Sabado, Setyembre 4, 2010

Si Juan at ang mga Alimango

Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

29 (na) komento:

  1. ganda!!!!!!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  2. nakakatawa!!!!!!!!hahaha









    TumugonBurahin
  3. it is beautiful story!!!i love it.

    TumugonBurahin
  4. ganda ang bobo ni juan hahaha

    TumugonBurahin
  5. Bobo naman ni Juan

    TumugonBurahin
  6. Stupidity strikes yet there's a lesson in it.

    TumugonBurahin
  7. huwag tularan si Juan.

    TumugonBurahin










  8. Aahh! Ganoon pala ang nangyari!
    (grabe! luko si Juan)

    TumugonBurahin
  9. may natutunan ako sa kwentong yan....;,;,;,;;;;

    TumugonBurahin
  10. Haha!!!! Ang kulit ni juan!!! :D

    TumugonBurahin
  11. ganyan talaga pag ang pangalan ay juan

    TumugonBurahin
  12. yan ag mga may power kinakausap ang alimango kaya nyo yun? XD :D

    TumugonBurahin
  13. ako si juan anong sabi nyo ??????????????????????????????????????

    TumugonBurahin
  14. ganda salamat d 2 @

    TumugonBurahin
  15. haha patawa si juan haha!!

    TumugonBurahin
  16. umm..can someone pls comment the main lesson of this story?now..

    TumugonBurahin
  17. ano aral nito? pls comment kelangan ko lang thanks

    TumugonBurahin
  18. Lesson : pag taxi hin pauwi

    TumugonBurahin
  19. Tanga talaga ni juan..sarap pektusan.

    TumugonBurahin
  20. Lesson : juan

    TumugonBurahin
  21. Lesson: huwag iasa sa iba ang trabahong naka atas sa iyo

    TumugonBurahin
  22. San ng galing itong kwentong 'to? San nagmula?

    TumugonBurahin
  23. walang taxi sa bukid

    TumugonBurahin
  24. sino ang may akda please sabihin nyo sakin

    TumugonBurahin
  25. Tuwang tuwa ako salamat po sa joke nakawawala nang strees itong si juan hahah๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜€

    TumugonBurahin