Part 6
Ang pagsasaad ng Pagdurusa ni Don Juan, pagtulong ng ermitanyo at pagbalik niya sa kaharian ng Berbania.
Buod
Sa pag-iisa at pagdurusa sa sakit ng mga sugat, naisip ni Don Juan ang kaniyang ama,
At ang kaniyang ina. Nagdasal din siya sa Panginoong Diyos na siya ay tulungang makita ulit ang kaniyang mga magulang kahit na naisip niya ang kasamaang iginanti sa kaniya ng kaniyang mga kapatid.
Dumating ang matanda at parang himala, ginamot siya sa kaniyang mga sugat at siya ay naging malakas ulit.
Punit-punit ang damit na bumalik sa palasyo si Don Juan. Nang Makita siya ng Ibong Adarna, umawit ito ng pitong beses na nagkukuwento kung paano pinagtulungan si Don Juan ng mga kapatid na sina Don Diego at don Pedro. Sa ikapitong awit kung saan sinabi ng ibon na dapat ipamana ang kaharian kay Don Juan, gumaling ang hari at tumayo.
Kahit na inapi ng mga kapatid napatawad pa rin sila ni Don Juan at sila’y nagsama-sama sa kaharian kasama ang Ibong Adarna.
Talataan:
Palamara-masama
Balintuna-kabaligtaran
Talinghaga-misteryo
Nautas-napatay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento