Pilipino:Buhay sa kasalukuyan
ni Ronna Jie A. Timoteo
Ako, Ikaw at tayong lahat, ay isinilang na pilipino namulat tayo sa isang bansang puno ng makasaysayang kuwento. Ngunit sa dinarami-rami ng pagsubok at balakid na pinagdaanan ano na nga ba ang kinahantungan natin ngayon?
Ikaw sa iyong palagay bilang isang kabataan at mamamayan ano na nga ba ang Buhay sa kasalukuyan?Ako sa palagay ko kaawa-awa ang pamumuhay natin ngayon, sabi nila di raw naghihirap ang pilipinas malabo....totoo maraming makabagong teknolohiya ngayon, ngaunit kung pagmamasdan ang mga nangyayari ngayon di ba't puno ng kahirapan at kalungkutan. Masdan nalang natin ang kamaynilaan ang mga iskwater na naninirahan doon, ang mga pulubing nagkalat sa langsangan, at mga krimen na karumaldumal sa ating mga mata. Di ba't marami na ang taong natutong pumaslang, at magnakaw para lamang may ipakain sa kanilang pamilya, minsan pa nga ay kabataan..., kung ganito lang paano na ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na ang "Kabataan ang pag-asa ng Bayan".
Ng dahil sa modernisasyon maraimi ang nagbago di lang sa damit, ugali, pamumuhay, at marami pa halos lahat naapektuhan. Marami ngang magandang naidulot ang modernisasyon tulad ng computer, cellphone, at mga makabagong makinarya na ginagamit natin sa araw-araw, pero di ba't dapat nating katakutan din ang teknolohiya na baka sa paglipas ng panahon ay tuluyan ng mawalan ng silbi ang tao. Ngayon nga paunti na ng paunti ang trabahong maaaring pasukan kaya karamihan ay nangingibang bansa pumapasok bilang OFW ( Overseas Filipino Worker) para lamang makatulong sa pamilya tinitiis lahat para lamang kumita ng pera.
Pilipino nga naman....
Napapanahon na! para tayo ay kumilos
Ako, ikaw, tayong lahat may magagawa pa tayo para muling bumangon sa KASALUKUYAN para sa hinaharap.
http://bsoa1b.blogspot.com
lol
TumugonBurahin