Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala sa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.
Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.
Pa help po pano gumawa ng rubrics sa anekdota. Sana mapansin 😊
TumugonBurahin