Huwebes, Setyembre 23, 2010

Kabanata 10

Kabanata 10
Ang San Diego


Ang bayan ng San Diego ay may malawak na bukirin at palayan. Kaya ang mga nakatira dito ay karamihang magsasaka. Wala silang pinag-aralan at ang kamngmangang ito ang nagiging dahilan ng pagsasamantal ng mga Tsinong bumibili ng kanilang produkto sa murang halaga.

Ang bayan ay may lawa at sa simboryo ng simbahan, makikita ang kabuuan ng bayan.

Lahat halos ng ng bayan ay may alamat at isa na roon ang San Diego. Ang alamat ay tungkol sa pulong gubat na nasa gitna ng kabukiran.

Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila na magaling magsalita ng Tagalog ang dumating sa bayan at binili ang buong gubat. Nagbayad ito ng damit, alahas at pera. Tapos ang matanda ay biglang nawala.

Ang mga nagpapastol ng kalabaw ang nakakuha ng bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno.

Lalong natakot ang mga tao sa namatay dahil sa ang mata nito ay malalim at ang boses nito ay bahaw.

Lahat ng nanggaling sa matanda ay kanilang itinapon sa ilog.

May isang mistisong Kastila na ang ngalan ay Saturnino ang dumating sa bayan. Siya raw ang anak ng matanda. Hindi nagtaga; siya ay nakapag-asawa ng isang taga Maynila at nagkaraan ng anak na pinangalanan nilang Rafael. Si Rafael ay nagkaanak na pinangalanan niyang Crisostomo.

Si  Don Rafael ay mabait at nagustuhan ng mga magsasaka. Pinaunlad niya ang dating nayon na nagging bayan.

Dumating si Pari Damaso para maging kura paroko nang mamatay ang isang dating pari na Indiyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento