Huwebes, Setyembre 2, 2010

Ang Aso at ang Pusa

Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan, Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod- lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapa-aalis ng kanyang bikig. Parang namamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makapag aalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, "Akin na ang aking gantimpala." Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil. "Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulos sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak", wika ng aso na waring nanunumbat.

2 komento:

  1. wa walay buot ang nag sulat ani hahahahahah

    TumugonBurahin
  2. wow ang ganda nakatulong ito sa aking takdang aralin thanks muuahh ILOVE YOU NAHNAHNANANHA

    TumugonBurahin