Biyernes, Agosto 27, 2010

Mga Gamit ng Panghalip

Mga Gamit ng Panghalip

Ginagamit Bilang Simuno o Paksa ng Pangungusap

Halimbawa:
Ikaw ay matalino.
Ang kotseng ito ay para sa iyo.

Ginagamit Bilang Panaguri ng Pangungusap
Halimbawa:
Ang lapis ay kanya.
Ang mansanas ay kanila.

Ginagamit Bilang Panuring Pangngalan

Halimbawa:
Ang ganitong kulay ay maganda.
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.

Ginagamit Bilang Pantawag

Halimbawa:
Ikaw, halika dito.
Kayo, hindi ba kayo kakain?
Ikaw, umalis ka na.
Sila, hindi pa ba sila sasama?

Ginagamit Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:
Tayo ay aalis na.
Iyan ang pag-aaralan mo.

Ginagamit Bilang Layon ng Pang-ukol
Halimbawa:
Nagpapaganda si Ana para sa iyo.
Para sa akin ito.

Ginagamit Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos

Halimbawa:
Binigyan niya sila ng pera.
Ang prutas na pinitas ko ay matamis.

7 komento:

  1. Palaganapin mo po ito para marami pang taong makagamit ng iyon Blog... salamats

    TumugonBurahin
  2. pwede po nilang ma search sa google ang aking site

    TumugonBurahin
  3. Maaari po bang madagdagan ng iba't ibang uri ng parirala? Kung inyong nanaisin?

    TumugonBurahin
  4. Ito po ay malaking tulong sa mga guro at mag aaral.Maraming salamat po sa pagbabahagi nito.

    TumugonBurahin
  5. Sa pangungusap na "Tayo ay aalis na"... ang nakalagay na gamit ay bilang kaganapang pansimuno.. hindi ba gumaganap na paksa ang panghalip na "tayo" sa pangungusap?

    TumugonBurahin
  6. I respectively say that this. Makes no sense at all


    DAB ON THEM HATERS

    TumugonBurahin
  7. Nagandahan po ako sa sagut at gjnawa ko po itong reviewer ok lng po iyon?

    TumugonBurahin