ipinagkait sa kanya.

Crisostomo Ibarra: sana nga po, tenyente.

Magandang gabi po, Maitanong ko lang ho, (haharap kay Pari Damaso)- hindi ho ba’t kayo si Pari Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking ama?

Pari Damaso: Ako nga si Pari Damaso ngunit sa tingin ko’y hindi ako ang tinutukoy mo. Kailanma’y hindi ako naging matalik na kaibigan ng iyong ama. (masungit)

Crisostomo: Naku ho, pasensiya na po, Pari Damaso.

Narator: Bilang kaugaliang natutuhan niya sa Europa, siya ang nagpakilala sa kanyang sarili sa mga taong hindi pa siya nakikilala

(lalapit sa mga kababahian)- maganadang gabi sa inyong lahat.

-magriring ng bell

Kapitan Tiyago- Bueno, kumain na tayong lahat, mauupo ang lahat.

Kumakain.

PD- yung may leeg at pakpak

CI- yung malaman

Pari Damaso: ano ba naman iyan? Ang laman lang ng aking tasa ay mapayat na leeg at pakpak ng manok! . (titikman tapos ibababa ang kubyertos at magdadabog)

Laruja : Crisostomo, pagkatapos mong mapagaralan ang mga bansa sa Europa, alin ang masasabi mong paborito mo?

Crisostomo: Wala akong paborito. Pagkatapos ko malaman ang lahat sa kanila, nalaman ko na wala naman palang kaganda- gandang katangian ang mga lugar sa Europa

Pari damaso: Iyan lang ba ang natutuhan mo sa Europa? Kahit sino naman ay matututunan yan kahit di naglulustay ng pera!

Narrator: Kahit pa labis ang katarayan ng prayle, hindi na lumaban si Ibarra, siya ay tumayo nalang at nagpaalam.

Ibarra: Paumanhin ho sa inyong lahat, kinakailangan ko na hong umalis..

Kapitan Tiyago: Ngunit parating na si Maria Clara. Hindi mo ba siya aantayin?

Ibarra: Pasensiya na ho ngunti mayroon pa kong mas importanteng bagay na kailangang asikasuhin.

Narrator: at tuluyan na nga siyang umalis sa pagtitipon.

SCENE 3:

Narrator: Hindi alam ni Ibarra kung saan siya pupunta. Naglalmig sa kalsada at siya’y walang tiyak na matutuluyan. Kaya nama’y nagmasid masid siya sa paligid ng kanilang bayan, sa may simbahan at inaalala na rin niya ang mga alaala niya sa kaniyang nilisang bayan.

Ibarra: Hay, wala paring nagbabago sa aking bayan Nandiyan parin ang magsosorbetes at nagtitinda ng kakanin, ang mga tindahan ng intsik at iba pa.

(dantayan siya sa balikat ng isang kamay)

Ibarra: ay, kayo ho pala iyan,tenyente!

Tenyente: Pasensiya na, Ibarra, ngunitgusto lamang kita sabihan na magingat.

Ibarra: Mag-ingat po saan, tenyente? Kagaya ng ama ko, ako ay walang kaaway.

Tenyente: Wag kang masyadong pakasisiguro, Ibarraa. Baka ikaw ay magsisi.

Hayyyy.

Hangga’t sa pinakahuling oras ng kanyang pagkakakulong, hindi naniniwala si Don Rafael na siya ay may mga kalaban.

Ibarra: Mapaumanhin po, Tenyente, kung di po ako nagkakamali ay naging napakabuti niyo sa isa’t isa ng aking ama, Maaari niyo po bang isalaysay sa akin ang kapalaran na sinapit ng aking ama?

Tenyente: Ay! Ngayo’y hindi niyo pa pala alam?

Ibarra: Opo, hindi ko pa po alam

Tentyente: Gaya nga ng pagkakabatid ng karamihan, sa bilangguan namatay ang inyong ama.

Ibarra: Sa bilangguan? Sinong nabilanngo?

Tenyente: Kayo naman ho! Ang inyong ama na si Don Rafael Ibarra ang nabilanggo.

Ibarra: Ang ama ko, nabilanngo? Sigurado ho ba kayo na iyan ang aking ama

Tenyente: Iisa lang naman po si Don Rafael Ibarra.

Ibara: Tama po kayo diyan, nag-iisa lang ang ama ko.

Tenyente: Isang napakayamang tao sa San Diego ang ama ninyo ngunit iba ang pananaw niya sa buhay kaya’t siya ay pinaratangan ng simbahan. Siya ay tinawag na erehe at pilibustero. Ang kura paroko ay palagi siyang pinariringgan s kanyang mga pabasa bagamat hindi binabanggit ang kanyang pangalan.

Dahil ito sa pagkakapatay niya sa isang artilyero.

———————————– flashbacks————————————————–

Tenyente: Isang araw, isang grupo ng mga bata ang nangaasar ng isang tatanga-tangang artilyero.

At dahil sa busilak ang puso ng inyong ama, ng mapansing sinasaktan ang mga bata ng artilyero ay ipinagtanggol ito ng iyong ama.

Ngunit napalakas ang pwersa ng iyong ama kaya ay napatay niya ang artilyero.

Dahil dito ay nakulong ang iyong ama sa kulungan, pinaratangang erehe at pilibustero at sa bilanguan na din ay namatay.

—————————————–flashbacks————————————————————

Ibarra: Bakit ganito kasaklap ang nangyari sa aking ama?

Tenyente: Nasa iyo ang pakikiramay ko, Ibarra. Ngunit hahayaan ko ng si Kapitan Tyago ang magtuloy ng storya para sa iyo.

Ibarra: Maraming salamat po.

Tenyente: Magiingat ka, Ibarra.

SCENE 4:

Narrator: AT tuluyan na ngang naglayo ang tenyente at si Ibarra.

Ang ating dakuhan ng pansin naman ngayon ay si Kapitan Tyago,, ang isang napakilala at tanyag na personalidad sa maaraming bayan at mga lalawigan.

-K. Tyago ay nakaupo at tila’y madaming napasasaisip.

Maria Clara: ama, bakit tila’y madaming nasa isip mo ngayon?

K. Tiyago: wla ito, Maria Clara.

-Haay, siguro naman ay naging masaya sila, ano? Kahit pa maagang umuwi si Ibarra?

K. Tiyago: Maria Clara, anak. Hindi mo ba naiisip na siguro ay mas lubos ang kasiyahan natin ngayon kung hindi maagang namatay ang iyong ina?

Maria Clara: Opo naman, ama. Sana’y nakikita niya kung gaano kayo kabuting ama sa akin.

K. Tiyago: Salamat, anak!

Maria Clara: Ay, ama! Ako po’y aalis muna.

K. Tyago: Sige, Mara Clara. Pagpalain ka ng Diyos.

-Kung alam mo lang sana na Pia kung gaano kasaya ang buhay sa ngayon, sana naman ay hindi ka namatay ng maaga.

Hayy…

Narator: Ito ay napahinga nalang ng malallim habang naghihinagpis sa paghahanap ng kasama sa buhay. Sa paghahanap kay Pia Alba.

SCENE 5:

Narrator: Kinabukasan, maagang nagsimba ang magtiyang sina Isabel at Maria Clara. Nadismaya si Tiya Isabel sapagkat nagmamdaling umuwi si Maria Clara. At dahil iyon sa siya ay bibisitahin sa ngayon ni Crisostomo Ibarra.

-sa bahay, nananahi si Maria Clara.

-nagbabasa ng papeles si k. tyago

-nagwawalis si tiya isabel

Maria Clara: Hay, Tiya! Napakaganda po ng araw ko ngayon. Sapagkat ay bibisitahin ako ng pinakamamahal kong nilalang sa buong sandaigdigan, si Crisostomo Ibarra.

Tiya Isabel: Hay nako, totoo yan, hija.

Maria Clara: Hindi ko nga po maintindihan kung bakit labis na kabado ako eh. Samantalang magkababata naman kami. Buti pa noon sa beateryo, maaari niya akong bisitahin at hindi ako nanginginig.

-music ng isang sasakyan

Kapitan Tiyago: Nandito na siya!

Maria Clara: haa?! (matataranta) Naku po!!

-tatakbo paalis.

Narrator: Hindi mapakali ang dalaga, kaya’t to ay nagtago sa may silid- dasalan habang nabablisa at naririnig ang tinig ng binata.

At sa may salas,

Kapitan : Crisostomo! Mabuti naman at naisipan mong bisitahin ang aking anak.

Tiya Isabel: Hay nako, kung alam mo lang kung gaano ka aligaga iyang si Maria Clara sa kaaantay sa iyo.

Crisostomo: Naku, nakakatuwa nman iyan. Nasaan na nga po ba siya?

Kapitan Tiyago: OO nga, nasaan na ba si Maria Clara?

Tiya Isabel: Mukhang alam ko kung nasaan ang batang iyon, sandali lang, ha?

-lalabas ng pinto.

-hahatakin si Maria Clara

Eto na siya, oh!

Crisostomo Ibarra: Kamusta ka, Maria Clara?

Maria Clara: Mabuti naman, Crisostomo! Kay tagal din nating hindi nagkita, ano?

Crisostomo Ibarra: OO nga eh, talagang napakatagal na nung huli tayong nagtagpo.

Kapitan Tiyago: Sige, magpahangin muna kayong dalawa doon sa labas.

Crisosomo: Opo, kapitan Tyago.

Narrator: at doon sila nagtungo sa may asotea. Pinuno nila ng mahika ang buong kapaligiran sa pananabhik na dulot ng pinagkalayong pag-ibig.

Maria Clara: Kamusta ka, Crisostomo?

Crisostomo: mabuti nman ako. Napakasaya ko talaga’t nakabalik na ako dito sa Pilipinas.

Maria Clara: Talaga? Bakit naman.

Crisostomo: Kasi, mahal na mahal ko ang ating bayan at sa Europa’y hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kalungkutan.

Maria Clara: Aah. Hmm. Crisostomo, Sa Europa ba’y kailanman ay hindi ka tumingin sa ibang mga babae? Naaalala mo parin ba ako kahit pa ika’y malayo na sa akin.

Crisostomo: Uhh.. Oo naman noh, ni kailanman ay hindi ako tumingin s ibang babae at ni kailanman ay di kita nalimutan. Hinding hindi ko malilimutan ang isang nagagandahang dilag na nagligtas sa akin mula sa anumang panganib noong namatay ang aking ina.

Maria Clara: Haha, naaalala mo pa ba ng mamatay ang iyong ina?

Crisostomo: OO naman, anoh. At may isang babaeng matapang na hindi kailanman umalis sa tabi ko a nangako sa aking ina na kailanma’y hindi niya ako iiwanan.

Maria Clar: At naaalala mo rin ba ang mga paglalaro natin noon ng siklot, sintak at sungka? At ang mga pagkakataong tayo ay magaaway at magkakasundo rin agad.

Crisostomo: Aba, oo nman, anoh. Kung minsan nga, hindi ko maiwasan ang tumawa sa tuwing naaalala ko ang mga pagkakataong iyan noong tayo’ymga bata pa.

Maria Clara: Haayy. Alam mo ba, Crisostomo? Sa inaraw araw ngbuhay ko sa loob ng kumbento ay ikaw lamang ang laman ng isipan ko. Hindi ako nakikinig sa aking kompessor na nag-uutos na ika’y kalimutan ko na.

Crisostomo: Ikaw din ay di nawalay sa aking isipan, sa katunayan nga, itooh.

-ilalabas ang dahon ng sambalilo.

Maria Clara: Aba, natatago mo pa pala iyan?

Crisostomo: Oo naman. At iyon ay dahil sa mahal na mahal kita, Maria Clara.

Maria Clara: ako din naman, Crisostomo. Sa katunayan nga,naitatago ko pa rin ito.

Crisostomo: Ang sulat ng pamamaaalam ko..

Maria Clara(binabasa):

Mahal kong Maria Clara,

Labis akong nalulungkot sapagkat kailangan kong lumisan.

Ang sabi ng ama, higit na kailangan daw ako ng ating bayan.

Kaya’t kahit pa labag sa aking kalooban ay kailangan muna kita iwanan.

Ako’y magtutungo sa Europa upang makapag-aral.

Antayin mo ang aking pagbabalik, mahal ko. Tayo’y magsusumpaan pa sa harap ng altar na magsasama ngayon at magpakailanman.

Mahal na mahal kita, o irog ko.

At ika’y di mawawala sa aking puso kahit na ako’y nasan pa man.

Paalam, mahalko.

Magkikita tayo muli.

Crisostomo: Ikaw ang nagpalimot sakin na may tungkulin ako sa bayan.

Maria Clara: At sa—

Oh, ayos ka lang ba, Crisostomo? Ahh. Bakit mo naman nasabi ang mga iyon?

Crisostomo: Paumanhin, pagpasensiyahan mo na ako, Maria Clara.

Maria Clara: ayos lang iyon, Ibarra.

Crisostomo: Oh, bueno. Ako’y aalis na muna, Maria Clara.

Maria Clara: aalis ka na? Ngunit kararating mo palang dito.

Crisostomo: Paumanhin ngunit mayroon pa akong mga aasikasuhin, araw ng mga patay na kasi eh. Huwag kang mag-alala. Magkikita parin tayo muli.

Maria Clara: Oh, siya, sige.

Crisostomo: Paalam

(umiiyak)-naluluha si Maria Clar habang mag-isa.

Kapitan Tyago: Oh, anak ko.

Maria Clara: Ano po iyon ama?

Kapitan Tiyago: Ipagsindi mo ng dalawang kandila sa Ibarra para sa kanyang matiwasay na paglalkbay.

Maria Clara : Sige po, ama- magsisindi.

SCENE 6:

Narrator: At si Ibarra ay nagpabilis ng ragsa ng sasakyan sa kamaynilaan. Hindi niya maiwasang gunitain ang kalagayan ng Europa at ang kalagayan ng mahal nating Pilipinas. At sa isang sasakyan, nakita niyang nakasakay si Pari Damaso na nakakunot ang noo at tila mayroon na namang kaaway. Hindi siya nagkamali doon. Papunta si Pari Damaso sa bahay nina Kapitan Tyago.

Pari Damaso: Kapitan Tyago

Kapitan Tyago: Oh, Pari Damaso. Ano po ang dahilan at napadalaw kayo ngayon?

PAri Damaso: Kailangan nating magusap, Kapitan Tiyago

Kapitan Tyago: (yuyukod at magmamano kay pari damaso.) Ah, sige ho. Dumito muna tayo sa may upuan.

Pari Damaso: Sana ay maintindihan mo na ikaw ay isang makapangyarihang tao dito sa san diego. At dahil sa laganap ang kapangyarihan mo, nasa iyo ang panig at impluwensiya ng tao.

Kapitan Tyago: opo, batid ko po iyon.

Pari Damaso: Ayun naman pala eh. Sana’y patotohanan mo. Ano itong nalalaman ko na magpapakasal daw sina MariaClara at CRISOSTOMO IBARRA na iyon!?!

Kapitan Tiyago: Totoo po iyon, mga bata palang sila ay iniayos na namin ng kanilang mga magulang ang kanlanng pagpapakasal.

Pari damaso: Kung gayon eh para saan pa atako ang naging ninong ni maria clara? Hindi niyo rin pala pinapaalam sakin ang buhay ng aking inaanak! Hay, nakakadismaya!

Siguro naman at alam mo na kung ano ang hinihiling ko sa iyo. Hindi na sana nangyari ang ganito kung ikaw ay sumangguni muna sa akin. Ngunit pinili mo pang suportaahan ang Crisostomo Ibarra na iyon!

Bueno, ayoko nang maulit ang kabalbalang gaya niyan. At pagtiwalaan mo ang aking pagpapasiya.

Kapitan Tyago: Opo, Pari Damaso.

Pari Damaso: Paalam na.

Kapitan Tyago: Nalilito ata ako

(patayin ang kandila)

Narrator: Samantala, sa isang dako naman ng kumbento ng simbahan, nag-uusap ukol sa mga Indiyo ang dalawang mga prayle.

Prayleng sakitin: Magandang araw sa iyo, Pari Sibyla!

Pari Sibyla: Magandang araw din ho sa inyo. Naku, mukhang hirap na kayo sa ubo niyo ah. Nagpatingin na po ba kayo sa inyong kalusugan?

Prayle: aba, oo naman noh. At kagaya ng iniisip mo, malapit n nga akong mmatay. Sa tanda kong ito, ano pa ba ang itatagal ko sa operasyon? At siguro’y kabayaran narin ito sa dami ng taong aking pinahirapan.

Pari Sibyla: Naku, wag naman ho kayo magsalita ng ganyan.

Prayle: Bakit hindi, totoo naman ang lahat ng iyon.

Pari Sibyla: alam niyo ho ba, namomroblema na tayo sa mga Indiyo. Sa hinaba haba ng panahon ay namulat narin ang mga mata nila.

Nakikita na nila na sila’y ginagamit lamang natin.

Namumulat na sila sa katotohanan na inaabuso natin sila.

Prayle: Nako, hindi maganda iyan. Ang ibig sabihin lamang niyaon ay mawawala na ang paniniwala nila sa atin. At dail dun, mawawala na ang kapangyarihan ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nako, hindi maganda ito. Nagsisimula silang kutyain tayo.

Pari Sibyla: Opo, talagang nanganganib ang kapangyarihan natin

Oh, siya, aalis na po muna ako. Salamat po sa oras ninyo

Prayle: Oh, sige. Salamat din.=)

SCENE:

Narrator: Kapansin- pansin ang pag-aalala ng mga prayle para sa San Diego. Mahiwaga ang kasaysayan ng bayan na ito. Pag-aari ng mga Ibarra at ang kapangyarihan ay pinamumunuan ng mga kura at ng alperes.

Isang kaibang tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagbibigay ng higit na importansya para sa araw ng mga patay.

At sa sementeryo, May dalawang tagapaglibing na naglilbing ng bangkay.

1- Hindi ka ba natatakot noong hinukay mo yung bangkay?

2- Paanong hindi? Nanginginig na nga ako sa takot, eh!

1- Bakit kasi kailangan mo pang hukayin ang bangkay na iyan?

2- Siyempre, pag-uutos ng mga prayle, eh! Ikamamatay ko siguro kapagka hindi ko siya sinunod.

1- At pagkatapos noon, anong ginawa mo sa bangkay, Berto?

2- Ang sabi nung matabang prayle, ilibing ko daw sa lbingan ng mga Intsik na ginawa ko naman.

1- Ginawa mo iyon?

2- Hay nako, manahimik ka na nga lang diyaan, ituloy mo nalang ang paghuhukay. Kundi malamang ay mauubusan tayo ng oras.

SCENE:

Narrator: At dahil sa araw ng mga patay, bumisita si Ibarra sa sementeryo.

Crisostomo Ibarra(sa mga tao): Magandang araw ho, alamniyo po ba kung saan ko matatagpuan ang libingan ng ama ko?

TAO- OO naman senorito, Nilagayan ko ng malaking krus iyon para maging marka ng kanyang libingan.

Crisostomo: Nasaan ba ang libingan ng ama ko? akala ko ho ba alam niyo kung saan nakalibing ang aking ama?

TAO- Hindi ko nga rin po maintindihan kung bakit nawala ang bangkay ng iyong ama.

Teka! (tuturo sa hinukayan) Kung hindi ho ako nagkakamali ay doon siya inilibing!

Crisostomo: Ngayon ay bakit hinukay??! Teka, baka alam nung mga tagapaglibing na mga iyon. Sst, sst, BOY! Halika muna dito!

TAO- alam mo ba kung anong nangyari sa bangkay ni Don Rafael?

Berto- aaah, ayun ba, nasunog po.

TAO- sabihin mo nga sakin kung ano talaga ang nangyari.

Berto- Inutos sakin nung matabang pari na hukayin iyon!

Crisostomo: Nasaan ang katawan niya.

Berto- ang sabi sa akin ni—Pari Garrote ata iyon, hukayin ko daw at dalhin sa libingan ng mga Intsik. Mga ilang buwan na rin ang nakakaraan.

CRISOSTOMO: at sinunod mo naman siya??

Berto: hindi po, umuulan po kasi noon, tapos mabigat pa yung bangkay kaya tinapon ko sa lawa ang bangkay.

SCENE 9:

Narrator: Nabuo ang galit sa puso ni Ibarra kaya siya’y malungkot na tumalikod at umalis. Samantala, nakasalubong naman niya si Pari Salvi.

(naglalakad)-Nakita si PS.

CRISOSTOMO: IKAW! Anong ginawa mo sa ama ko (matensyon na yan!)

PS: HA? Wala akong ginagawa sa ama mo?

C: kung hindi ikaw ang prayleng nagpahukay sa kanya, sino? SINO?! Sabihin mo sakin??

P-OO, oo na! Si pari Damaso. Siya! Siya ang nagpahukay!

CRISOSTOMO: Walang hiya!

(ibabagsak lang si P. Salvi at may lalapit na sakristan)

Narator: Nang makauwi na si Ibarra, hindi niya napigilan ang umiyak. At dahil sa paghihinagpis, nanatili lang ito sa loob ng bahay.

SCENE 10:

At sa taas naman ng simbahan sa san diego, ang magkapatid na sina crispin at basilio ay nagtutunog ng kampana.

BASILIO: Tama na yan, crispin, mamahinga muna tayo

CRISPIN: Kapatid, isang pagtunog nalang kundi mapapagalitan na naman tayo ng sakristan- mayor.

(naupo ang dalawa panandalian) hayy

CRISPIN: Basilio, magkano ba ang kikitain mo ngayong buwan?

BASILIO: Ba’t mo natanong?

CRISPIN: Ikaw na sana ang pagbabayarin ko dun sa pera na inakusa nilang ninakaw ko.

BASILIO: Hindi pupwede, Crispin, sa dalawang beses na napagaitan ako, wala na akong kkitahin kundi dalawang piso. Tsaka, sinabi ng mga prayle, ang presyo nung ginto na inakusang ninakaw mo ay mga tatlumpu’t dalawang piso.

CRISPIN: ngunit hindi naman ako nagnakaw eh! Pag nalaman ni inay ang tungkol dito, panguradong magagalit siya!

Hay, bakit ba ganito nalang palagi ang buhay natin!?!

BASILIO: wag ka na umiyak, crispin! Kahit pa anong mangyari, ipaubaya na natin sa Diyos, maging matatag ka at wag ka mawawalan ng pag-asa.

Narrator: at dumating ang sakristan- mayor at nakita silang nagpaphinga.

SM- Basilio, dahil sa hindi mo naipatunog ang kampana sa tamang oras, babawasan kita ng dalawang reales. At ikaw, crispin! Hindi ka pupwedeng umuwi hangga’t hindi mo ibinabalik ang perang ninakaw mo, naintindihan mo iyon?!

CRISPIN: ngunit hindi naman ho ako nagnakaw, eh!

SM- Anak ng sinungaling!

(sasampalin!)

BASILIO- etong sayO! (sinubukang lumaban pero natumba at nadapa sa lubid kaya nakatakas)

SCENE 11:

Narrator: at sa kanilang tahanan, nagaantay ang kanilang magiting na ina para sa pag- uwi ng kanyang mga anak. Nagluto ito ng mga masasarap na putahe para sa kanyang mga anak.

SISA: Naku, siguradong matutuwa ang mga anak ko sa inihaw na tawilis! Matagal ko na silang di nakikita, nasaan na kaya sila? Bakit hindi pa sila nakakauwi.

(knock, knock, knock). Ay, nandiyan na ata, PASOK!

ASAWA: kakain ako, tabi diyan!

SISA- pero—aah.. ay, sige!

ASAWA: nakakainis, talo na naman ako sa sabong! Naubos na nga ang pera natin at lahat lahat bihira parin ako manalo! Bwiset!..

SISA- dapat kasi ay hindi ka nalang nagsasabong.

ASAWA: Nasan nga ba ang mga anak mo??

SISA(magiliw): Ang mga anak natin?!! Hindi ko alam eh, Siguro ay pauwi na siya ngayon.

ASAWA: Hay, tapos na ko (aalis, kukunin yung manok)

SISA- hindi mo ba aantayin ang iyong mga anaK?

(alis na, pagbabagsakan ng pintuan)

ASAWA: Ipagtabi mo ako ng piso, aH!

SISA- hay, hindi nalang ako kakain. DI na kasya itong pagkain para sa tatlo, eh!

Nasaan na ba sila?? Mahaba- haba din ang lalakarin ng mga iyon kaya siguradong gutom sila! =)

(dagundong ng pinto)

BASILIO: INay!, Inay!, Inay! Buksan niyo tong pinto, Inay! NANAY, NANAY!!

SISA: Anong nangyari,anak ko??

BASILIO(hinihingal…)

Narrator: Ano na kaya ang mangyayari kay Crispin? Papaano tatanggapin ni sis ang masamang sinapit ng kanyang anak na si Crispin? Ano pa ba ang mga mangyayari sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa Pilipinas?

ABANGAN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA.

http://iyaflieslikeabutterfly.wordpress.com

60 komento:

  1. pwede po bang pagamit ng script na to para po sa play nmen??

    TumugonBurahin
  2. Mga Tugon
    1. Ano po ba ang susunod na kabanata sir kasi Mag rollplay po kami nito pwedi po bang gamitin itong script mo?

      Burahin
    2. Permission to use this script po para sa final Namin Salamat po

      Burahin
  3. pagamit na din po ng script nyu ahh..

    TumugonBurahin
  4. Lahat po ng kailangan na pwede nyong magamit sa pag aaral ay pwede pong gamitin. Pwede po ang copy paste and print. Para sa mga mag aaral ang blog na'to.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat po.. Gagamitin po namin ito para sa movie filmna gagawin po namin..

      Burahin
    2. Salamat po.. Gagamitin po namin ito para sa movie filmna gagawin po namin..

      Burahin
    3. Salamat po.. Gagamitin po namin ito para sa movie filmna gagawin po namin..

      Burahin
  5. pwede po bang pagamit din? salamat :)

    TumugonBurahin
  6. Pagamit din po ng ginawang niyong script para sa palabas po namin sa school. Salamat po ng marami.

    TumugonBurahin
  7. Pagamit din po..maraming salamat

    TumugonBurahin
  8. meron po bang kabanata 35-39???
    pwede po ba kayong gumawa???
    PLEASE?????

    TumugonBurahin
  9. Pwede po pagamit po nito para sa school play po namin maraming salamat po sa inyo

    TumugonBurahin
  10. Pwede po ba namin tong hiramin para sa aming project? Salamat po.

    TumugonBurahin
  11. Sa mga mag-aaral,

    Lahat ng post ditto ay pwede ninyong gamitin sa pag aaral, iyan ang dahilan kaya ginawa ko ang blog na ito . Naway makatulong ito sa inyo

    bokals(author)

    TumugonBurahin
  12. hello po :) pwede pong gamitin ang script ninyo? kailangan po kasi namin sa school para sa presentation namin sa noli me tangere .. pls reply po . maraming salamat po :D

    TumugonBurahin
  13. pwede po kahit aling paksa, wala pong problema - bokals(author

    TumugonBurahin
  14. wala na po ba kayung script sa kabanta 17 hanggang 49??

    TumugonBurahin
  15. meron po ba kayong script para sa kabanata 22? plss po..thank you po

    TumugonBurahin
  16. pwede pong gamitin ang script ninyo? kailangan po kasi namin sa school para sa presentation namin sa noli me tangere>thanks

    TumugonBurahin
  17. additional din po pala...pati na rin po hanggang kaatupsn kung ok lang po.thanks

    TumugonBurahin
  18. pano po ba malalaman kung ibang kabanata na po yung susunod sa scene po ba?

    TumugonBurahin
  19. pwede po bang paggamit para lang po sa play namin para sa buwan ng wika...?

    TumugonBurahin
  20. Pwede po bang gamitin ko rin to para sa dramatization namin? Maraming salamat po

    TumugonBurahin
  21. salamat po dito sa script na ito.

    TumugonBurahin
  22. Pwede po bang magamit ko po yung script niyo? Kailangan lang po kasi para magawa namin yung role play namin ng noli me tangere. Salamat po :) Ang laki po ng matutulong nito :)

    TumugonBurahin
  23. pede po ba namin gamitin tung iskrip niyo para sa role play namin.. thank you po :D

    TumugonBurahin
  24. Pwede po ba naming gamitin ang script na ito?? PLease!!!

    TumugonBurahin
  25. pahiram poh nito huh :D

    TumugonBurahin
  26. Pahiram po nito salamat po ng Marami :)

    TumugonBurahin
  27. thank you very much... to huge contributing in the role play of noli me tangere in filipino 9..... (: (: (: (: (: (:

    TumugonBurahin
  28. Meron po kayong script para sa kabanata 22-42?
    pa link naman po thankies :)

    TumugonBurahin
  29. Can we borrow the whole script
    if you do, THANK YOU .!!!
    We owe yoou alot.

    TumugonBurahin
  30. yung link po ng mga susunod na kabanata pwede po ba ishare? seminarian po :) #Grade 10

    TumugonBurahin
  31. hanggang saan po dyan yung kabanata 1-13 kac po need po namin plz poh.,....

    TumugonBurahin
  32. may 1-64 na kabanata na scrip nito ate ? plz. paki reply

    TumugonBurahin
  33. Kabanata 1-10 napo ba to?Tyaka po pwede kopo ba magamit to,para sa project namen sa Pilipino?Salamat po.

    TumugonBurahin
  34. maraming salamat po nakatulong ito po ng sobra

    TumugonBurahin
  35. Pahiram po ng iskrip na ito. Thank you po.

    TumugonBurahin
  36. Pahiram po ng script gagamitin po namin salamat po

    TumugonBurahin
  37. kumpleto po ba to hanggang kabanata 1-13?? pwede po pahiram?? need lng po talaga

    TumugonBurahin
  38. Pede po bang pagamit ng script nyo. Big help talaga ito thank you po!

    TumugonBurahin
  39. hanggang kabanata 16 na po ba to??

    TumugonBurahin
  40. Pwede pong makahingi pa ng script ni maria clara kelangan lang po para sa subject namen sa filipino.Thankyou

    TumugonBurahin
  41. Pagamit rin po..... para po sa performance task namin..... salamat po

    TumugonBurahin
  42. Pagamit po para sa project thank youuuu

    TumugonBurahin
  43. Pwede po bang hiramin namin ang script na to para sa project namin. Salamat! Ito ay isang napakalaking tulong na po ito para sa mga mag-aaral kagaya namin!

    TumugonBurahin
  44. can i use this script for our play?

    TumugonBurahin
  45. use script po

    TumugonBurahin
  46. Pagamit rin po..... para po sa midterm output po namin. salamat po.

    TumugonBurahin
  47. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  48. Maaari po bang gamitin ang script ninyo? Salamat po.

    TumugonBurahin
  49. Maaari po bang magamit ang inyong script po .salamat po..

    TumugonBurahin