Biyernes, Agosto 27, 2010

Kaantasan ng Pang-uri

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook na ito.

2. Pahambing - Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.

     a. Pahambing na magkatulad - Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-
     /kasing- /magkasing- /magsing-. Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng
     dalawang bagay na pinaghahambingan.
     Halimbawa:
     Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

     b. Pahambing na di-magkatulad - Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng
     pinaghahambingan.

         • Pahambing na palamang - May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.
           Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.
           Halimbawa:
           Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.

         • Pahambing na pasahol - May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.
           Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.
           Halimbawa:
           Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa
           Zamboanga.

3. Pasukdol - Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa:
Ang ganda-ganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.

31 komento:

  1. How can "ganda-ganda" be pasukdol when you're not comparing Palawan with any other place?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oyy teacher ata yan haha

      Burahin
    2. Sa pasukdol powala ng pag hahambing na nagaganap kasi kung meron d na yan pasukdol pahambing na po yun kasi ang pasukdol nag lalarawan po yan ng bilang o dami ng isang bagay tao pangyayari at idea

      Burahin
    3. Nangingibabaw sya dahil its comparison is to the max level

      Burahin
  2. kaya nga pasukdol dahil namumukod, kung merong pag kukumparahin hindi na magiging pasukdol

    TumugonBurahin
  3. when there is comparison it will be called pahambing

    TumugonBurahin
  4. THE RIGHT IS ANG GANDA-GANDA NG PALAWAN KAYSA PAYATAS.

    TumugonBurahin
  5. mali ka din kasi pag merong "kaysa" magiging Pahambing na palamang. Tingnan mo sample ng author sa number 2b.

    "Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.
    "

    TumugonBurahin
  6. tama ang author sa paggamit ng ganda-ganda, ang mali lamang ay ang pantukoy na ang. imbes na ang ganda-ganda, dapat KAY GANDA-GANDA...

    sana nakatulong.

    TumugonBurahin
  7. or could be "pagkaganda-ganda ng Palawan" or "ubod ng ganda ang Palawan"

    TumugonBurahin
  8. kung ang tae gwapa aw ikaq nato

    TumugonBurahin
  9. Ang mas tama ay: "Napakaganda ng Palawan." sa pasukdol. Tss.. -_-

    TumugonBurahin
  10. sir halimbawa pa po ng lalo

    TumugonBurahin
  11. halimbawa po ng di-gasino, di-lubha, lalo at di-totoo

    TumugonBurahin
  12. Kay ganda-ganda ?

    TumugonBurahin
  13. bakit walang modernisasyon sa klasipikasyon ng pahambing na di-magkatulad?

    TumugonBurahin
  14. Ano sa pasukdol ang Di gaanong malaks?

    TumugonBurahin
  15. But It Will Not COuld Be COuld As PasukDol If There Is Kaysa \

    TumugonBurahin
  16. But First If YOu WIll COmpiaR 2 Or More It Will be COuld as PahamBIng

    TumugonBurahin
  17. Hindi ba dapat yung "Ang ganda-ganda" lantay? kasi kung pasukdol, dapat "napakaganda"?

    TumugonBurahin
  18. Pwedi po ba kayong magbigay ng halimbawa ngayon ng Di-totoo sa pahambing? please.. bukas ko po gagamitin.

    TumugonBurahin
  19. Ang "Ang ganda-ganda" ay pasukdol parin. Sinasabi niya na ang ganda ng palawan kumpara sa ibang lugar. Kinukumpara ito sa lahat hindi lang sa isang bagay. Kaya ito ay pasukdol. Hindi lantay o pahambing

    TumugonBurahin
  20. wala man panguri hanep ka po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tamad kang mag hanap...
      https://teksbok.blogspot.com/2010/08/pang-uri.html

      Burahin
  21. Paano po yung magagalang? halimbawa: Magagalang ang mga anak ni Mang Berto. Pahambing din po ba yun kasi ang ibig sabihin ay pare-parehong magalang ang anak ni Mang Berto.

    TumugonBurahin
  22. Di po ba sana ang correct sentence ay "Ang Palawan ang pinakamagandang isla sa Pilipinas."? Dahil if you just say ang ganda-ganda ng Palawan,walang ibang subject for comparison. So I take it as Lantay.

    TumugonBurahin