Martes, Oktubre 26, 2010

Kabanata 30

Kabanata 30
Sa Simbahan


Siksikan ang mga taong nagsimba sa oras na yaon. Lahat ay nagsasawsaw sa agua bendita. Ang bayad sa sermon ay P 250. Ito ay katumbas ng tatlong bahaging ibinayad sa komedya na magtatanghal ng tatlong gabi. Ang mga tao ay naniniwala na pag sila nakinig sa sermon ay pupunta sila sa langit. Habang pag sila ay nanood ng komedya, ang kaluluwa nila ay mapupunta sa impyerno.

Hindi pa makapagsimula ang misa dahil hinihintay ang alkalde. Dahil sa dami ng tao, masyadong mainit sa loob ng simbahan. Ang mga babae ay walang humpay na nagpapaypay ng abaniko, ang mga lalaki naman ay ginamit ang kanilang mga sombrero at panyo.

Ang mga bata ay nagsisigawan at nag-iiyakan habang ang iba ay inaantok. Dumating ang alkalde. Ang suot niya ay may limang medalya at banda ng haring Carlos. Ang tingin sa kaniya ng mga tao ay isang guardiya sibil.

Nagsimula nang pagmimisa ni Pari Damaso. Dalawang sakristan ang nangunguna sa kaniya at isang prayleng may hawak na kuwaderno

Kasama niya si Pari Sybila na umakyat sa pulpito. Sinulyapan niya nang may palibak ang nagsemong nauna na si Pari Marti na parang sinasabing mas magaling siya rito.
Pinabuksan niya sa kasamang prayle ang kuwadernong naglalaman ng kaniyang isesermon.

1 komento: