Miyerkules, Setyembre 1, 2010

Ang mayabang na Pagong

Isang araw, isang pagong (turtle) ang naghihingalo dahil sa labis na gutom at uhaw. Dalawang ibon ang nakakita sa pagong na iyon. Tinulungan siya ng mga ibon na kumuha ng isang kahoy. Hinawakan nila ang kahoy sa magkabilang dulo gamit ang
kanilang tuka.

Nakasabit sa gitna ng kahoy ang pagong, gamit naman ang kanyang bibig. Inilipad siya ng dalawang ibon na ito upang dalhin siya sa ligtas na lugar.

Nasa himpapawid sila ng marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso. “Tingnan ninyo! Kamangha-mangha ang mga ibon! Hila-hila nila ang isang pagong.”

Ibig magyabang ng pagong at nais niyang magpasikat sa mga tao. “Kumusta na kayo?” sigaw niya.

Dahil sa pagsasalita niya at pagbuka ng kanyang bibig, ang pagong ay nahulog.



Aral : Pagisipang mabuti bago gumawa ng hakbang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento