Kabanata 50
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.
Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.
Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento