Linggo, Marso 6, 2022

Palaisipan

Palaisipan

Ang palalisipan ay katanungang nangangailangan ng mabilis na nguni’t masusing pag-iisip. Karaniwan sa palaisipan ay sinusubok ang kakayahan sa pag-unawa sa mga ibinigay na impormasyon para masagot ang katanungan.

Ang palaisipan din ay isang uri ng karunungang bayan na karaniwan ay nasa anyong tuluyan bagaman may ilan ding halimbawa nito na nasa anyong patula. Ito ay isang uri ng larong humahamon sa isipan ng mga tao upang mag - isip ng kasagutan o solusyon sa suliraning inilahad.


Pagkakaiba ng Bugtong at Palaisipan

Ang mga bugtong ay isa sa mga tanyag na libangan ng mga bata noon. Pagkatapos, nung lumaki na at nagkapamilya ang mga batang ito, naipapasa nila ito sa kanilang mga anak. Dahil sa pagpapasang ito, ang mga bugtong ay masasabi nating mga halimbawa ng karunungang bayan. Ngunit, ito rin ay masasabi para sa mga palaisipan. Pero ano nga ba pagkakaiba nito.

Ating masasabi na ang bugtong ay isang palaisipan na nasa anyong patula. Kadalasang ang mga bugtong ay may mga salitang tugma. Hindi lamang ito dahil mas nakaka-aliw ang mga salitang tugma. Ang mga bugtong ay nasa tugmang patula para mas madali itong kabisaduhin. Kaya naman, mas madaling maipasa ang mga bugtong kahit hindi ito sinusulat.

Samantala, ang mga palaisipan naman ay gumagamit ng lohika o logic para malaman ang sagot. Ang mga palaisipan ay dapat tingnan ng maigi dahil kadalasan itong may nakapaloob na nakatagong kahulugan. Ito ay payak at simple na naka-angat sa patudyong gamit ng tanong at sagot.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento