Lunes, Agosto 30, 2010

Pangungusap

Ano ang Pangungusap 


Ang pangungusap ay isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ito ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa. 

Mga Halimbawa:
Isang salitang pangungusap – umuulan.
Isang pangkat ng mga salita – Hanggang ngayon, walang makapagsasabi kung paano nagsimula iyon

Bahagi Ng Pangungusap

Mayroong dalawang bahagi ang pangungusap: ang simuno at ang panaguri.

Simuno (English: subject) - Ito ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Natutukoy ang ang salita sa pangungusap ang simuno kung ito ay sinusundan ng mga pandanda.

Ang Paksa ay maaaring:

a. payak – binubuo ito ng isang salita na tumutukoy sa paksa o pinag-uusapan sa 
    pangungusap.
b. buong simuno – binubuo ng payak na simuno at iba pang salita sa bahaging ito ng 
    pangungusap.

Halimbawa:
1. Si Martin ang bago kong kaibigan.
2. Sina Anna at Louis ang kumain ng tinapay.
3. Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
4. Namumulaklak na ang mga halaman sa hardin.
5. Binenta sa murang halaga ang antigong banga.
6. Ang magkakaibigan ay sama-samang nanood ng pelikula.
7. Sina Clyde at Bonnie ay paparating na.


Panaguri (English: predicate) - Ito ang bahagi ng pangungusap na naglalahad ng impormasyon tungkol sa simuno.

Ang panaguri ay maaaring:

a. payak na panguri – pandiwa o salitang nasa anyong pangngalan, panghalip, pang-uri o 
    pang-abay na nagsasabi tungkol sa simuno.
b. buong panaguri – ang payak na panaguri kasama ang iba pang mga salita o panuring.

1. Bumili si Princess ng bagong damit.
2. Diniligan ng mga mag-aaral ang mga bagong tanim na halaman.
3. Si Angelo ay isang matagumpay na doktor.
4. Ang MRT ay nangangahulugang Manila Railway Transit.
5. Napagod ang mag-anak sa kanilang pamimili para sa kapaskuhan.
6. Pinakintab nina Alice at Lea ang sahig ng silid-aralan.
7. Kumain ng agahan sina Adrian at Elsa.



Mga Sanggunian:

Antonio, E. et.al (http://et.al). 2015. “Kayamanan 5: batayang kagamitang Pampagturo.”

Cristina Daigo. November 26, 2016. Filipino Language and Customs. Retrieved from http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-filipino-language/ano-ang-bagagi-ng-pangungusap-halimbawa-ng-simuno-at-panaguri-5839a050e7cce

1 komento: