Ano ang Epiko
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong
inaawit.
Katangiang Pampanitikan:
Ang mga
epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa
bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluranin na epiko.
Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:
Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:
1. Ang
paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
2. Mga
inuulit na salita o parirala
3. Mala-talata
na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
4. Kasaganaan
ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan
(halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp).
5. Kadalasang
umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang
nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o
magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
Kahalagahan sa kultura
Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
a. katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
b. mga supernatural na gawa ng bayani
c. pag-ibig at romansa
d. panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
e. kamatayan at pagkabuhay
f. pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
g. kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
h. mga ritwal at kaugalian
i. ugnayan ng magkakapamilya
Ang Lalaking Bayani - Sa pagbabasa ng
mga epiko, agad na makikita ang mga katangian ng isang bayani. Karamihan sa
kanyang mga katangian ay maiuuri sa alin man sa sumusunod: pisikal, sosyal, at
supernatural. Maaari ring isama ang kanyang intelektwal at moral na
katangian.
Ang Pangunahing Babaeng Karakter - Ang
pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o
maaari rin namang tinutukoy dito ang kanyang ina.
Sanggunian:
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Epiko
Sanggunian:
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Epiko
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento