Martes, Oktubre 26, 2010

Mga Pangunahing tuntunin sa Pagsulat

Mga Pangunahing tuntunin sa Pagsulat

1. Iwasan ang pangawing na ay sa pangungusap
    -higit na mabisa ang pangungusap kapag walang ay.
    -naaangkop lamang ang ay bilang pangawing sa dalawang bahagi ng
    pangungusap na di magkaugnay.

2. Gamitin ang wastong salita
    Mali: Nang mabuksan niya ang bintana, tumagos sa silid ang liwanag.
    Tama:Nang mabuksan niya ang bintana, pumasok sa silid ang liwanag.

3. Iwasan ang salitang hiram na hindi kailangan tulad ng:

 pero
 mas
 sobra
 siguro
 pareho
 para
 masyado
 para que
 porque

    Wastong gamitin ang para bilang pang-ukol.
    Halimbawa:
    Para sa iyo ang mga bulaklak na ito.
   
    Wasto ring gamitin ang parang sa halip na tila.
    Halimbawa:
    Parang uulan.

4. Iwasto ang pagbabanghay ng mga pandiwa.


 Mali
 Tama
 Kinakalimutan
 kinalilimutan
 kakalimutan
 kalilimutan
 ikinakabuti
 ikinabubuti
 ikakabuti
 ikabubuti
 ipinapagamot
 ipinagagamot
 ipapagamot
 ipagagamot
 ipinapagsama
 ipinagsasama
 ipapagsama
 ipagsasama
 nakakalungkot
 nakalulungkot
 nakakapagbigay
 nakapagbibigay
 nakakapang-akit
 nakapang-aakit
 ipapagawa
 ipagagawa
 pinapasigaw
 pinasisigaw
 pinapag-usapan
 pinag-uusapan


5. Buuin ang banghay; hindi dapat mawala ang I sa simula o gitna ng pandiwa.
    Mali:
    Kinandado ko ang pinto.
    Bakit mo inurong ang demanda?
    Inakyat ko sa kwarto ang bentilador.
    Dali-dali naming siyang sinakay sa kotse.

6. Gamitin nang wasto ang may at mayroon.

7. Gamitin nang wasto ang ng at nang.

8. Huwag gawing pandiwa ang salitang Ingles.

9. Iuna ang pangngalan sa pang-uri.

10. Idugtong ang pang-angkop na na sa salitang sinusundan kapag nagwawakas ito sa patinig na N.
    Wasto: Nasunog kahapon ang tindahang binibilhan namin ng sapatos.
    Mali: Nasunog kahapon ang tindahan na binibilhan namin ng sapatos.

11. Iwasan ang pagsusunud-sunod ng higit sa dalawang salitang nagtatapos sa –ng.
    Wasto: Ayaw niyang maniwala na walang pasok sa Sabado.
    Mali: Ayaw niyang maniwalang walang pasok sa Sabado.

12. Hindi na kailangan ang pantukoy na mga kapag ginagamit ang pangngalan bilang palasak.
    Wasto: Murang-mura ngayon ang melon.
    Kulang na kulang sa doktor ang nayon namin.
    Mali: Murang mura ngayon ang mga melon.
    Kulang na kulang sa mga doktor ang nayon namin.

13. Iwasan ang katagang walang silbi.
    Wasto:Marami pa akong ikukwento sa iyo bukod sa narinig mo na.
    Mali: Marami pa akong ikukwento sa iyo bukod pa roon sa mga narinig mo na.

14. Huwag lumikha ng sariling pandiwa o pandiwari.
    Iwasan:
    May kailangan siya kaya maganda ang pagsalita niya sa akin.
    Huwag mong tapunin ang papel na iyan.
    Sagutan mo na ang sulat ng nanay mo.

15. Gamitin ang wastong gitlapi.

 Mali
 Tama
 ihinihiwalay
 inihihiwalay
 ilinalabas
 inilalabas
 iwinawasiwas
 iniwawasiwas


16. Baybayin nang buo ang mga salita.
    Mali:
    Lumakas ang ulan nung mag-aalas singko.
    Nauunawaan ko na yung ipinaliliwanag mo.
    Huwag niyong kalilimutan ang bilin ko.
    Ke dami mo naming sinasabi.
    Mataas siya kesa sa iyo.
    Baka hindi mo siya Makita uli.
    Nasa taas ng aparador ang hinahanap mo.
    Nagdadalwang isip ako tungkol sa balak natin.
    Konti na akong masagasaan kanina.
    Ba’t lagi kang nakasimangot?

    Iwasan din ang paggamit ng ewan at ayoko.
    Sa pagsulat, gamitin ang lamang, hindi ang kolokyal na lang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento