Huwebes, Enero 17, 2013

Lupain ng Taglamig

Lupain ng Taglamig

Buod

Ito ay isinulat upang ipakita ang pag-iibigan sa dalawang magkaibang tao. Ang akda ay tungkol sa pagmamahal, pagnanasa, kagandahan, pagkalungkot at kawalan. Ang ''Lupain ng Taglamig'' ay masasabang kwento tungkol sa babae at lalaki, mayaman at mahirap, bayan at lalawigan, tradisyon at pagbabago, kanluran at silangan, at ang panandaliang paglitaw ng bagay-bagay. Ang akda ay may pinaghalong sangkap ng kultura at kalikasan.

Ang paksa ng kwento ay kalungkutan, pagkasidhi ng imposibleng pag-iibigan, kalunos-lunos na kaparangan sa kagandahan at pag-iibigan, ang tradisyonal na tema ng ''mono no aware'', ang kamalayan ng kagandahan at kapanglawan sa pansamantalang imahe ng kalikasan, buhay at kaugnayan ng bawat tao. Ang kwento ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang magkaibang tao--isang lalaking masasabing kabilang sa mga nasa gitnang uri at isang geisha na may mababang sosyal na katayuan.

Ang lalaking protagonista ay si Shimamura. Siya ay baguhan ngunit mapera. Ang pinakapinag-aabalahan niya ay ang pagsulat ng mga monograp tungkol sa ballet. May asawa na siya ngunit may natipuhan siyang isang geisha na naging kaibigan niya. Ito ay si Komako. Palagi niya itong dinadalaw sa resort na pinagtatrabahuan nito. Si Komako naman, ay halatang may gusto rin kay Shimamura. Hindi niya ito hinahayaang mawala sa kanyang paningin at palagi siyang nananatili sa kwartong inuukopahan ni Shimamura. Samantala, interesado rin si Shimamura kay Yoko. Si Yoko ay isang babaeng nasa ilalim ng pangangalaga ng isang nagtuturo sa musika. Sa gitna ng kwento ay tila may agawan sina Yoko at Komako para kay Shimamura.

Ang pamagat ng kwento ay ibinase sa tagpuan ng kwento, sa isang lalawigan sa Japan na nakakaranas ng matinding taglamig tuwing Disyembre. Ang tagpuan ng kwento ay sa maniyebe na kabundukan sa Kanluran ng Japan.

Si Shimamura ay bumalik sa lupain ng taglamig, dahil sa kagandahan ng kapaligiran at tradisyonal na pamumuhay ng mga tao rito. Isa rin sa mga dahilan kung bakit siya bumalik ay si Komako, isang bata at baguhang geisha na nakilala niya noong nakaraang byahe niya rito. Siya ay isang mayamang mamamayan na nais kumawala sa buhay niya sa Tokyo at sa kanyang asawa. Noong tagsibol ay pumunta siya sa kabundukan upang makapag-isa at doon siya nagkaroon ng interes sa mga geisha. Kasunod nito ay nagkaroon sila ng relasyon, isang pag-iibigang tila ayaw matupad. Ngunit sa huli, tila wala siyang kakayahan upang umibig. Si Komako naman, ay naninirahan sa gitna ng pag-ibig at buhay, madaling naaapektuhan sa kanyang mga emosyon at mga pagsubok sa buhay na maaaring ikahantong niya sa pagkasawi at pagkabigo. Siya ang sentro ng kwento, dahil siya, mula sa isang baguhan at walang kaalam-alam na bata ay naging isang madamdaming babae at tanggap na niya na talagang may pagbabago sa bawat yugto ng buhay.




(Hinango mula sa http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_nobelang_Lupain_ng_taglamig)

28 komento:

  1. yehey! :) thank youuuuu

    TumugonBurahin
  2. Oh yeah.. thanks at may buod na din..!! :D Tanks po .!! :D God Bless sa Gumawa nito...

    TumugonBurahin
  3. thank you po!

    TumugonBurahin
  4. thanks po dito!! yes may CLEarance nako!! hahaha

    TumugonBurahin
  5. uhuh!.. me ganun.,

    TumugonBurahin
  6. 0hh mY wAlEi p0h vAh kaUnG bUoD nG t!gRe t!gRe..,,,,.
    nEed q0uH r!n kAsEh Un Ehhhh..,,
    pEr0h TnX nA r!n...,,,
    c0pY pAsTe AnG pEG......

    -pR!nCesS_13

    TumugonBurahin
  7. Thankyou sa gumawa nito :"> Effort ha! :D Hart hart. Godbless. Follow niyo ko sa twitter, Mojaawesome po name ko =))))) Please thankyou.

    TumugonBurahin
  8. hi po.. anu po ba ang kahalagahan ng papel na ginampanan ng mga kababaihan sa kwento?

    TumugonBurahin
  9. gawan nyo naman po ng character profile ang mga tauhan nyan :) thank you!

    TumugonBurahin
  10. Yea!!
    Arigatou gouzaimas !!
    May buod na akong maissulat sa takda ko
    Thanks ulet ^_^

    TumugonBurahin
  11. gawa me ng character profile ni shimamra at si komako

    TumugonBurahin
  12. kelangan me ngayun ehhhhhhhh

    TumugonBurahin
  13. huhu saya d na kelangan pang mag buod. yesssssssssss super thanks po.

    TumugonBurahin
  14. thanks ah laking tulong na apreciate ko:*

    TumugonBurahin
  15. Pwede po ba yung mga tauhan naman? :(=))))) hihihi. please :(((

    TumugonBurahin
  16. WALANG KWENTA WALNG KWETA

    TumugonBurahin
  17. thanks sa buod .. malaking tulong talaga ;)

    TumugonBurahin
  18. nag kakatuluyan ba sila komoko at shimura?

    TumugonBurahin
  19. Maraming Salamat talaga yung akda kasi halos 17 page. grabe nakakatamad magbasa. dito isang page lang.

    TumugonBurahin
  20. naKa BasA nA JuD Ko.................

    TumugonBurahin
  21. Thank You :)

    TumugonBurahin
  22. Kulang to, madaming kulang :) Wala ang mga banghay.

    TumugonBurahin
  23. Salamat dito nakatulong siya saakin ! :) Naggawa ko ung assignment ni Mahal si Katrina !

    TumugonBurahin
  24. Salamat!!! :)

    TumugonBurahin