Lunes, Oktubre 25, 2010

Kabanata 62

Kabanata 62
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso


Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.

Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento