Isang araw, may isang lobo na pumunta sa bukid ni Mang Isko. Nakita ni Mang Isko ang lobo, nabaitan siya dito dahil hindi man lang hinabol ng lobo ang mga alaga niyang tupa. Sa halip, binabantayan pa ng lobo ang mga tupa.
Minsan, pupunta si Mang Isko sa bayan. Bibili siya ng pagkain. Kinausap niya ang lobo na bantayan nito ang mga alagang tupa.
Pagbalik ni Mang Isko, siya ay nagulat sa nakita. Patay ang tatlong tupa na kanyang alaga at wala rin sa paligid ang lobo.
Nasabi nalang niya sa sarili na “isang masamang hayop ang lobo at hindi ito mapagkakatiwalaan.”
Aral: Mag-ingat. Huwag basta-basta magtitiwala sa hindi batid na husto ang ugali.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento