Lunes, Oktubre 25, 2010

Kabanata 52

Kabanata 52
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino


Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.

Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na “Mabuhay Don Crisostomo”! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan.

Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.

Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento