Kabanata 4
Erehe at Pilibustero
Naglakad na si Ibarra na walang tiyak na paruruunan hanggang marating niya ang liwasan ng Binundok. Wala pa rin siyang nakitang pagbabago mula nang siya ay umalis.
Hindi niya alam sinundan pala siya ni Tinyente Guevarra. Pinaalalahanan siyang mag-ingat dahil baka mapahamak din siyang katulad ng kaniyang ama. Inusisa ni Ibarra kung ano ang tunay na nangyari sa kaniyang ama.
Ang alam lang niya ay abala ito sa mga gawain kaya humihingi ng paumanhin kung hindi siya makakasulat sa anak.
Isinalaysay ng tinyente ang gustong malaman ni Ibarra.
Bagama't pinakamayaman si Don Rafael sa lalawigan, marami rin siyang mga kaaway na karamihan ay naiinggit. Ang mga nuno nila ay Kastila nguni't marami siyang kagalit na kastila at mga pari. Kasama dito ay Pari Damaso na nakaaway niya dahil hindi nangungumpisal si Don Rafael.
Pinagbintangan siyang pumatay sa isang naniningil ng buwis at siya ay nabilanggo.
Ang taong ito ay sinaway lamang ni Don Rafael sa pananakit sa mga batang nanunukso sa kanya.
Nang gumanti ang lalaki, napilitang ipagtanggol niya ang kaniyang sarili. Sa kanilang paglalaban, natumba ang lalaki at ang ulo niya ay nabagok sa bato.
Namatay ito na siyang naging sanhi nang ikulong siya at pagbintangang erehe at pilibustero na pinakamabigat na krimen sa panahong yaon.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.
Dinagdagan pa ang mga paratang kagaya nang pagbabasa ng pinagbabawal na aklat at pagatago ng larawan ng paring binitay sa salang pangangamkam ng lupa.
Ipinagtapat ng tinyente na ginawa niya ang lahat para matulungan si Don Rafael sa pamamagitan ng pagkuha ng abugadong magtatanggol sa kaniya.
Sa pagsisiyasat, ay napatunayang namatay ang artilyero dahil sa namuong dugo nito sa ulo.
Nang malapit na siyang lumaya, namatay ito marahil sa hindi nakayanang mga sama ng loob at pahirap.
Dumating na sila sa harap ng kuwartel kaya kinamayan na lang ng tinyente si Ibarra at sinabihang tanungin si Kapitan Tiyago sa iba pang nangyari.
Sumakay na si Ibarra sa kalesa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento