Lunes, Oktubre 25, 2010

Kabanata 56

Kabanata 56
Ang mga Sabi at Kuro-kuro


Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento