Lunes, Pebrero 27, 2012

Marla Carla

"Marla Carla"

Mga tauhan:
Carla Humangin- yaya ng pamilya Crisanto.
Marla Crisanto- Isang mayamang mayabang. Mapangmaliit.
Mrs. Crisanto/ Mommy- Mabait na amo.
Mr. Crisanto/ Daddy- May secreto tungkol sa nawawalang anak. Mabait na ama.
Mga yaya/ katulong
Hardinero
Doktor
Nars


Pumasok si Carla sa stage... umupo sa upuan.
Ako ay nakatira sa malaking bahay....
Pumasok si Marla
Marla: Carla asan ka ba? Maghahanda ka pa sa noche Buena natin bukas.
Carla: ma’am nandyan na po.... Nakikitira lang pala sa malaking bahay ng kwago...
Marla: o, sya, pumunta ka na sa palengke at bumili ka ng maraming fried chicken....
Carla: opo ma’am
Lumabas si carla
Ibang mga katulong pumasok.
Marla: hay naku! Kung hindi lang siya napamahal kay mommy matagal ko na siyang pinalayas!
Yaya 2: tama yan ma’am. Dapat na yan ipalayas dito sa pamamahay nyo! Grabe syang mang echos!
Marla: tumahimik ka girl ha.... Echosera!
Yaya 2: ayy meganon?
Marla: ay, wala. Hali ka na nga.
-Lumabas ang katulong (yaya 2) at si Marla
-Pumasok ang mag-asawa
Daddy: habang lumalaki sya, lamalaki ang ulo.
Mommy: hindi naman ah. Ang liit-liit na nyan. Baka dumadaan lang sa puberty .
Trrrrrriiiiiinnnnnnggggg....
Daddy: hello? Ahh, oo, ako nga.... Ano? ?? ANAK KO SI.......?
Nahimatay ang daddy....
Mommy: Walang hiya ka! Sinong anak? Tinulugan mo nalang ako! tulong! Ang daddy natulog!
Nagmamadaling pumasok sa stage si yaya 3
Yaya 3: ma’am, ayaw kabalaka ma’am! Natulog lang si sir diba?
Mommy: oo nga, pero sino ang mag dadala sa kanya sa kwarto?
Yaya 3: Inday, Juana! Tulungan mo kami dito!
-Nagmamadaling pumasok si yaya 2 at 5
Yaya 2: ang bigat mo sir! Daig mo pa ang baka!
Yaya 5: Double dead ba ito?
Mommy: bilis! Nasobrahan siguro sya nang pampatulog. Humanda ka dad!
-Lumabas sa stage sila lahat
-Pumasok si Carla
Carla: ma’am? Nandito na po ang hilaw na fried chicken!
-Pumasok si Marla sa stage
Marla: Yaya, anu to? Basura?
Carla: ma’am hindi po, fried chicken nyo po.
Marla: ayoko nyan!
Carla: pero....
Marla: Ayoko nga sabi....
Tinapon ni Marla ang manok sa sahig...
Carla: ma’am wag po!
Pumasok ang ibang mga katulong
Marla: isa ka pa!
Nilagay ni Marla ang mukha ni Carla sa chicken
Marla: magsama kayo! Ngayon, bilhan mo ulit ako ng chicken!
Yaya 4: masarap ba?
Carla: Sumosobra ka na!
(nagaway si Carla at marla, inawat ito ng mga yaya)
Marla: O, lalaban ka pa? Umalis ka na nga!
Carla: opo ma’am.
Lumabas na luhaan si Carla
Marla at ibang mga yaya: hahahahaha
Lumabas sila lahat sa stage

Pumasok si mommy
Mommy: Hay naku! Dapat magising na si daddy! May kabit pala siya ha? Humanda sya.
Mga yaya nakikinig/nakikichismis sa sinasabi ng amo(mommy)
Mommy: hay nandyan nanaman kayo! Mga chismosa!
Umalis ang mga yaya
Mabilis pumasok si Marla sa stage
Marla: Mommy?! Ano ang sinasabi ni yaya na may kapatid ako? Totoo po ba yon?
Pumasok si yaya 5
Yaya 5: may kabit pa nga eh..
Mommy: Tumahimik ka Juana! Hindi ko pa talaga alam anak. Hindi pa maliwanag ang lahat sa akin. Hintayin nalang natin ang iyong daddy na magising.
Trrrrrrriiiiiinnnnggggggg.......
Mommy: hello?
Tao: kayo po ba si Mrs. Crisanto?
Mommy: oho, bakit ho?
Tao: na-aksidente po kasi si Carla Humangin.
Mommy: ano? Si Carla, na-aksidente?
Tumakbo papunta sa stage si daddy
Daddy: ano?
Mahihimatay nanaman sana
Yaya 5: wag na po sir! Ang bigat nyo!
Daddy: o sige.
Mommy: dad ano tong narinig ko kanina? May anak ka sa iba?!
Daddy: hindi, iba ang iyong naiisip. Si Carla ang ating tunay na anak!
Marla: what? Paano? Paano ako?(umiiyak)
Daddy: mamaya na natin iyan pag-usapan. Puntahan muna natin si Carla!
Umalis agad sila lahat
----------------------------
Bumalik na sila
Mommy: mabuti na ba ang iyong pakiramdam anak?
Carla: anak?
Daddy: ikaw ang nawawala naming anak Carla.
Carla: talaga po? Pero....
Mommy: Pero ano anak?
Carla: May pamilya na po ako. Mas Masaya ako duon. Wala pang mananakit sa’kin. Aalis na po ako.
Marla: Hindi ako makakapaniwala sa sasabihun ko pero, Ate, patawad po. Alam ko na nagging malupit ako sa’yo. Pero, ipinapangako ko, magiging mabait na ako.
Carla: Talaga? Sana sa ibang tao rin hindi lang sa akin.
Marla: opo ate. Titingnan ko po. Hwag ka po umalis.
Carla: O sige hindi na ako aalis. Pinapatawad na kita Marla.
Mommy: mga dalaga ko!
Yaya 2: 3,.....2,....1,..... MALIGAYANG PASKO!!!!
Yaya 3: Pista na!!!!!!!!!!!!!
Carla: wait isali nyo ‘tong chicken na isinalba ko.
Pumasok ang doktor at nars
Doktor: It’s showtime!
Yaya 4: Uyy, Gwapo!
Daddy: dok, nakabayad na kami diba? Bakit ka pa nandito.
Doctor: inimbita kasi ako ni yaya eh.
Mommy: may nars pa?
Nars: para kung tumaas ang inyong dugo, nandito lang ako!
Marla: kainan na!
Mommy: nagmamadali ka anak?
Daddy: alam mo naman basta fried chicken, go lang sya ng go!
Mag-asawa tumingin sa isa’t-isa
Hardinero: lets party party!
Kumain ang lahat kasalo pati ang mga katulong
Yaya 4: sayang naman, naputulan ng paa ang manok.
nagpaputok
At magmula noon nabuhay na kami ng matiwasay
----------------------------tilon-----------------------------------

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento