Huwebes, Setyembre 2, 2010

Mga Uri ng Dula

Komedya
•Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

Trahedya
•Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.

Melodrama o Soap Opera
•Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.

Tragikomedya
•Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

Mga sangkap sa dula

Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap

1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan


Sangkap ng dula:

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad 
sa dula
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning                nararanasan
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood


Elemento ng Dula:

1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
2. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
3. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
4. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood


Eksena at tagpo:


Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

12 komento:

  1. meron naman akong natutunang konti pero kulang pa rin po sya sa informations. Add-add lang po.

    TumugonBurahin
  2. please give more info lang po... :)

    always smile... :)

    TumugonBurahin
  3. ayus tapus na nan ang takdang aralin ko tnx 2 dis website

    :)XD

    TumugonBurahin
  4. sana mero din script na halimbawa

    TumugonBurahin
  5. Yas namern. Tapos ko na yung number 1 at 3 sa aming takdang aralin sa Filipino 9.. Maari niyo po bang sagutin ang tanong sa ibaba:

    Ano ang naging papel ni Estella Zeehandelaar sa pagkakaroon ng kalayaan ng mga kababaihan?


    Marami pong salamat. Aasahan ko po ang inyong mga sagot.. Iyon po ang ikalawang tanong sa aming takdang aralin. Marami po talagang salamat

    TumugonBurahin
  6. tnx to this page

    TumugonBurahin
  7. Thx good workπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘

    TumugonBurahin
  8. Dula ng pag ibig tragedy

    TumugonBurahin