Biyernes, Agosto 27, 2010

Mga Panagano ng Pandiwa

Mga Panagano ng Pandiwa

Isang kakanyahan ng pandiwa ang pagtataglay ng iba’t ibang anyo ayon sa panahon at panagano. May apat na panagano ng pandiwa.

1. Pawatas – binubuo ng makadiwang panlapi at salitang-ugat, walang panahon ni panauhan
Mga Halimbawa
Ang magsabi ng totoo’y tungkulin ng tao.
Ang umaawit ng opera ay isang karangalan.

2. Pautos - walang kaibahan sa anyo ng pawatas. Ito’y wala ring tiyak na panahon at ginagamit sa pag-uutos o pakiusap.
Mga Halimbawa
Umibig tayo sa Diyos.
Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.
Igalang ang karapatan ng isa’t isa.

3. Paturol – Iba sa lahat sapagka’t nag-iiba ang anyo ng pandiawa sa iba’t ibang aspekto ang perkpektibo, imperpektibo at kontemplatibo.
Mga Halimbawa
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1. luhod um lumuhod lumuluhod luluhod
2. dasal mag nagdasal nagdarasal magdarasal
3. dasal in dinasal dinarasal darasalin
4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti

4. Pasakali – walang kaibahan sa paturol nguni’t ginagamitang lagi ng mga pangatnig o pang-abay upang maipahayag ang kalagayang pasubali.
Mga Halimbawa:
1. Baka matuloy kami kung may sasakyan.
2. Kung nabuhay siya disi’y Masaya ako ngayon.
3. Marahil naghihinanakit siya sa atin ngayon.

21 komento:

  1. Thanks,,, this article really helped me a lot..

    TumugonBurahin
  2. ...panggaano or panagano?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Panagano

      Burahin
    2. Salamat dito. First time ko naituro ang uri ng Pandiwang ito. Sa una nakakalito. Pero mabuti nalang merong isang taon nakagawa nito upang maging gabay

      Burahin
  3. Thanks for this. God bless.

    TumugonBurahin
  4. salamat at naliwanagan ang isip ko tungkol sa paturol.

    TumugonBurahin
  5. Ang hirap intindihin nung ibang super lalim na tagalog words, but anyway ang laking help nito sakin. Thankyou :)

    TumugonBurahin
  6. May tanong ako na hindi nasagot: Ang panagano ng pandiwa na nagsasaad ng katotohanan ng isang bagay o pangyayari ar tinatawag na?

    TumugonBurahin
  7. very helful thankyou

    TumugonBurahin
  8. nahirapan talaga ako nito...it is included in the competency pero bakit wala ito sa mga textbooks..


    TumugonBurahin
  9. Nahirapan din ako dito. Nasa book ko ito pero wala sa ibang reference

    TumugonBurahin
  10. thanks for sharing this lesson... its a big help for me lalo na first time kong magturo ng asignaturang Filipino...

    TumugonBurahin
  11. super thank u po, kasi ngayon ko lang nalaman ito...

    TumugonBurahin
  12. Nakka challenged itong topic na ito. 😊

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Babae ka? Kung babae ilang taon kana?

      Burahin
  13. Can it get translated.

    TumugonBurahin
  14. Dakal pu salamat at atin ku aturu keng anak ku.Fod bleds pu kekayu.

    TumugonBurahin