Paano Ba Maging Pilipino?
Carla R. Abines
Nagtataka ako kung bakit ganun na lamang ang pagmamalaki ng mga kapitbahay nating bansa sa kanilang lahi..Bakit tayong mga Pilipino, hirap maipagamalaki kung ano tayo at kung ano ang mayroon sa atin. Bakit ang ibang dayuhan gayun na lamang ang pagnanasang magkaroon ng lupain sa ating tinubuang lupa. Bakit ang mga dayuhan pa ang nakakakita kung anong mga potensyal at yaman mayroon angting bansa. Bakit hindi tayo matutong pahalagahan ang mga yamang ipinagkaoob sa atin ng Dakilang Maykapal. Kailan natin pahahalagahan ang mga bagay na kinaiinggitan ng mga dayuhan. Kailan natin mamahalin ang mga bagay na patuloy nang nauubos dahil sa ating pagwawalang bahala at paglalapastangan sa ating yamang kalikasan. Kailan natin aalagaan ang mga ito? Kapag ito’y ubos na at hindi na mapapalitan pa? Kailan tayo magsisimulang mahalin ang ating bansa? Kung pag-aari na ito ng mga banyaga? Ngunit ano nga ba ang magagawa ko upang maging isang tunay na Pilipino? Sapat na ba na nananataylay sa aking dugo ang aking pagiging Pilipino? Sapat na bang kayumanggi ang kulay ng aking balat. Sapat na bang hindi matangos ang aking ilong upang masabing ako ay isang Pilipino? Sapat na ba na gumagamit ako ng “po” at “opo”sa pananalita upang maging isang tunay na Pilipino? Kung yun lamang mga bagay na iyon ang magiging batayan,masasabi kong ako’y isang tunay na Pilipino? Ngunit sapat na nga ba iyon? Nakagawa na ba ako ng bagay na ikaaangat ng aking lahi? O isa rin akong pabigat sa aking Inang Bayan? Paaano nga ba magpaka Pilipino? Dahilan ba na matagal tayong nasakop ng mga banyaga, mula sa mga espanyaol, amerikano at mga hapones? Sanay na ba tayong maging alipin sa sarili nating bayan? Dahil sa sobrang tagal nating naging tau-tauhan sa ating lupang sinilangan. Kailan maiaalis sa atin ang pusong- alipin? Hindi ba natin kayang maipagmalaki na tayo ay Pilipino? Ikinahihiya ba natin ito, at mas gusto pa natin maging simpleng manggagawa lamang sa labas ng bansa? Sapat na ba na magpadala tayo ng dolyares sa ating pamilya dito sa Pilipinas? Ipinagmamalaki ba natin na tayo ay Pilipino sa labas ng bansa? O pinipilit nating maging dayuhan sa sarili nating bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong estetsayd? Gising na kapwa Pilipino simulan na nating mahalin ang ating bayan. Simulan na nating magpaka Pilipino!
Ipagmalaki ang sariling Atin!
TumugonBurahin