Kabanata 6
Si Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago ay hindi matangkad, hindi rin maputi at nasa edad na tatlumpong taong gulang. Hindi pa maputi ang kaniyang buhok at may kakisigan din maliban nga lang sa ito ay nananabako at nagnganganga.
Sa Binundok, siya ay pinakamayaman dahil sa kanyang mga negosyo at asyenda sa Pampanga at Laguna.
Dahil sa kaniyang yaman, si Kapitan Tiyago ay naging makapngyarihan dahil sa kaniyang impluwensiya sa mga tao sa pamahalaan at sa simbahan.
Ang tingin niya isa siyang tunay na Kastila. Pakiramdam niya ay malapit din siya sa Diyos dahil kaibigan niya ang mga prayle at madalas siyang magpamisa para sa kaniyang sariling kaligtasan at matamo ang langit.
Lahat ng santo at santa ay mayroon siya sa silid.
Pinupulaan niya ang mga Pilipino upang mapalapit siya sa mga Kastila. Dahil dito ay ginawa siyang gobernadorsilyo.
Lahat ng batas at utos ng mga Kastila ay kaniyang ipinatutupad. Isa itong pagsisipsip sa mga namamahala. Palagi rin siyang may handang regalo.
Si Kapitan Tiyago ay anak ng isang mangangalakal ng asukal na sa kakuriputan ay hindi pinag-aral ang kaniyang anak. Isang paring Dominiko na kaniyang pinagsilbihan ang nagturo sa kaniya ng dapat niyang malaman. nang mamatay ang kaniyang ama ay nagsimula siyang magnegosyo. Ang kaniyang napangasawang si Pia Alba na taga Santa Cruz ay tumulong sa pagpapalago ng kanilang kalakal hanggang sila ay yumaman at makilala sa alta sosyedad.
Nang makabili sila ng lupa sa San diego, nakilala niya at naging mabuting kaibigan si Pari Damaso ang kura paroko at ang pinakamayaman sa San diego, si Don Rafael Ibarra.
Sa loob ng anim na taon na pagsasama niya at ng kaniyang kabiyak,hindi sila biniyayaan ng anak.Pinapunta sila ni Pari Damaso sa Obando, mamanata kina San Pascual Baylon, Santa Clara at Nuestra Senora de Salambaw.
Nagdalantao si Pia nguni't siya ay naging masakitin. Pagkatapos niyang manganak, siya ay namatay at naiwan sa pangangalaga ang bata na pinangalanang Maria Clara kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago. Ang ninong sa binyag ay si Pari Damaso.
Pagsapit niya ng ikalabing-apat na taon, siya ay pumasok sa kumbento ng Sta. Catalina, samantalang si Crisostomo Ibarra ang kaniyang kababata ay ipinadala ng ama sa Europa.
Pinagkasundo ni Don Rafael si Crisostomo Ibarra sa anak ng kaibigan niyang si Kapitan Tiyago, si Maria Clara na sia ay magpapakasal pagdating nila sa tamang edad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento