Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming
teorya ng iba't ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan
talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon
ay wala pa ring katiyakan ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito.
Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili pa ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng
mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang
iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba.
May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa
isa't isa. Narito ang iba't ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng
Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng
Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng
pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
Bow-wow
Ayon sa teoryang ito,
maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan
nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil
ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na
nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang
magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t
ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa
sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa
Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow,
nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng
tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang
tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag
din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita
ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga
ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa
sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay
napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa?
Ng sarap? Ng takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng
linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha
rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang
nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao
ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng
aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa
posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga
proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang
ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular
na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang
isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas
katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si
Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,
panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa
iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh.
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng
tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga
tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!).
Tinatawag din itong teoryang kontak.
Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay
nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang
ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid,
taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga
matatanda.
Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw
ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao,
sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan
ay naging pangalan ng mga iyon.
Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang
pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng
mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan
ay naging pangalan ng bawat hayop.
Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa
teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng
mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga
ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
La-la
Mga pwersang may kinalaman sa
romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang
tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa
pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa
nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal
na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika
raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito
na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang
wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga
naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother
ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano,
una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang
hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa
kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang
wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't
ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Plato
Nalikha ang wika bunga
ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang
ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao
ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.
Jose Rizal
Kung lahat ng likas na
bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala ang
pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang
tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the
weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan
niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat
na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad
dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makalikha ng iba’t ibang wika.
Wikang Aramean
Believes that all
languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May
paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng
mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at
Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
Haring Psammatichos
Sinasabi sa
paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si
Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol
siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat
makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng
"Bekos" ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling
sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan
ng teoryang ito.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto?
Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito, mga haka-haka
lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay
tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may
sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating
paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa
pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
nc 1 kfc, nc1
TumugonBurahin:))
TumugonBurahinPiling ko may kulang :/
TumugonBurahinwew. nmn nyan
TumugonBurahin@anonymous- Piling ko may kulang :/
TumugonBurahinpaki dagdag na lang po kung may kulang. Ito po ay isang sanggunian at gabay lamang.
Teoryang tara-ra boom de ay - mga ritwal, pagsamba
TumugonBurahinhal. Ati-atihan, Sinulog, etc.
Mema kaaa!
Burahinthanksssssssssssss............
TumugonBurahinat ung mga meaning po mali mali bugok naman po yan
TumugonBurahinThank you po.. It's a Great Help..really!!! (:
TumugonBurahinsaang source po nyo yan nakuha??
TumugonBurahinthank you ..
TumugonBurahintotoo ba yan?!
TumugonBurahincguro :)
TumugonBurahinpare-parehas naman ang meaning ng kahariang ehipto kahit saang website na magpunta!!
TumugonBurahinbakit ganun sabi ng prof ko 5 lang daw ang teorya ng wika bakit ang dami -_-
TumugonBurahinAt first parang mali pero i search at different sites. Pare-pareho lang lumalabas and mas complete dito. It's a great help. Thank you! :)
TumugonBurahinwlang teoryang mama
TumugonBurahintama po ba ito?
TumugonBurahinAmhf! Confident ako sa tore ng babel,that was founded also in the Bible book of exodus yata? Thanks sa gabay!
TumugonBurahinGenesis pala,sorry!
TumugonBurahincopmpleto ba to?
TumugonBurahinthanks my assignment is done :-)
TumugonBurahinmay kwento po ba ang mga teoryang ito???? yon po kasi ang hinahanap namin ehhhhh!!!!
TumugonBurahinwoah ! watta great help ! kulang pako sa biblical theory pero okay nato ! salamat ! :D jc
TumugonBurahinKamsahamnida.^.^..it helps me a lot..=)..
TumugonBurahin_hAnNa.<3
iba iba ung teoryang lumalabas??
TumugonBurahinpero it helps me a lot ...
:)
-- parang may kulang ,pero malaking tulong narin ito sa assignment ko :))
TumugonBurahinHindi ako satisfied sa mga meaning. I want more definitions and elaborate it. But well it help me in doing my assignment. Thanks :)
TumugonBurahinNatapos ko ng aking takdang-aralin dahil dito sa iyong inihandog at ibinahaging kaalaman sa aming lahat. Lubos akong nagpapsalamat sa iyo at maayos kong naisagawa ang nararapat kong gawin.
TumugonBurahintnxxx..nadagdagan ang kulang ng assignment ko...tnx talaga....
TumugonBurahinlol!!
TumugonBurahinSOBRANG THANK YOU PO!
nung first nagdududa ako kung meron bang Teoryang Bow-Wow pero nung tiningnan ko...AYUN! Meron pala xD
TROLOLOL :)))
thanks a lot :)
TumugonBurahinlahat po ba yan ang teorya o yung may teorya lang ??
TumugonBurahinthank you . it helps a lot
TumugonBurahinang daming kulang!
TumugonBurahinwee... may kulang pa? sigi nga sabihin mo kung ano...
TumugonBurahinthank u very much ds is very helpful in my college filipino subject tnx
TumugonBurahinmay mga teorya na hindi masyadong naiintindihan-hindi malinaw ang pagkasulat. paki-chek naman. anyway, thanks na rin sa ibang teorya!
TumugonBurahinSana, makakapasa ako sa Filipino quiz ko bukas. Magrereview ako ng mabuti ngayon!!!!
TumugonBurahinhmmm...tnx....!
TumugonBurahinThanks! God bless :)
TumugonBurahincan u help me about my assignment we make a portfolio about this IBOUD ANG BAWAT BINASANG ARTIKULO AT MAGBIGAY NG SARILING HALIMBAWA PARA SA BAWAT TEORYA TUNGKULIN AT BARAYTI
TumugonBurahinyung kay rene descartes, paniniwala ng mga siyentipiko at eksperimento ni haring semantikus..yun po yung kulang. --- Melay (^_^)
TumugonBurahinwala bang further explanation ng yo-he-ho?
TumugonBurahinwala ang divine theory o teorya ng paglalang
TumugonBurahinAno ba ang divine theory o teorya ng paglalang. paki explain. love u
TumugonBurahindba 15 yan
TumugonBurahinparang nakakaduda naman po mga sagot na lumabas dto.. pero salamat pa dn:D
TumugonBurahin15 po lahat ng Teorya ng Wika.
TumugonBurahinMay mga mali po dito. It's an unreliable source.
TumugonBurahinTulad po ng sinabi ko sa ibang comments, Ito po gabay lamang para inyo, kung meron man na mali, kayo din po ay pwedeng mag bahagi ng inyong nalalaman kung ito man ay tama. Tulong tulong po tayo para sa ikatututo ng mga mag-aaral. (bokals)
TumugonBurahinThank you but I think the theory of bible is the great answer.. thank you :)
TumugonBurahinwag na kasing mag away if may mali o wala.
TumugonBurahinang importante meron....buti na meron gumawa nito
kaysa sa wala.
Totoo ba yan?
TumugonBurahinGreat help. Don't need to search for more. Thanks :))
TumugonBurahinThanks :*
TumugonBurahinSalamat. Pwede pong mga halimbawa pa?
TumugonBurahinkaka antok sana eh,kaya lng kaylangan talagang gumawa,anyway thanks a lot!!im already done doing my assignment:))
TumugonBurahinTHANK YOU PO :))
TumugonBurahinHello there. thanks po para dito.. eto po ang reeport ko :( may alam ba kayo kung saan ko pedeng mabasa ang istorya ng TORE NG BABEL? kailangan ko po ng Tulong niyo .. salamat po
TumugonBurahinnakasulat naman kung saan yong tore ng babel. Genesis kab. 11:1-8
TumugonBurahinNaappreciate ko po tong site na to dahil kahit may kulang man ay naging gabay ito sa akin.Kaya nagpapasalamat ako sa MgA bumuo ng site na to ,atleast it gives us idea about the theories of where the Language comes from na kung saan makakatulong ito para makasunod sa lessons.THANK U
TumugonBurahinthank u...:)
TumugonBurahinyan ba tlaga un????/
TumugonBurahinThanks for sharing your knowledge . It helps a lot. :))
TumugonBurahinthank you po:>
TumugonBurahinParang mali ung iba pati bat parang andami nmn ata
TumugonBurahinay sa wakas nahanap din!
TumugonBurahinSo Helpful Thank you.. Sana tama baka mapahiya ako pag nireport ko :3 Tama to ah :D
TumugonBurahinThanK's a lo it helps me to accomplished my assignment :)
TumugonBurahinba't and dami.. -__________________-
TumugonBurahinit says a lot of theories,......................
TumugonBurahinsome are basically based,and most of it are just only a thoughts that usually came from our minds.People are just sometimes thinking a lot that is why we were all affected by those...............
in some cases i wonder,,,,if how would it be???????????theories are good and at least it gives us thoughts to think.......................
Complete man to o Hindi thank you pa run po at least may sagot sa assignment.
TumugonBurahinThank you po.
this is not complete, I think, there are still three theories that has been formulated. the Innative Theory, Behaviorist and Cognitive.. and in the present, there will be more and more theories to be made..
TumugonBurahini like this page; this is a big help in doing my homework but for me all the theories that have been posted here are merely speculative and may not be true at all
TumugonBurahinpwede bang ilahad nyo na rin yung source kasi di rin ako sigurado,. thank you
TumugonBurahintotoo yan ...
TumugonBurahinok to aaaaaah pwd na to >.>>>>salamat pala>>>.
TumugonBurahintararabum diay !!!! yes yes yohhhh
TumugonBurahinI don't like this because it's not well informative so...
TumugonBurahinbat ang daming kulang ? ano bayan !!
TumugonBurahinok na to pero po may kulang T_T
TumugonBurahinano tlga yung tiyak na kaibahan ng ta-ta at yum-yum?
TumugonBurahinAhh ok. Mas Confident ako sa Bible kesa sa iba. kc ang Bible is God's Word kaya dun ako sa Tore ng Babel.... ;-)
TumugonBurahinthank you,,,,god bless...
TumugonBurahinWALA PO BANG EXAMPLE ANG EACH THEORY?
TumugonBurahinandami..
TumugonBurahintumatak sakin ung yum-yum :P
pati ba naman TEORYA NG MGA WIKA may feelings?
TumugonBurahin#POOH-POOH
thanks mga parrrr natapos ko hahaha ang dami _-_ pinili ko kay charles darwin hehehe siat eh hahaha
TumugonBurahinLahat na pla ng teorya nandito
TumugonBurahinWalang Pentekostes
TumugonBurahinobet
TumugonBurahinAndami haha
TumugonBurahinonti lang yung mga napagaralan namin dito yun pala sobrang dami BTW thanks sa information makakatulong talaga ito sa akin... :)
TumugonBurahinwoaah!
TumugonBurahinano po ung bumubuo sa wika??
TumugonBurahinasap po tnx
asap po plss
TumugonBurahinwala po ba ng mga taon kung ano yung pagbabago ng wika??
TumugonBurahinsir "bokals" may i borrow the information for my reasearch. Is it ok?
TumugonBurahinTARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
TumugonBurahinTARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
TARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
TARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
TARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
TARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
TARA-RA-BOOM-DE-AY!!!!!!!!!!!!!
kailangan ko talaga ng tamang sagot or complete or something...tama ba talaga to?????
TumugonBurahinKung alanganin po or di kayo sure dito? Advise ko mas ok punta kayo sa national library. Dunn sigurado dahil libro mismo magsasabi sayo. Kung may time lang kayo.
TumugonBurahinTama, Kasi more on sa enternet ngyun, summarize so, if Kelangan Ng addtional information,it's better to go in library
BurahinLahat po ng impormasyon dito ay galing sa open sources, ibig sabihin ay nahahanap ng libre lamang maging ito man ay sa internet o sa mga libro. Ginawa po ang blog upang maging GABAY lamang at hindi para maging nag iisang solusyon sa mga takdang aralin at pananaliksik. Pwede ko pong burahin ang blog dahil wala naman akong responsabilidad dahil hindi naman ako isang guro, nais ko lang na makatulong sa mga mag aaral upang mapadali ang kanilang mga gawain.
Burahintiga lcs ako
TumugonBurahinNot a reliable source.
TumugonBurahinPwede po bang malaman kung saang bansa nagmula Ang MGA salitang sumusunod; bibig, Daan, bathala, hikaw, dahan-dahan, abante, palayok, Sinta, Katol, sarap.
TumugonBurahingling sa langit yan
Burahinandyan ka nanaman bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag, nadarang nanaman sayong apoy
TumugonBurahinBakit ba laging hinahayaan
BurahinAndiyan ka na naman
Ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag
Nadarang na naman sayong apoy
Handang masaktan kung kinakailangan
Ang galing
TumugonBurahinPwede magtanong kung ano ang Goo-Goo theory ?
Burahinbay walay references ani??????
TumugonBurahin