Martes, Marso 1, 2022

NAT Reviewer Filipino II

 

National Achievement Test

Reviewer sa Filipino II

 

 

Iba’t ibang uri ng Teksto

 

1. Informative o pagpapabatid ng kaalaman – hal. Balita, Announcements

2. Narrative o pagsasalaysay – hal. Maikling Kwento

3. Expository o paglalahad o paglalabas ng katotohanan – hal. Lathalain

4. Descriptive o paglalarawan – hal. Travel Brochures

5. Argumentative o pakikipagtalo – hal. Debate, Editoryal

6. Persuasive o paghihikayat – hal. Ads

7. Procedural o prosidyural – hal. Manual

 

Iba’t ibang Bahagi ng Pahayagan

 

Pangmungkahing Pahina (Front page) - nakalimbag sa pahinang ito ang pinakamahahalagng balita.

Pahinang Editoryal (Editoryal page) - natutunghayan dito ang pangunahing pangulong tudling, kolum ng mga komentarista/ pitak, karikaturang editoryal, mga liham sa patnugot at talaan ng patnugutan.

Tanging Lathalain - itinatampok dito ang katangi-tanging artikulo na maaaring tao, pook, pangyayari, bagay, lunan at kakaibang paniniwala o panuntunan sa buhay.

Isports/Pampalakasan (Sports page) - nababasa sa pahinang ito ang mga tampok na paligsaghan ng laro tulad ng basketball atbp. Itinatampok din dito ang mga pitak pang-isports.

Movie Guide - Dito makikita ang mga pelikulang ipapalabas sa sinehan.

Tv Guide - Dito makikita ang mga palabas sa telebisiyon.

Klasipikadong Anunsyo (Classified Ads) - Sa pahinang ito makikita ang mga trabaho,

ang mga house and lot na ipinagbibili atbp.

Obituary - Dito makikita ang mga namatay na tao.

Pahinang Panlibangan (Entertainment page) - Dito makikita ang mga Komiks, puzzle atbp.

Lifestyle - Dito makikita ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng mga sikat na tao.

Business page - Dito makikita ang mga bagay na may kaugnay sa negosyo.

 

Balita

Uri ng Balita

BALITANG PANLOKAL

- tumatalakay sa mahahlagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa.

BALITANG PAMBASA

- tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa

BALITANG PANDAIGDIG

- tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig

Bahagi ng Balita

1. Pang-edukasyon

2. Pampulitika

3. Pampalakasan

4. Pantahanan

5. Pangkabuhayan

6. Panlibangan

7. Pangkapaligiran

 

Editoryal

Mga uri ng editoryal:

 

a.) Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya.

b.) Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari.

c.) Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago.

d.) Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.

e.) Pagtutol. Dito ang awtor ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa.

f.) Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan.pag bibigay ng opinion ng isang awtor.,walang pinapanigan ang isang awtor kundi antay pantay lahat

g.) Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon.

 

Wika

 

Depinisyon ng Wika

Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao.

 

Wika ay paraan ng pananagisag sa pamamagitan ng mga tunog na ginagawa sa pamamagitan ng mga sangkap ng katawan sa pagsasalita upang ang isang tao ay maunawaan at makaunawa naman ng ibang tao. Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

 

Ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang Sining ng Pakikipagtalastasan (A.M.Bagon) arbitrary upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

 

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra)

 

Katangian ng Wika

1. May sistematik na balangkas

2. Binibigkas na tunog

3. Pinipili at isinasaayos

4. Kapantay ng kultura

5. Patuloy na ginagamit

6. Daynamik o nagbabago

 

Mahalaga ba ang Wika?

1. Kahalagahang Pansarili

2. Kahalagang Panlipunan

3. Kahalagahang Global/Internasyonal

 

Ang mga Varayti ng Wika

1. Dayalek

2. Idyolek

3. Sosyolek

 

Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika

Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.

Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao.

Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.

Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.

Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.

Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.

Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika

Karagdagan sa teorya ng wika mula kay Myan ng TristanCafe Pinoy Forum:

Teoryang YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.

Teoryang Musiko. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon.

Teorya ng Pakikisalamuha. ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Amsterdam Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala ito na ang wika sa likas na pangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.

Teoryang Muestra. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sa pamumuestra. Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay

 

Tayutay (Figures of Speech)

 

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Pag-uulit

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.

Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

 

Kanyuan ng Salita

 

Payak - isang salita o isang salitang-ugat (Root word).

Maylapi - isang salita na may isinasama o idinudugtong sa Salitang-ugat na tinatawag na Panlapi (Prefix/Affix).

Kabilaan - Panlapi na inilalapat sa Unahan, Loob o sa Hulihan.

Unlapi - (Inunlapian) Uri ng panlapi na inilalapat sa unahan ng salitang ugat.

Gitlapi - (Ginitlapian) Panlapi na inilalagay sa loob ng salitang ugat.

Hulapi - (Hinuhunlapian) Panlapi na idinurugtong sa hulihan ng salitang ugat.

Inuulit - isang salita na inuulit para magkaroon ng iba pang kahulugan.

Tambalan - Isang salita na binubuo ng dalawang salitang may magkaibang kahulugan. Ito ay maaaring gawin upang ipagsama ang kahulugan ng dalawang salitang pinag-ugatan o para makalikha ng salitang may panibagong kahulugan.

 

Pangngalan (Noun)

 

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.

 

Pagkahati-hati ng pangngalan

Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan.

 

Ayon sa Katangian

 

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.

 

Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo, Bathala

 

Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa

 Ayon sa kayarian

 

Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.

 

Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain

 

Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay

 

Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan

 

Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: kaisipan, salawikain, katapangan

 

Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan)

 Ayon sa kasarian

 

Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa

 

Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangan lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:

 

Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw)

 

Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop)

 

Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki

Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay

 Ang Kailanan ng Pangngalan

 

Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.

 

Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at ang, ng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilang isang o sang, sam, at son na mga hangong salita nito. Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.

 

Maramihan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.

 

Lansakan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan, kabukiran, Kabisayaan

 

Ayon sa kalikasan

Maaaring iuri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan nito.

 

Likas - pangngalang taal na sa sarili nito at kadalasang hango sa kalikasan. Halimbawa: apoy, lindol, ligaya

 

Likha - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito. Halimbawa: agham, talatinigan, sining

 

Ligaw - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang banyaga. Halimbawa: demokrasya, relihiyon, butones

 

Ayon sa kaanyuan

 

Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan.

 

Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. Halimbawa: talumpati, watawat, ligalig

 

Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa: sinigang, inihaw, tindahan, palakasan

 

Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita

 

Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay

 Ayon sa katungkulan

 

Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-pandiwa, pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong ng ilang panlapi o pananalita.

 

Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:

 

Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: Andres Bonifacio, Kay Huseng Batute, dalagang anak, baboy-ramo

 

Pangngalang malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an" o "han". Halimbawa: Ang pahayag (ipinahayag) ng Senador ay mahalaga sa bayan.

 

Pangngalang malapandiwari - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano ang dala (dinala) mo? Ang dala ko ay...

Pangngalang malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sa hapon ang may tuberkolosis

 

Pandiwa (verb)

 

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan 

 

Payak

Ito ay ipinalalagay na ang simuno.

Halimbawa:

Lubos na malasin, mahirapan, at masaktan ang nambababoy ng wiking ito.

 

Katawanin

Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.

Halimbawa:

Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.

Ito ay may simuno at tuwirang layon.

Halimbawa:

Naglinis ng silid si kobe bryant.

 

Tahasan

Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa.

Halimbawa: Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan noong 1892.

 

Balintayak

Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

Ang pagtatatag ng katipunan ay pinasimulan ni Andres Bonifacio.

 

Kailanan ng Pandiwa

 

Isahan

Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa: Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.

 

Maramihan

Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa: Ang mga aso ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing hatinggabi.

 

Mga Aspekto ng Pandiwa

 

Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo

Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa: Nagluto ng lechong tuyo ang nanay ko.

 

Pangkasalukuyan/Imperpektibo

Ito ay ang pagkilos na nasimulan na pero hindi pa tapos.

Halimbawa:

Natutunaw' ang sipon ko.

 

Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo

Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.

Halimbawa:

Kakain si bebang ng tsokolate.

 

Pang-abay (adverb)

 

Mga uri ng Pang-abay

 

Pamanahon - (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos.

Halimbawa: Kami ay nagsisimba tuwing linggo.

 

Panlunan - (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos

Halimbawa: Pumunta sa palengke ang nanay kanina.

 

Pamaraan - (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap ang kilos ng pandiwa

Halimbawa: Si ate ay umiyak nang malakas dahil pinalo ni ama.

 

Pang-agam - pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos

            Halimbawa: Hindi yata uulan mamaya dahil napakainit ng panahon ngayon.

Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pang-abay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng "affirmation" sa Ingles.

Halimbawa: Tunay na napakaganda ng iyong damit.

 

Pananggi - (Adverb of Negation) pang-abay na nagsasaad ng hindi pagsangayon

Halimbawa: Hindi pwede na isama ang mga alagang hayop sa party ko.

 

Panggaano - nagsasaad ng dami, halaga o timbang

Halimbawa: Limang kilong baboy ang binili niya sa palengke.

 

Panghalip (pronoun)

 

Panao

ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan

 

Panauhan

Isahan

Dalawahan

Maramihan

Una

ako, ko, akin, kata

kita, amin, natin, atin

tayo, kami, naming, atin

Ikalawa

iyo, mo, ka, ikaw

kayo, inyo, ninyo

kayo, inyo, ninyo

Ikatlo

kaniya, siya, niya

nila, sila, kanila

nila, sila, kanila

 

Kung saan ang:

Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.

Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.

Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.

 

Pamatlig

panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay. Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan. Ginagamit ang:

Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo

Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo

Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap

Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita

Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo.

Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap

Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y. Halimbawa: parke roon; bahay rito

 

Kinalalagyan

Paturol

Paari

Patulad

Pahimaton

Malapit sa nagsasalita

ito,ire,dito

nito, nire

ganito,ganire

eto, heto

Malapit sa kausap

iyan

niyan

ganyan

hayan, ayan

Malayo sa kausap

iyon

niyon

ganoon

hayun, ayun

 

Panaklaw

Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.

anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba

Nakahilig na pantitik

Halimbawa:Lahat tayo ay magtutulungan.

Panghalip na kaukulan

 

Palagyo

Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.

 

Panauhan

Una

Ikalawa

Ikatlo

Unang Panauhan

ako

kata

kami

Ikalawang Panauhan

ka

ikaw

kayo

Ikatlong Panauhan

siya

sila

 

Halimbawa:

Ako ang magluluto.

Ikaw ang magluluto.

Siya ang magluluto.

 

Paari

Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.

 

Unang Panauhan

akin, ko, amin, atin, naming, natin

Ikalawang Panauhan

mo, iyo, ninyo, inyo

Ikatlong Panauhan

niya, kaniya, nila, kanila

Halimbawa:

(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.

(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.

 

Palayon

Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.

Halimbawa:

Si Jenny ay nakasakay ko.

Pinakain nila ang mga tuta.

 

Mga Gamit ng Panghalip

 

Panaguri ng Pangungusap

Halimbawa:

Ang pera ay kanya.

Ang bola ay kanila.

 

Panuring Pangngalan

Halimbawa:

Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.

 

Ginagamit bilang Pantawag

Halimbawa:

Ikaw, umalis ka na.

Kayo, hindi ba kayo sasama?

Sila , hindi pa ba sila kakain?

 

Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:

Tayo ay kakain na.

Iyan ang gagawin mo.

 

Pang-angkop

 

Ang mga salita ay ginagamitan ng mga pang-ugnay upang maging madulas ang pagbigkas. Ang mga pang-ugnay na ito ay tinatawg na "pang-angkop". Ginagamit ang pang-angkop bilang pang-ugnay ng salita sa kapwa salita. May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita:

at ito ay ang :

-ng       halimbawa: balik ng balik

-g         halimbawa: pagkaing baboy

-na       halimbawa: pangit na pangit

 

Klaster

Ang klaster ay isang salitang may dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang pantig. Halimbawa: kard, plantsa, plato, braso, eksperto

 

Diptonggo

Ang diptonggo ay isang salitang may patinig at malapatinig (y at w) sa isang pantig.

Halimbawa: kahoy, kalabaw

 

Hindi itinuturing na diptonggo ang mga salitang tulad ng ngipin sapagkat ang ng ay iisang titik lamang sa alpabetong Filipino.

 

Pang-uri

 

Ang Pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.

 

Uri ng Pang-uri

 

Panlarawan

Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o panghalip.

 

Pamilang

Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

marami

kaunti

 

Patakaran o Kardinal

Ito ay gamit sa bilang o dami

Halimbawa:

lima,    anim,; sandaan,    sanlibo

 

Panunuran

Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.

Halimbawa:

una,  ikalima/ika-5,  pangalawa,  ikasiyam/ika-9

 

Pamahagi

Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.

Halimbawa:

kalahati (½)

bahagdan (1/100)

kaapat (¼)

 

Pamilang

Ito ay iniuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay.

Halimbawa:

tig-apat na piso

tig-aanim na mansanas

 

Palansak

Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay.

Halimbawa:

dala-dalawang bata

pito-pitong dahon

 

Kailanan ng Pang-uri

Isahan

Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.

Halimbawa:

Kaibigan ko siya.

 

Dalawahan

Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.

Halimbawa:

Magkasimpangit ang magkaibigan.

 

Maramihan

Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa.

Halimbawa:

Si carmen ay matalino na bata

 

Kayarian ng Pang-uri

 

Payak

Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang ugat.

Halimbawa:

basang trapo

sariwang gatas

puting sapin

 

Maylapi

Ito ay pang-uring likas na may panlaping ma, maka at iba pa.

Halimbawa:

masikip na daan

makataong asal

 

Inuulit

Pang-uring inuulit ang salitang ugat.

Hal. Magandang-maganda

 

Tambalan

Ito ay binubuo ng dalawang salita na pinagtambal

Halimbawa:

balat-sibuyas

kapit-bisig

tulog-mantika

 

Kaantasan ng Pang-uri

Lantay

ito ay ang pang-uring nag lalarawan sa isa o 1 pangkat ng tao,bagay,pangyayari

Halimbawa:

mainit

malakas

payapa

 

Pahambing

Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.

 

Magkatulad

Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing

Halimbawa:

kasingpalad

singganda

magkasinggaling

 

Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisimula sa   d,   l,   o,   r,   s,   t   ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing.

Halimbawa:

Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang.

 

Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m.

Halimbawa:

Ang kotse ni Noel ay kasimbilis ng kay Mark.

 

Di-magkatulad

Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad,   gaya   o   kaysa.

Halimbawa:

Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane.

 

Pinasidhi

Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan: halimbawa:maganda si anarose.ang may salungguhit ay maganda

 

Paggamit ng panlaping  nag,  napaka,  pinaka,  an  at  han.

Halimbawa:

nagtataasan

napakabait

pinakamabait

 

Paggamit ng salitang gaya ng:  masyado,  lubha,  talaga,  at  tunay.

Halimbawa:

masyadong malaki

lubhang mainit

talagang mabait

 

Paggamit ng mga pariralang:   ubod ng,  reyna ng,   at  hari ng

hari ng yabang

ubod ng sipag

reyna ng kagandahan

 

Pagbabagong Morpoponemiko

 

Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.

Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema

Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang + batas =

mambabatas

Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot = panakot

 

Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang "r".

Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong

 

Paglilipat (Metatesis)=-paglilipat ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, y)

Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap

 

Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.

Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin = dalhin 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento