Ang Alamat ng Unang Unggoy
Noong unang panahon sa isang kagubatan, may isang batang babae na naninirahan sa pangangalaga ng isang diyosa ng paghahabi. Doon namumuhay siya ng masaya at nasusunod ang lahat ng kanyang naisin.
Isang araw inutusan siya ng diyosa at sinabing: "kunin mo ang bulak na ito, linisin mo at gawin mong damit upang iyong maisuot." Ngunit hindi siya marunong maghabi ng bulak, kaya’t sinabi niya sa diyosa, "kapag nalinis na ang bulak ay maaari na ba itong gamitin?" "Hindi," sagot ng kanyang alalay, "pagkatapos nitong linisin ay kailangan muna itong salansanin."
"Matapos salansanin, maaari na ba itong gamitin?" ang sabi ng tamad na batang babae. Sinabi naman ng diyosa na maaari lamang itong gamitin kung ito’y natabas na." Matapos itong matabas?" singit ng isang katulong, "maaari na itong gamitin?" "Hindi, kailngan muna itong tahiin," sagot ng diyosa. "Ah!," ang sabi ng batang babae, matagal pala at maraming proseso ang paggawa ng damit. Naisip niyang ipatong ang balat (leather) sa kanyang katawan upang gawin na lamang balabal kaysa gumawa pa ng panibagong damit.
Sa galit ng diyos sa katamaran ng batang babae, kumuha ng isang patpat mula sa habian ang diyosa at sinabing, ang patpat ng ito ay magiging parte ng iyong katawan, at ito’y iyong gagamitin sa paakyat. Bilang kaparusahan sa iyong katamaran, simula ngayon ikaw ay maninirahan sa mga puno sa kagubatan, at doon ay maghahanap ka ng iyong makakain." At doon nagsimula ang pagkakaroon ng unang unggoy na may balat at buntot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento